KW's Note:
Vote. Share. Comment.
VRIELLA'S POV:
May panibagong problema akong kinakaharap. Ewan ko ba, parang ayaw na akong lubayan ng mga suliranin ko. Maliban kasi sa mga bayarin na kuryente, tubig, at pati na rin matrikula ni Peridot ay ang mga bayarin sa bangko. Aaminin ko, nahihirapan na ako. Lalo pa at nauubusan na ako ng paraan upang kumita ng pera. Halos naibenta o kaya naman ay naisanla ko ng ang lahat ng kagamitan ko sa bahay.
Pero ang higit kong suliranin ay ang ampunan. Dumarami na ang mga bata at kinakailangan na rin ipa-renovate ito. Nakatanggap din ako ng sulat mula sa DSWD. Nakasaad doon na hindi nakapasa sa requirements nila ang ampunan. Binigyan lamang nila ako ng sapat na panahon upang maipagawa ang pasilidad ng naayon sa kanilang pamantayan.
Isang normal na bahay lang kasi ang ampunan. Bahay na dating pag mamay-ari ng mag asawang Dina at Fred. Kaibigan matalik ng aking namayapang ina si nanay Dina. Ibinenta ng mag asawa ang kanilang bahay at lupa sa aking mga magulang noong mag kasakit sa kidney si tatay Fred. Naging mahaba ang gamutan na pinagdaanan ni tatay Fred bago siya naoperahan. Awa naman ng Dios ay nakaligtas at gumaling si tatay Fred.
Hindi naman sila pinaalis nang aking mga magulang sa kanilang tahanan. Bagkus, ay pinaupahan na lang sa kanila dalawa ang bahay. Mayroon naman kasi kaming sariling tirahan noon na ipinundar ng aming mga magulang at ito ang kasalukuyan kung tinitirhan.
Matapos mamatay na aming mga magulang ay nilapitan ako ng mag asawa, mayroon kasing nag iwan ng isang sanggol sa kanilang gate. Natakot ang mag asawa dahil wala silang alam tungkol sa ligalidad ng pag aampon, kaya ako ang nakipag-ugnayan sa DSWD. Nang makarating kami sa DSWD ay nag simula akong mabighani sa mga mumunting angel na nakita ko. Doon ang simula ang hangarin kong makatulong pa sa ibang batang inabanduna ng kanilang mga magulang.
Dahil sa aking murang edad ay kinakailangan ko humingin ng tulong upang matupad ang aking hangarin. Nag patulong ako kay Mayor Feliciano at sa mag asawang Penndelton upang imbis na ibigay ang sanggol sa DSWD ay magawa na itong ampunin ng mag asawa, at mabigyan ako ng pagkakataon na makatulong din sa ibang pang mga bata. Hindi naman ako nabigo at naging maayos naman ang lahat. Hanggang sa dumating sa buhay ko si Mr. Silver Demonteverde.
Ngayon nga ay nanganganib na mawala sa aking ang ampunan. Dumadami na ang mga bata ngunit wala akong sapat na pagkakakitaan upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Nakaramdam na naman ako ng matinding pagka-dismaya sa aking sitwasyon. Kahit hindi pa man nagaganap ay napakabigat na sa kalooban ang isiping maaring mawala ang ampunan.
Nabaling ang aking tingin sa blank check na bigay ni doctora Marigold. Alam kong hindi ito galing sa kanya kundi kay Mr. Silver Demonteverde. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Gusto ko man itong gamitin ay hindi maari. Walang kahit anoman na may kaugnayan sa kanya ang maari kong tanggapin.
"Vriella enough of self-pity. Focus. May awa ang Dios malalagpasan mo ang lahat nang ito." I practice a few breathing exercise after reminding myself to focus.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Sa ngayon ay nasa isa ako hotel kung saan gaganapin ang isang charity Auction. Ito ang naisip ng mag asawang Penndelton upang matulungan ako sa aking problema. Kamakailan lang ay nag tungo ako sa kanila upang humingi ng tulong. Sa paghaharap naming tatlo ay nalaman ko rin na halos hawak na ni Mr. Silver Demonteverde ang Fifty-five percent share ng kompanya ng mag asawa. Sila man ay nagtataka kung papaanong nangyari ang lahat. Iniisip nila na maaring sa illegal na paraan nagawang bilhin ni Mr. Demonteverde ang mga shares mula sa ibang stockholders ng kompanya. But up until now, they couldn't find any loop hole to question the legality on how he bought the stocks in a short period of time.
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomanceTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...