Changed

3.1K 88 24
                                    

KW's POV:

"Mga bata nakahanda ang hapunan sa lamesa. Tinatawag na kayo ni Nay Dina at Tay Fred."

Nagpapalakpakan at patalun-talon pang lumapit at yumakap kay Vriella ang mga bata. "Huwag kalimutang mag hugas ng kamay bago kumain."

"Opo!" Sagot naman ng mga bata. Kinukulit din siya ng tanong kung may fried chicken at hotdog daw ba. Magiliw na sinagot ni Vriella ang mga bata. Huling lumapit si Carl at yumakap sa kanya.

"I miss you too Carl" Ramdam ni Vriella ang pangungulila sa kanya ng bata.

"Bakit ang tagal mo po bumalik?" Nag nakayuko at nagtatampong tono ni Carl.

"Pasensya ka na ha, hindi kaagad ako nakabalik. May mga importante kasi akong ginawa. Diba na aalala mo yung request mo na dahil malaki ka na dapat nakahiwalay ka na nang kwarto. Ginagawan ko na kasi ng paraan 'yun para naman maibigay ko sayo bago sumapit ang birthday mo. Oh, wag ka na mag tampo." Muling yumakap si Carl kay Vriella ng mahigpit. Natuwa ang bata sa narinig. "Sige na sumunod ka na sa kanila at kumain." Hinalikan pa ni Vriella ang ulo ni Carl bago tinapik para lumakad na ito palabas.

Matapos makaalis ang mga bata ay parang mga tuod na nakatayo lang sina Silver, Robert & Richard. Walang gustong mag salita sa tatlo. Nag sisikuhan lang ng lihim ang mag kapatid. Tumingin si Vriella sa dereksyon ni Silver. Matapos naman ay sa mag kapatid. Sa huli lumapit si Vriella sa dalawa. Nasa kabilang dulo ang dalawa samantalang si Silver ay malapit lang sa pintuan na kinatatayuan ni Vriella.

Inilahad ni Vriella ang kamay niya kay Richard at sinabing, "Ako si Garnet. Salamat sa pag bisita at pakikipaglaro sa mga bata. Mukhang pinagod ka ni Tobby." Ang tinutukoy ni Vriella ay ang butil-butil na pawis ni Richard sa noo. Matapos makipagkamay ni Richard ay agad na pinunasan ng panyo ang kanyang pawis.

"Richard". Sabi niya habang makikipagshake hands.

"Richard hi." Sagot naman ni Vriella

"Sabi ko sayo hindi natin siya malilinlang eh." Biglang siko ni Robert kay Richard. Sa unang tinging kasi ay hindi mo talaga makikilala sa kanila kung sino si Richard at kung sino si Robert. Liban lang kung matagal mo na silang kilala. Kaya naman nag pustahan sila at talo si Richard.

"Kumain na muna tayo." Pag aaya ni Vriella sa dalawa. Tumango ang dalawa at sumunod sa kanya papunta sa pintuan. Si Silver naman ay hindi pa rin umaalis sa kanyang kinalalagyan at hawak pa rin si Agatha na patuloy lang sa pag lalaro sa kanyang kurbata. Umalis ng tuluyan ang dalawa samantalang si Vriella ay huminto naman ng tumapat na siya sa pintuan. Tumingin siya kay Silver. She can't feel anything not even anger. It is as if Silver is there, just there. All she feels is Agatha being calm in Silver's arms. Out of hospitality, Vriella turns to Silver.

GARNET VRIELLA SAAVEDRA (Mine To Steal - 2) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon