Chapter 31

404 27 7
                                    

Note: Short update lang po. Sorry medyo busy lang. Guys, share po natin sa iba ang story. Salamat sa inyong tanan sa pagsupport. You bring life in my story. Daghang salamat :)


Enjoy guys......







Kim's POV





Pinasama ni chairman si Xiarmay. Total weekend naman kaya wala siyang pasok.

Hindi na din ako nagluto ng hapunan. Busog pa ako at hindi ako nakakaramdam ng gutom.

Si Xian alam kong uuwi yun ng late at masasayang lang ang pagkain kung magluluto pa ako. Kailan pa ba yun umuwi ng tama sa oras o kahit medyo maaga man lang, mula ng lumipat kami dito bumalik na ulit siya sa gawain niya.

Hindi ko maintindihan. Pero natauhan ako sa mga sinabi ni chairman. Ayaw ko basta na lang manahimik. Ayaw ko na hayaan at magsa walang kibo na lang sa ginagawa niya.

Gusto ko ng sabihin na hindi ko gusto ang mga ginagawa niya at nasasaktan ako tuwing ina-itchapwera niya ako.

Naka higa na ako sa kama namin pero hindi ko paden maramdaman na may dumating na sasakyan o may tumabi sa akin sa kama. Asin nakakabinga ang katahimikan. Wala pa naman si Xiarmay sa bahay kaya wala akong makausap.

Wala ren naman kaming katulong o maid kasi ayaw ko. kung kaya ko naman gawin bakit pa ako aasa sa maids diba? Marunong naman ako maglinis, maglaba at magluto. Kaya ano pa ba ang dahilan para kumuhang yaya.


Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako pero wala pang Xian na dumating. Naalimpungatan ako saka, bumangon sa kama.

Nakaramdam ako ng uhaw kaya nagpasya akong bumaba.

Habang pababa may narinig akong ingay sa may bandang kusina. Parang may nalaglag na kung ano.

Natakot ako kaya biglang nabuhay ang dugo at nagising ng tuluyan. Nagdahan dahan ako saka naghanap ng pwedeng pamalokung may magnanakaw man o kung ano man ang nasa kusina namin.

Uh-aah. - narinig kong may umuungol na babae. So babae ang magnanakaw?

Nakarating ako sa kusina nakapatay ang ilaw. Napakapit ako ng mahigpit sa pamalo na hawak ko in casena magkaka inkuwentro kami aymay self defense ako.


Dahan-dahan ako sa paglalakad hanggang sa pina-ilaw ko ang ilaw sa kusina. Tumambad sa akin si Xian na may kahalikan. Sa sobrang laking gulat ko nabagsak ko pa ang hawak kong pamalo.

Gulat din naman nakatingin sa akin si Xian at ang tingin ng babae ay sobrang galit.


Nakaka-istorbo ba ako sa ginagawa niyo? - sarkastikong tanong ko.


K-kim? Gising ka p-pala? - utal na sabi niya.

Agad akong nakabawi sa pagka gulat ko saka unti-unti lumalapit sa kanya. "How dare you, anong karapatan mo para dalhin dito sa bahay ko ang babae mo?" Gusto kong itanong at gusto kung pagsasapakin siya pero sa utak ko lang. Hindi ko alam kung bakit ako natatamimi kapag nakikita ko na siya. Nawawala ang galit ko.


Babe? Sino siya? For a maid she's rude. - mataray na sabi ng hinayupak na babaeng kasama ni Xian. Sexy siya may itsura din, wala lang taste sa lalaking sasamahan niya. Kaya sayang lang ang ganda niya.





Maid? Excuse me? - gusto ng pumutok ang galit ko malapit na. Ano maid daw ako?


Yeah! Maid! Like muchacha, yaya nanny? Bi**h - sabi pa ng babae saka hindi ko na napigilan ang galit ko.



Rachel, stop. - pigil pa ni Xian.

