AUTHOR: Guys sorry, super late update ko. Baka may suggestion kayo paano maka mura sa pagload. HAHA, wala na kasi yung free wattpad ng TM sana sa globe meron din.
Enjoy reading....
Kim's POV
Xian's become cold.
I don't know what's going on.
Saan ako nagkamali?
Its already 1am, but he didn't come home yet.
Nasa labas ako to wait for him. Sobrang lamig nga, wala akong jacket na suot.
Ija, pumasok ka na sa loob. Malamig dito. Ako na maghihintay sa kanya. - sabi pa ni manang.
Okay lang ho ako dito. Bakit hindi pa po kayo natutulog? - tanong ko pa. Saka hinaplos haplos ang mga braso ko.
Ito ang balabal ko gamitin mo muna. Sige nasa loob lang ako kung may kailangan ka. - sabi pa ni manang. Buti pa siya ang bait niya sa akin pero ang mag-inang Xian at Chairman ang lamig ng pakikitungo sa akin.
Dumaan ang gabi pero hindi siya umuwi. Saan naman natulog yun? Siguro sa hotel. Baka lang nag overtime sa opisina.
Bumalik na si Chairman. As usual nagalit sa akin. Hindi nga ako matignan sa mata. Tumaas nga ang blood preasure ni Chairman dahil sa mga nalaman niya.
Tinanggap niya ako dito sa bahay niya pero malamig pa sa ice ang pakikitungo nila sa akin. Pero kaya ko magtiis para sa anak ko at para sa pamilya namin.
Hindi ako magrereklamo o kung ano pa man. At least si Xiarmay ang anak ko mahal ng anak niya at si Chairman unti-unti niya din kinakausap at nakikipaglaro sa anak ko.
Okay na sa akin ang ganun set up. Masakit para sa akin tuwing iniitsapwera ako ni Xian at masakit din tuwing tinatarayan ako at ini-snob ng mama ni Xian. Alam ko naman na si Alex ang gusto niya para sa anak niya. Hindi ko na kailangan maramdaman yun araw araw kasi matagal ko na naman alam noon pa.
Ang akin lang kunting appreciation naman sa mga efforts ko.
Kim, alam mo kung ako sayo matagal ko ng inaway yang biyanan mong hilaw. Bakit ba ang kontra bida sa buhay niyo mag-asawa. At yan namang asawa mo plastik. Kapag kaharap ang ibang tao mapagpanggap na okay lang kayo, na sweet kayo pero pag kayo lang dalawa iba. - galit na sabi ni Alora. She come to visit me dito sa Manila. Kahit busy siya sa clinic niya.
Hayaan mo na. Ang mahalaga mahal niya ang anak ko. Wala pa siyang maalala kaya nakukuha niyang magalit sa akin pero pagnaka-alala na siya mawawala ang lahat ng galit o kung ano man ang nararamdaman niya. - I answered to Alora.
Kelan pa? Mangyayari pa ba yun? - Alora.
Oo, bes. Alam ko mangyayari pa yun. - ako.
Alam mo bakit hindi ka muna bumalik sa atin. Iwanan mo kaya yang asawa mo, ako na naawa sayo. Tignan mo sarili mo, payat ka na nga nasobrahan pa ngayon. At tignan mo yang mga mata mo ang lakilaki ng eyebug mo. Isa pa ang mukha mo ang putla putla mo tignan. Wag mo pabayaan ang sarili mo. - nag-aalala pang sabi ni alora. I knew coz shes like a sister to me.
Okay lang ako. Sabihin mo kay tita ok ako. Wag mo pinag-aalala yun, kaya ko sarili ko dito. Basta wag ka magkukwento sa kanya. - sabi ko pa kay Alora. Tumatanda na den si tita pero puro problema naiiambag ko sa kanya.
Paano kami hindi mag-aalala kung ganyan ka. Kim, maawa ka sa sarili mo wag mo pabayaan na bumagsak na lang yang katawan mo isang araw. Ang payat payat mo, tapos mukha ka pang may sakit. Pwede ba, kung ayaw mo kami mag-alala alagaan mo ren ang sarili mo. Alam mo naman ni mommy hindi yun natatahimik kung alam niyang nahihirapan ka dito. Para ka ng anak ni mommy kaya nag-aalala talaga siya sayo. - sabi pa ni alora. So blessed to have them.
BINABASA MO ANG
"Unforgettable Love" - Kimxi #Wattys2015 #TNTPanalo
Fanfic"Prologue" Kim and Xian was really in-love with each other, hanggang sa di inaasahan nagkahiwalay at muling nagkita. Ang tanong ganun paren ba ang kanilang nararamdaman sa isa't isa? Nawala ba ang kanilang pagmamahal sa isa't isa? Gayung h...