SILVER'S POV:
I spent my whole night at the penthouse. Gumising ako ng maaga upang mag jogging, pero hindi gaya sa States I usually jog out on the street. Unfortunately dito sa Pinas hindi ko ito magagawa dahil sa masikip at polluted na ang hangin sa kalsada. So, I have to settle with the treadmill. After that, I did some pull-ups on the salmon ladder. Nang matapos ko ang daily morning routine ko ay nag suot ako ng casual attire, and then went down the elevator. It is Saturday kaya kakaunti lang ang mga tao sa building. Most of the companies here don't have work on Saturday's and Sunday's.
I went out for a walk and at the same time to have breakfast outside the building. I called Robert's number and instructed him to cancel my appointments for today. I need some air. What happened yesterday with that peasant girl still bugs me. The episode with her yesterday suffocates me.
May ilang minuto ko na rin binabaybay ang kalsada. Pumipili ako ng makakainan ko nang may biglang nahagip ang aking mata sa tawid ng kalsada. How can I not know her? Sa daming beses na pumasok sa isipan ko ang babaing ito ay implosibleng hindi ko ito makilala. Pati yata anino niya ay kabisado ko na.
Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy na ako sa pag lakad, subalit sa hindi ko malamang dahilan ay pilit na umuukit sa aking isipan ang kanyang pag lalakad. Mabagal ito at parang paika-ika. Napatigil ako at muling bumaling sa kanyang dereksyon. Doon ko nakumpirma na tama ang obserbasyon ko. She was limping as she walks. Patuloy ko lang siyang pinag mamasdan. Napapakapit siya sa mga pader habang hirap na iniaangat ang kanyang kanang pa.
Muli akong tumalikod, pero bago pa ako na makalayo ay galit sa sarili akong bumalik at,"Damn it... Silver!" I cursed under my breath. Mabilis at padabog akong tumawid ng kalsada. Wala akong pakialam sa mga sasakyan at sa malalakas ng busina ng mga ito. Hinampas ko pa nga ang isang sasakyan na mabagal na umaandar.
Nang may ilang hakbang na lang ang pagitan ko sa kanya, dala marahil sa kumusyon na ginawa ko sa aking pagtawid ay nabaling ang tingin niya sa akin. Mababanag naman agad sa kanyang mukha ang pagkabigla at ang takot. Kaya kahit hirap siya ay pinilit na humakbang palayo upang makaiwas sa akin. Mas binilisan ko ang aking kilos nang makita ko siyang mabubuwal dahil sa tuluyan na siyang nawalan ng balance. Bago pa siya natumba ay maagap kong nahawakan ang kanyang kamay at hinila siya papalapit sa akin. "Ahhhhgggghhh! Awwhh... Aawwww!" Sigaw niya habang nakalihig sa aking dibdib.
I couldn't figure out why there is a stinging pain inside my heart when I heard her voice screaming in pain. Without a word, I lifted her and carry her. "Don't say a word" I warned her.
Nakakita ako ng isang upuan at doon ko siya maingat na iniupo. She was crying silently. She must really be in pain. She was trying to wipe her tears away. Pinagmamasdan ko lang siya. Parang may malaking bara sa aking lalamunan. Nagtatagis ang aking mga ngipin dahil sa nakikita kong paghihirap niya sa sakit na nararamdaman.
"Stay still" Utos ko sa kanya. Lumuhod ako sa kanyang harapan at itinaas ang kanyang palda. Nagulat ako sa aking nakita. Namamaga ang kanyang kanang paa, at napakaraming pasa ng kanyang binti. I could feel my anger rise above my head.
"What the hell happened to you?" She tried to smile while in tears, pero napangiwi siya sa sakit. Naikuyom ko ang aking mga kamao. Pilit kong pinipigilan ang sarili ko na hawakan ang kanyang mukha.
"Hindi mo kailangan magalit, o ma-guilty. Walang kinalaman ang ginawa mo sa akin kahapon ang kalagayan ko ngayon." Pilit niyang pinasisigla ang kanyang salita.
How does she know that I'm feeling guilty? I mean, I'm not guilty...
I'm... I'm... Shit....!
So, what if I'm guilty? And so what if feel sorry for her? SO F^CKING WHAT? Nagtagis ang aking mga ngipin at iniwas ang aking paningin sa kanya.
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomanceTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...