KISSING STRANGERS
Posted: January 28, 2019
Note: To my readers na patuloy na kumakapit at nagtityaga sa mabagal na update at kamoteng kwento ng KamotengWriter. Salamat po!
Peace out!
KW:
Mula ng makabalik si Vriella ay binigyan muna niya ng buong attention ang business nya, ang sarili nya at ang mga bata sa ampunan at ang kanyang kapatid. Isinangtabi muna niya ang tungkol sa kanila ni Silver. Malinaw naman na tinapos na ni Silver ng lahat sa kanila. At ang ilang panahon ni Vriella sa Sorsogon ay naging sapat na sa kanya upang mapaghilom ang puso at magawang manunbalik ng kaisipan sa mga bagay na mahalaga rin sa buhay nya.
Naging abala siya sa pagsasaayos ng kanyang negosyo. Sunod-sunod din ang mga seminars, conventions at food bazaar na sinasalihan niya. Kumuha rin siya ng mga special courses na makakatulong sa kanyang negosyo, at sa personality development nya. nakakuha din siya ng online short course sa kursong psychology. Alam niyang malaki ang maitutulong nito sa kanya sa hinaharap.
Walang araw na hindi siya okupado, she kept herself busy to take her mind out of her longing for Silver. And luckily everything is going well for her. No one would ever think that she's deeply broken inside. She's actually glowing and blooming into a fine lady.
Silver on the other hand went on with his usual routine, he took mission after mission,even though it is no longer a duty of a Council member. He does that just wash away his longing for her, and to avoid himself from running back to Vriella, take back all the words he said and beg her to have him back.
Ngunit patuloy pa rin niyang pinaninindigan ang pag layo sa kanya. He even dated from one girl to another just to keep both his head busy. However, at the end of the day it will all go down to missing Vriella so much to the point of losing his mind. It is the most tormenting part. He couldn't even sleep at night.
Walang gabi na hindi niya pinanonood si Vriella sa kanyang laptop, ito lang ang nakababawas ng pangungulila niya sa dalaga. Ito lang ang tanging bagay na nag uugnay sa kanya sa dalaga. Sapat na sa kanya ang namomonitor niya ang dalaga sa mga hidden cameras na naka-install pa rin sa bahay nito. Isa pa hindi rin naman totoong tumigil na siya sa paghahahanap sa taong nais saktan ang dalaga. Lihim at patuloy pa rin sila ni Robert sa paghahanap ng mga lead tungkol sa case na ito.
SILVER: "Hello, where are you?" Tanong niya sa kausap niya sa cellphone.
VRIELLA: "Hi! I'm so sorry. Nasa bahay pa ako, pero patapos na, paalis na rin ako. Sorry talaga." Malambing na sagot niya sa kabilang linya.
SILVER: "We're going to be late. I'll send Robert to pick you up."
VRIELLA: "No, no, huwag na, aabalahin mo pa yung tao, nakakahiya naman, magtataxi nalang ako. Sa hotel na lang tayo magkita. Paalis na rin naman ako." Sagot niya habang nag lalagay ng lipsticks.
SILVER: "Ok, if that's what you want, but for heaven, sake ate Marigold don't be late. I still have an appointment--- okay, okay, I'll see you later." Naiiling at napapabuntung-hininga na lang siya ng bigla siyang babaan ng telepono ng kanyang ate. "How I wish I can strangle her neck. That would surely make my day better." His final words while walking out of the Demonteverde building.
VRIELLA: "Yes, magkita na lang tayo doon, wag na kayong mag abala ni Tupe na sunduin pa ako, basta, I'll be there, I promise. Okay ingat kayong dalawa. Bye. Bye." Nakangiting sabi ni Vriella bago ibinaba ang cellphone niya. Sa huling beses ay muli niyang tinignan ang sarili sa salamin bago kinuha ang kanyang bag at lumabas na ng kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomantikTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...