A/N: Unedited
[KW]
Sumisilip sa siwang ng bintana ang liwanag ng araw, kasabay nito ang pagtunog ng alarm tune mula sa cellphone ni Vriella. Kinapa ng kanyang kamay ang cellphone at nakapikit pa ang mga mata na pinindot ito sa gilid ng ilang ulit bago napatigil ang pag tunog nito. Parang zombie na tumayo at lumabas ng kwarto ang dalaga upang pumunta sa banyo sa may kusina. Nakayuko at antok na antok pa na ibinaba ang pajama bago umupo sa toilet bowl upang umihi.
Bigla naman bumukas ang shower curtains at tumambad sa harapan ni Silver si Vriella na nakayukyok, habang natatakpang ng mahabang buhok ang buong mukha nito. Nakita ni Silver ang nakalantad ang maputi at makinis niyang hita habang ang pajama ay nakalundo sa bandang paanan ng dalaga.
Si Silver naman ay nakapalibot ang puting twalya sa baywang, tumutulo pa ng bahagyang ang butil-butil na patak ng tubig mula sa kanyang buhok patungo sa kanyang dibdib. Hatalang katatapos lang niyang maligo.
Imbis na sitahin ni Silver si Vriella o di kaya ay tumikhim upang malaman ng dalaga na sa loob din siya ng banyo ay nanatili na lang siya sa ganoon posisyon ng tahimik. Hindi siya gumawa ng kahit anong ingay, hindi rin siya kumilos. Sa napakaraming pagkakataon, nakasanayan na niya na pagmasdan lang si Vriella ng lihim. Nakukuntento na siya na masulyapan o mapagmasdan ng matagal ang dalaga. Maligaya na siya sa ganoon, ang mahalaga lang sa kanya ay makita ang dalaga na maayos ang kalagayan ay labis na napapayapa na ang kanyang kalooban.
Dahil hindi nararamdaman ni Vriella ang presensya ni Silver ay wala siyang kaalam alam na kasama nya ang binata sa loob ng banyo. Nakayukyok pa rin siya habang pinipilit gisingin ang sarili sa pamamagitan ng pag pikit dilat ng mata. At kahit na nga tapos na siyang umihi ay hindi pa rin niya magawang tumayo dahil sa labis na antok. Binabalanse laman niya ang sarili kapag na alimpungat, sa tuwing mag mutikanang masubsob.
Nagulat si Silver nang makita na muntik ng sumubsob si Vriella, hahawakan na sana niya ito ngunit muli naman nakabawi. Isang buntong hininga ang kanyang pinakawalan at nag lakas ng loob na hawakan na si Vriella, ngunit bago pa man siya makahawak ay pumaling ng dahan-dahan ang ulo ni Vriella mula sa kanyang paa paakyat sa kanyang mukha. Sa una ay mapungay ang mga mata nito na tila ba hinihila pa rin ng antok, ngunit unti-unti itong lumalaki at unti-unti na rin itong bumubwelo ng pag sigaw.
Silver flashed his charming smile and counted inside his head. 1.....2.......3......
"WAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!!" Nakakabinging sigaw ni Vriella. Mabilis na tumayo at tumakbo palabas. Sa pagmamadali niya ay nakalimutan na niyang itaas ang kanyang suot na pajama na ngayong ay nakaposas sa magkabila niyang paa. Kung kayat nawalan siya ng balanse. Napapikit na lamang siya dahil una mukha siyang babagsak sa sahig.
"EEEHHHHHHHH" Muli niyang sigaw ng bago pa siya bumagsak ay may mga kamay na mabilis siyang hinila at imbis na sa sahig tumama ang kanyang mukha ay sa dibdib ni Silver ito dumikit. Natahimik siya ng lumapat ang kanyang mga kamay at pisngi sa katawan ni Silver. Parang kidlat na agad niyang naramdaman ang malakas na pintig ng puso ni Silver. At sa halip na lumayo ay para siya tinatawag nito palapit. Ang bawat pinting ng puso ni Silver ay parang mahikang bumubulong sa tenga ni Vriella. Na ang sinasabi ay wagas kitang minamahal Vriella.
Both of them did not move, Vriella felt her heart beating fast, while Silver heartbeats where pounding. She noticed foreign emotions inside her heart, but, it wasn't Silver's emotions, it was her own. Dahan-dahang iniaangat ni Vriella ang kanyang paningin, at nang mag tama ang kanilang mga mata. Silver was hypnotized by her beautiful eyes, he never felt like this with anyone, not even with Agatha. Silver was about to bend down and kiss her when...
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomanceTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...