New Beginning

1.9K 54 12
                                    

Note:

· Unedited

· Subject for revision

· Thank you for patiently waiting

· Thank you for following

· Thank you for the comments

· Thank you for the messages

· Thank you for the votes

· Thank you for adding my stories to your list

· Lastly hope you all enjoy.

Chapter 42 - New beginning (5/10/18)

Belinda Waller's POV

"Mommy! Mommy wake up! Uncle Silver is here!" I heard Matthew's sweet little voice. He woke me up while creating waves over the bed as he jumps in excitement. I opened my eyes and smiled as I see my angel tirelessly jumping over the bed. Hindi ko akalain na darating sa buhay ko ang ganitong ligaya. Ang ganitong pag kakataon. At ang lahat ng ito'y utang ko sa isang taong 'ni sa hinagap ay hindi ko aakalain. Utang ko kay Silver Raven o mas kilalang Silver Demonteverde.

"Come on mommy. Get up! Get up!" Patuloy na sabi ng anak ko habang 'di tumitigil sa pag talon sa ibabaw ng kama.

"Okay I'm up. I'm up honey." Natatawa kong sagot sa kanya. Hindi naman kasi ito paaawat hanggat di nakukuha ang kanyang gusto.

"Yehey! Yehey! I did it! I woke her up!" He immediately jumped out of bed and run out of my room.

"Matthew be careful! Don't run honey!" dala ng pag aalala ay agad akong tumayo. Nagmamadali akong lumapit sa pintuan. Ngunit napatigil din ako. Narinig ko ang malakas na tawa ni Matthew. Humahagikgik ito. Marahan akong sumilip sa pintuan ng aking kwarto. Dumungaw ako ng bahagya sa ibaba kung saan ay agad makikita si Silver at si Matthew sa salas. Naglalaro ng mga action figure na sa tingin ko ay mga bagong regalo ni Silver sa aking anak. Another side of him na hindi ko rin aakalain. Who would've guessed that a brutal & cold-blooded Silver Raven have a soft spot for children? Seeing him like this, right now made me believed that he will be a great father someday.

Muli kong sinara ang pintuan at pumasok sa banyo. Tumingin ako sa salamin at muling pinagmasdan ang aking sarili habang nagbabalik tanaw sa araw ng inakala kong katapusan na ng aking buhay. Nang araw na halos mabaliw ako sa pag aalalang sapitin ng aking anak ang karumaldumal na paghihiganti ni Silver sa akin kapangahasan at mga kasalanan.

...Flashback...

Isang walang malay na Belinda Waller ang ngayon ay pinagmamasdan nila Richard, Robert at Silver. Nakahiga siya sa isang dental chair habang nililinis ng isang agent ang mukha at paligid bibig nito. Puno ito ng bulak at nagsisimula na rin ang kaunting pamamaga nito. Matapos magawa ng agent na linisin at saksakan ng gamot si Belinda ay agad itong tumingin kay Silver at ipinaalam na tapos ng siya. Tumango naman si Silver sa agent, hudyat na maari na itong lumabas. Kinuha ni Silver ang isang electric hair clippers. Tumingin kay Richard at iniabot ito sa kanya.

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon