VRIELLA'S POV:
Napakalaking problema ang kinakaharap ko sa mga oras na ito. "Ate Minda paanong nangyari ito?" Malungkot kong tanong. Sulat ito na nagsasabing tatlong buwan na kaming hindi nakakapagbayad ng renta. Dahil dito ay pinapaalis na kami dahil nilabag namin ang nakasaad sa kontrata.
"Garnet hindi ko rin akalain magagawa sa atin ni Donita ang bagay na iyan. Naguguluhan din ako. Kapag nakita ko ang babaing yan, hindi lang sampal ang aabutin niya sa akin. Kakalbuhin ko talaga siya sa sabunot. Nakuuuuuhhh... Grrrrrggggghhhh". Galit na galit siya kay Donita.
Biglaan na lang kasing hindi pumasok si Donita. Ang masama pa nito ay tinangay nito ang lahat ng pinagbentahan kahapon. Malamang ay natakot ito ng matanggap ang sulat patungkol sa utang namin. Sa kanya ko kasi ipinagkakatiwala ang pagbabayad sa renta. Naka record naman ang payment sa expenses, pirmado ang mga vouchers, at may mga official receipt din. Ang kaso nadiskobre ko rin peke ang mga official receipt naka attached sa vouchers.
Hindi ako makapaniwala dahil sa haba ng panahon ng pagkakasama namin ay naging tapat naman siya. Ramdam ko rin ang kabutihan ng puso ni Donita, kaya malakas ang paniniwala ko na may mabigat na dahilan kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon.
"Baka naman po may matindi siyang pangangailangan kaya niya nagawa iyon ate Minda". Lalo lang akong nalungkot. Iniisip kong bakit hindi na lang siya lumapit sa akin at humingi ng tulong. Alam naman niyang hindi siya magdadalawang salita sa akin.
"Naku, Garnet. Bakit ba imbis na magalit ka eh, parang naaawa ka pa. Dapat i-report na natin iyan sa pulis, para maipakulong. Dapat pagbayaran niya ang ginawa niya pagnanakaw." Hindi ko na lang pinansin ang galit ni ate Minda. Mas dapat kong pagtuunan ang gumawa ng paraan upang hindi mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko.
"Ate Minda aalis muna po ako, kailangan gawan ko ng paraan ang problemang ito. Parepareho po tayong mapeperwisyo kapag nagkataon". Pagpapaalam ko. "Kayo na muna po ang bahala dito".
"Sige iha, hayaan mo at tutulong kaming lahat dito sayo ano't anuman ang mangyari".
"Sige po". Inayos ko muna ang lahat ng aking kailangan bago tuluyan umalis.
Uunahin ko muna ang pumunta sa banko. Hindi maaring mawala sa akin ang shop. Napakalaking kawalan ito hindi lang sa akin, kundi sa lahat ng umaasa sa akin. Alam kong pag subok lang ito at kakayanin ko ito. May awa ang Dios, at nagtitiwala akong malalampasan ko rin ito.
SILVER'S POV:
Hindi na ako nagtaka nang makita ko si Vriella na lumalakad sa loob parking lot. May idea na ako sa kung bakit siya naririto. Alam ko kung ano ang problema niya. Kinutuban na ako ng minsan mareview ko ang CCTV. Ninanakawan siya ng kanyang kahera. Then I called our accountant to know about the payment status ng shop ni Vriella. Hiningi ko rin ang kontrata upang mapag aralan ito. Sobrang bait nya kasi kaya niloloko siya ng mga tauhan niya, inaabuso at sinasamantala. Pero, wala naman akong pakialam doon. Mas mabuti nga iyong upang hindi ako mahirapang palayasin sila sa lote ko. Tuloy na tuloy na kasi ang condotel project ko. Kaya sinabihan ko agad na padalhan na sila ng sulat to vacate my lot.
Kasalukuyan akong nag mamaneobra nang kumaway ito. Hindi ko siya pinasin, pero dahil doon ay kinatok niya ang salamin ng bintana ng sasakyan ko. Nababasa ko sa buka ng labi niya ang "Sir, Sir". Ibinaba ko ang bintana upang marinig ang sasabihin niya. Ngunit imbis na mag salita, she unlock the door from inside at tuluyang umupo sa tabi ko. Inayos niya ang kanyang sarili bago nag salita. Ngunit inunahan ko na siya.
"Get out". Inis na sabi ko.
"Sir, pwede five minutes lang please" Pinagdikit pa niya ang kanyang mga kamay na para nag darasal.
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomansTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...