Demolition

2.9K 90 8
                                    

KW's Note: Para sa mga nakabasa po ng SILVER DEMONTEVERDE (Mine To Steal) Chapter 33 – Auracle is Gone... This chapter and the succeeding chapters will fill that missing puzzle piece of Auracle's Flashback.

Kinabukasan...

VRIELLA'S POV:

Nagmamadali ang kilos ko, tumutulo ang aking mga luha habang tumatakbo sa hagdanan paayak sa floor kung saan naroroon ang aking kapatid at ang aking mga kasamahan sa trabaho.

"Sir, nasaan kapatid ko?" Nangingig ako habang umiiyak na tinatanong ang isang police sa desk nito.

"Miss huminahon ka. Sino ba ang kapatid mo?" Magalang nitong tanong sa akin.

"Peridot Vrianna Saavedra".

"Ah yun nang gulo at nanakit sa may ari ng lupa kanina".

"Opo-opo sya nga po, nasaan po siya?"

"Naku miss, alam mo ba na nag sampa ng kaso si Mr. Demonteverde laban sa kapatid mo at sa iba mo pang kasamahan?"

"Opo na sabi na po sa akin, sir maari ko po bang makita ang kapatid ko? Please po".

"Sandali lang. --Ah Gibo, pakisamahan nga siya sa selda nung mga nanggulo sa demolisyon".

Sinamahan ako ng isang pulis patungo sa selda nila Peridot. Nakita ko naman agad ang kapatid ko at patakbo akong lumapit sa kanyang kulungan, kahit hirap ay niyakap ko ang aking kapatid.

"Babyloves, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan? Sinaktan ka ba nila? Sinaktan ka ba ni sir Silver?" Sunod-sunod kong tanong. Habang sinusuri siyang mabuti.

"Ang sama sama nya ate! Demonyo sya! Pina-demolish niya ang shop mo, wala man lang kaming gamit na naisalba. Basta na lang nila kami panaalis doon". Galit niyang sumbong.

"Pero hindi mo dapat binato si Silver, paano kung nasaktan ka o kung nasugatan ka? Mas importante ka sa akin Babyloves. Hindi mahalaga ang kahit anong material na bagay sa akin Babyloves. Ikaw ang higit na importante keysa sa mga iyon. " Nag aalala kong pag papaliwanag sa kanya.

"Sorry ate. Sorry talaga. Ate ayoko dito. Natatakot ako dito ate." Palinga-linga niyang tingin sa paligid. Katabi niya si ate Minda at ang bago naming kahera at service crew. Habang nasa bandang likuran ang iba pang preso na batid ng damdamin kong hindi mabubuting tao. Kung magtatagal pa ang kapatid ko at ang mga kasamahan ko rito ay maari silang mapahamak.

"Garnet, tulungan mo kaming makalabas dito, baka nag aalala na ang kuya Jake mo at ang so Jamil." Humagulgol na makaawa ni ate Minda.

"Huwag kayong mag alala, gagawa ako ng paraan para makalabas kayong lahat dito. May awa ang Dios ha ate Minda, makakalabas kayo dito, pangako, gagawin ko ang lahat". Pag papakalma ko sa kanya.

"Pero ang sabi nila, hanggang alas sinko lang daw ang opisina, kapag hindi ka naka-abot para sa mapyansahan kami ay makukulong kami rito hanggan sa Linggo at sa Lunes pa raw kami maaring mapyansahan". Pag aalala ni ate Minda.

"Ate Minda may awa ang Dios, hindi niya tayo pababayaan. Maniwala kayong makagagawa ako ng paraan." Hindi ako maaring panghinaan sa oras na ito.

Ito na ang kinakatakutan ko, at alam kong hindi pa ito ang huli. Hindi na dapat ako natulog sa hotel, dapat ay pinilit kong umuwi, o di kaya ay kinausap ko na dapat si sir Silver kahapon. Pero, desidido ang mag asawa na sampahan ng kaso si sir Silver, dahilan upang hindi ako nakauwi ng bahay kagabi, nakipag usap ako ng mabuti kina Tyfa at Tupe. Matagal bago ko sila na pahinuho at napapayag na huwag ng mag sampa ng kaso. Nakumbinsi ko rin silang ituloy ang kung anomang business deal nila kay sir Silver.

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon