SILVER'S POV:
"Sir are you in some kinda spell or something?" Tanong ni Robert habang nag da-drive papunta sa office. Sunday kahapon kaya nasa mansion ako kaya nagpasundo na ako kay Robert papasok sa opisina.
"What are you talking about Robert?" Tanong ko rin sa kanya.
"Ngumingiti ka kasi sir--- Mag isa". Pasimple kong inayos ang aking mukha at pomormal.
"I haven't seen you smile for a long time sir, and what's odd is, ngumingiti kayo mag isa". Puno ng pag tatakang sabi ni Robert.
Bigla naman akong naging aware sa kilos ko. "Eyes on the road Robert". Pormal na utos ko sa kanya. Kagabi pa ako napapansin ng pamilya ko, bigla raw akong natutulala at bigla rin ngumingiti.
Makailan beses ko man alisin sa isipan ko ang mga kaganapan sa pagitan namin ni Vriella noon isang araw ay hindi ko magawa. Palagi ko siyang naiisip, ang ngiti niya, ang mukha niya, the way she looks while wearing my clothes and most specially her small, soft and pink lips. Hindi ko matatawag na halik ang pag dampi ng labi niya sa labi ko, pero hindi ko rin kayang itanggi na walang ibang laman ang isip ko kung'di ang eksenang yun. Para itong sirang plakang paulit-ulit na nag p-play sa isip ko. At aaminin kong ito ang dahilan ng aking pag ngiti. Hindi ko kasi lubos maisip na sa dinami-dami ng mga nahalikan ko, humalik sa akin at kahalikan ko ay ang dampi lang ng labi ni Vriella ang naghatid sa akin ng kakaibang damdamin. Ang gago ko lang kahit kasi matalino ako, hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nagkakaganito. Ngumingiti na parang gago kahit mag isa.
Pareho na kaming bumaba ni Robert sa main entrance. Buong pwersa ang kinakailangan kong gamitin upang hindi gawing lingunin ang maliit na tindahan sa tawid ng kalsada. Damn it Silver control yourself. Sigaw ko sa aking isipan. Pero, sa hindi ko maintindihan at hindi ko mapigilang dahilan, tumingin pa rin ako sa maliit na tindahan ni Vriella. Bobo ka talaga Silver! Gago! Inis na sabi ko sa aking isipan, subalit nang makita ko siyang lumabas at tumawid papunta sa amin ay parang tumalon ang puso ko palabas ng dibdib ko upang salubungin siya.
Gaya ng dati mahabang damit naman ang suot niya, it was accordion navy blue colored dress top with white cardigan, paired with doll shoes. Para siyang buhay na conservative na mannequin. Pilit kong inayos ang sarili at pumormal bago sinabihan si Robert. "Let's go Robert". Tumalikod kami at nag patuloy na ng pag lalakad.
"Sir sandali lang!" Sigaw niya.
"Robert wait!" Napatigil ako nang marinig kong tawagin niya ang pangalan ni Robert. Saktong nasa loob na kami ng building, malapit sa mga guard at sa reception area.
"Tatay Danny para sayo ito". Inabutan niya si guard Danny ng isang maliit na supot at isang kape.
"Robert para sayo". Parang gustong kong isaboy sa mukha ni Robert ang mainit na kape na inabot ni Vriella sa kanya.
"Kaya ka nalulugi eh, panay ang pamimigay mo. Kakapiraso na nga at palugi na yang tindahan mo ipinamimigay mo pa yan tinda mo". Naiinis kong singhal sa kanya.
Subalit sa kabila ng pagalit kong salita ay parang hindi naman siya apektado. Immune na yata siya sa galit ko.
"Sir bago ko sagutin yan, this one is for you". Sabay abot sa aking ng isa pang kape at isang box.
"Cookies yan. Ako ang nag bake, magugustuhan mo yan". Hindi ako makasagot. Kinukontrol ko kasi ang samu't-saring damdamin na nararamdaman ko.
"Ah, Ms. Garnet akin na po ako na ang mag dadala". Kinuha niya ang mga dala ni Vriella. Tapos ay narinig ko pa siyang bumubulong
"Mukhang pinipigilan pa kasi ni sir Silver ang kilig niya, kaya hindi na nakakilos". Tinitigan ko nang masama si Robert. Agad naman itong tumahimik at lumayo ng bahagya sa amin.
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomanceTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...