Mine To Steal - Two

17.9K 175 7
                                    

A/N: This is a prequel story of SILVER DEMONTEVERDE's - Mine To Steal. I recommend you guys to read it first.
Up to you... Read at your own risk.

GARNET'S POV:

"Ganun po ba, teka lang sir, pwede bang mag-iisip lang po ako sandali? -Siguro naman may pangangailangan ka rin naman na kaya kong ibigay..."Alanganin kong sabi.

Nakangisi siyang tumungin sa akin. Doon ko lang naisip na mali na naman ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Kaya mabilis ko itong itinama.

"Ibig kong pong sabihin ay,-pwede ko pong i-pambayad sa pabor na hihingin ko po sa inyo....Saglit lang po". Nag marathon agad ang tibok ng puso ko. Iniwas ko ang aking tingin sa kanya at pinilit na mag-isip nang maaring kapalit ng pabor na hihilingin ko sa kanya. Vriella bilisan mo naman mag-isip!

Naramdaman ko ang palakas nang palakas na presensya niya, papalapit siya sa akin, dahilan upang mapatingin ako sa kanya.

"I don't need anything from you Ms. Saavedra.... Silver Demonteverde doesn't need anything from penniless frigid old maid like you...." Aray naman, kung makalait naman bottomless. Reklamo ko pero habang nakatulala sa kanya.

"On the contrary, it is you who needs me". I could sense sensuality sa bawat bigkas ng labi niyang habang titig na titig sa akin. Napanganga ng bahagya ang aking mga labi ng magtagpo ang aming mga mata. Parang may magnet ang mga mata niya at hindi ko man lang nagawang kumurap.

"Yes...., I..... need.... you". Tulala at slow motion kong sagot. Then I unconsciously swallow a lump because I feel thirsty of something I couldn't put to words..... He moved even closer with eyes piercing into mine like seeking the deepest part of my soul.

Madami na akong taong nakasalamuha, at samot-saring emosyon na ang napag-aralan kong kontrolin upang maihiwalay sa tunay kong damdamin. Pero, sa pag kakataon ito hindi ko magawang kontrolin ang mga emosyon tinatanggap ko mula kay Mr. Silver Demonteverde. May mga pagkakataon hindi ko mabawi ang tunay kong damdamin, I couldn't block his emotions. He's too strong for me, and he overpowers mine.

I took a deep breath for several times so I could regain my sanity. Natauhan naman akong bigla at naisip ang mga salitang binitiwan ko kaya, "I mean, when I said N-NEED..... I mean f-favor, and... and when I said Y-YOU, I mean, well I mean....eerrrrmm, as the owner of the b-building." Nauutal at pahina ng pahina kong sagot dahil kinakapos ako ng hininga.

Patuloy ang mabilis na pintig ng puso ko at ang pag taas baba ng dibdib ko dahil sa kahirapan ng aking paghinga, "D-Do you have any idea how e-exhausting it is to talk to you Mr. Demonteverde? Para po akong tumatakbo sa marathon." Pilit na ngiting sabi ko. Pinagpapawisan na rin ako at nakakaramdam ng pangangatog ng tuhod habang hindi maalis ang aking tingin sa kanyang mga mata. Bakit ba parang napaka-init ng paligid samantalang nakabukas naman ang aircon?

"We haven't got to the part were you lay naked on my bed....." Hinawakan niya ang aking baba at inilapit ang kanyang mga labi sa aking tenga. Nararamdaman ko ang mainit niyang hininga. Parang tambol na dumadagundong ang lakas ng pintig nang puso ko. Higit sa lahat parang biglang may dose-dosenang paru-paro ang lumilipad sa aking sikmura. Para na rin akong inaapoy ng mataas na lagnat sa init hatid ng pagbulong niya sa aking tenga.

"--Then, exhaustion will be an understatement Ms. Saavedra". Bulong niya sa akin. Tapos ay dahan dahan lumayo. Magpapasalamat na sana ako sa ginawa niyang paglayo, ang kaso sa harapan ko mismo ay hinubad niya ang towel na ginamit niyang pamunas ng kanya pawis at siya ring ibinalot niya sa kanya kahubaran kanina. Bago niya ito iniabot ay ipinunas muna niya sa kanyang harapan at sa poste ng meralco sa pagitan ng hita niya. Nakatingin ako sa bawat galaw niya at hindi nakaligtas sa kanyang mata ang pag lunok ko. Nakita ko siyang ngumisi. Pero imbis na mainis ako sa pag ngisi niya ay mas lalo pa akong napapalunok na para bang uhaw na uhaw ako.....

Pinapagalitan ko ang aking sarili dahil hindi ko na magawang alamin kung sariling damdamin ko na ba ang nag didikta sa bawat kilos ko o ang malakas at hindi ko makontrol ng emosyon na nagmumula sa kanya. Nalilito na ako sa mga pangyayari. Hindi na talaga maganda itong nararamdaman ko.

"Go home Ms. Saavedra. As I've said I don't need anything from you. You're just wasting my time". Sabi niya habang papasok sa banyo.

May ilang segundo na rin akong naka tayo sa pwesto ko. I shook my head para makabalik sa reyalidad dahil ang buong attention ko ay sa likuran niyang hubad habang naglalakad. Humihingal pa rin ako habang hawak ang kanyang towel. Wala sa loob na inamoy ko ito. Nang makapasok na siya ng banyo at isinara na ang pintuan ay mabilis na naputol ang koneksyon ko sa kanya. At dahil doon ay nagkamalay ako sa mga ikinikilos ko, kaya naman bigla kong naitapon ang towel na kanina ko pa pala inaamoy.

"Vriella, nakakahiya ka....." Madiin kong sita sa aking sarili. "......Tay, Nay, kung nasaan man po kayo. Sorry po at nadunginsan ang aking inosenteng mga mata dahil sa pagtitig hubad na katawan ng masungit na si Mr. Silver Demonyoverde". Panay ang bulong ko, at pag mo-motivate upang huwag na muling maapektuhan sa presensya ni Mr. Demonteverde.

Makalipas ang ilang segundo ay tinupi ko muna ang towel na binigay niya. At inilagay sa upuan kung saan ako nakaupo kanina. Pumasok na rin ako sa walk in closet niya at ng makita ang aking hinahanap ay bumalik ako sa kwarto at pinalitan ang kobre kama, pati ang punda ng kanyang unan. Bandang huli ay muli kong sinulyapan ang pintuan ng banyo, bago tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.

Ang kaso hindi naman ako maaring umalis dahil wala na akong pamasahe, idagdag pa ang alas dos na nang madaling araw. Napako ang tingin ko sa mahabang sofa, parang tinatawag ako nito upang matulog.

"Bahala na, siguro naman hindi na lalabas si Mr. Sungit". Hindi ko maintindihan kung bakit sa kalooban ko, ay mas pinaniniwalaan kong ligtas ako sa tabi niya kaysa sumugod ng madaling araw sa kalsada at umuwi ng mag isa. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan at inayos ang sarili upang matulog sa sofa.

KW'S Note:

This is where it all started :D

Peace out :D

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon