Last Chapter:
Posted: May 05, 2019
A/N:It's been a pleasure sharing my Kamoteng Stories with you. And for those few readers who happened to like the story of Silver and Vriella (MTS 1 & 2), who leave comments, who voted, who liked it silently and to those who shared it with friends or to anyone who reads wattpad stories. Please accept my sincere thanks to you all. I do hope to see you again on my other ongoing stories. And for those who don't??? well, that's life, smile, there are a lot of other stories out there... Keep digging ;)
Enjoy...
Peace out!BTW - unedited (if you see typo errors or anything wrong with my grammar... Hehehe you know the drill. Kayo na ang mag adjust. Pag sinipag akong balikan babalikan ko. If not... I do believe I have smart readers who can figure out what the heck I'm saying.)
Thanks again!
KW's pov:
Dead silence........
Nang mahimasmasan si Vriella ay doon nya lang naiisip ang ginawa niya. Para siyang binuhusan ng napakalamig na tubig. Tumingala siya upang silipin kung makakaya ba niyang kalagan ang kamay mula sa pagkakatali nito. Ngunit bigo siya, nasasaktan lang siya sa pagpupumilit. Umayos siya ng upo at sumandal, nagbabakasakaling makita si Silver. Subalit gaya ng kanina, bigo pa rin siya. Hindi niya makita sa paligid si Silver. Wala rin siyang marinig, napakatahimik ng paligid. Nag aalangan man ay tinawag niya ang pangalan ng asawa.
"Silver?" She called out in a very low voice.
"Silver, asawa ko? Her voice is full of guilt.
"Okay ka lang ba?" Pilit na sinisilip kung saan banda nahulog ang asawa.
"Sorry." Halos pabulong niyang paumanhin.
"Nakiliti kasi ng sobra. Hindi ko naman, kasi, ano, hindi ko talaga sinasadya" Paliwanag niya subalit tahimik pa rin ang paligid.
"Silver?"
"Nasaktan ka ba?"
"Ano, kasi, aahhh.. Bakit ba kasi gusto mong halikan yun?"
"Alam mo naman na nakikiliti ako dun, diba?"
"Uy nandyan ka pa ba? Naririnig mo ba ako?"
"Sorry talaga."
"Mahal ko? Asawa ko? Tao po?"
"Maniwala ka hindi ko talaga sinasadya, kung gusto mo itali mo na din yun mga paa ko." Alanganin niyang sabi, pero huli na para bawiin pa. "Anong bang pinagsasasabi ko." Napangiwi siya sa huling sinabi at dinalangin na hindi sana mapansin ni Silver ang mga iyon. "Ay sorry mali pala, magmumukha naman akong baboy na kakatayin nun. Ah, ano na lang pipilitin ko na lang wag makiliti. Promise!"
"Sir Silver? este Mahal ko pala, Okay ka lang ba?"
Sunod-sunod ang tanong at tawag ni Vriella, may bahid ng pag aalala ang kaniyang boses. Hindi naman kaagad makakilos si Silver. Hindi rin makapagsalita. Nakatihaya at nakatitig lamang sa kisame. Isip ay puno ng samut-saring bagay. Tulad nang, sa tanan buhay niya, at sa hindi mabilang na dami ng babaeng nakatalik niya, ni minsan ma'y hindi pa siya nasipa, o kaya'y nasaktan. Higit sa lahat, hindi pa nangyaring malaglag siya sa kama, may damit man o nakahubad na tulad ng kalagayan niya ngayon. Kung noon ito nangyari sa kanya, o kaya'y ibang babae ang gumawa sa kanya nito, hindi imposibleng napagbuhatan na niya ito ng kamay at kaladkarin palabas ng nakahubad. Pero hindi ang mga iyong ang nararamdaman niya sa ngayon. Wala siyang galit o ano mang negatibong nararamdaman. Ang nasa isip nya ay hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa kanilang dalawa. Ang kaibahan lang ay noon una, kinurot siya ni Vriella at totoong nagalit siya at halos masuntok na niya si Vriella sa mukha. Ngayon naman ay sinipa siya at sa lakas nito at pagkabigla niya ay lumalagabag siyang nahulog sa mula sa kama.
![](https://img.wattpad.com/cover/40482684-288-k462722.jpg)
BINABASA MO ANG
GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) Completed
RomanceTuklasin kung paano nag simula ang lahat sa buhay ni Vriella at Silver at kung paano nila ginulo ang buhay ng bawat isa. (Prequel of SILVER DEMONTEVERDE - Mine To Steal - 1) Completed: September 02, 2019 (C) KamotengWriter 2019 Please be advised th...