No, I won't. Napaka bobo kasi ng yaya mo. Alam naman niya na may ginagawa tayo, hindi naman siguro siya bingi para hindi tayo marinig pero anong ginawa niya? She ruin our privacy. - galit na sigaw niya.




Manahimik kang higad ka. Pwede ba paalisin mo yang bisita mo? - galit akong napasigaw pabalik. Nakaka insulto ang babaing ito.


Excuse me? What did you just called me? - sabi pa niya.


Higad.. oo higad. You heard that right. Don't you know may asawa na yang kasama mo? - ito na hindi ko na mapigilan ang sarili ko. I just explodes. Gusto ko pa nga hampasin ang pagmumukha ng manahimik.


What? Are you kidding me? And are you telling me na ikaw yun? Like duh? - maarting sambit pa niya.



Oo bakit? Ako nga ang asawa niya. Kaya makaka alis ka na sa bahay ko. Kung ayaw mong ako mismo kumaladkad sayo palabas ng bahay ko. - sigaw ko sa kanya. Nagulat naman si Xian sa bigla kong pagsigaw.




Babe, sige na. Umalis ka na lang muna. - utos pa ni Xian sa babae niya.


So? Totoo nga na asawa mo siya? Ugh(sinampal siya ng girl) How could you. Sabi mo single ka?! Ang kapal mo jan ka na. Magsama kayo ng asawa mong mukhang walis ting-ting. Malnurish. Yuck! - sinampal samapal niya ng ilang ulit si Xian. Buti nga. Pagkatapos ay nagwalk out na yung girl.





Hindi ko na napigilan pa hindi maluha dahil sa nasaksihan ko. Halos bumaksak ako sa sobrang panghihina ng tuhod ko.

Dahan dahan naman akong nakasandal sa pader. Feeling ko any second babagsak ako.


Si Xian tahimik naman siya at nakatayo lang din. Wala ba siyang sasabihin? Hindi ba siya magpapaliwanag?


What was that? - galit na tanong niya after few minutes na katahimikan.

Kailangan mo ba talaga sabihan ng ganun yung tao? - pagpapatuloy pa niya. Parang tumaas ang tinga ko sa mga naririnig ko. Siya pa ang galit? Tama ba? How could him??


Ang alin? Tama lang yun sa kanya. - galit kong sagot.


Binastos mo siya. Isa pa, ano bang bago? Alam mo naman na marami akong babae, you always know naman. Pero anong ibig sabihin ng lahat ng yun? Sabi mo wala kang paki alam kung ano man ang gawin ko. mambabae man o hindi. Pero bakit ganyan ka na ngayon. Akala ko ba you don't care. Matagal ko ng gawain ito pero bakit ngayon ka lang nag-inarte. - sigaw pa niya. Aba! Siya pa talaga nagalit sa akin. Wow!



Kasi sumusobra ka na! Nanahimik ako noon oo, kasi masaya ka naman sa ginagawa mo. Kahit na masakit para sa akin, inaapakan mo ang pagkababae ko. Hindi mo na ako ginalang. Oo nga hindi mo ako mahal pero sana kahit yung respeto lang. You're too much, hindi ka na nakuntinto sa pambabae mo pagkatapos iuuwi mo pa talaga dito sa bahay? Sana pinatay mo na lang ako. Hindi ganito. - then i really explode. Ayaw ko na manahimik na lang.



Ano bang akala mo sakin? Nagbubulag bulagan ako Xian, oo. Nagbibingi bingihan ako oo, nagtitiis ako oo. Isa pa sinabi ko ba o pinilit ba kitang pakasalan ako noon? Hindi naman diba? Ni minsan ba nagreklamo ako? Nagsalita ba ako sa mga ginagawa mo? Pero bakit dinala mo pa sa bahay? Sa bahay na regalo sa atin ng mama ko? - hindi na ako mapipigilan. Sobra akong disappointed sa kanya. Gusto ko na sabihin lahat lahat.



Ayan naman pala. Ayos lang sayo. Sanay ka na naman diba? Bakit ka pa nangingi-alam ngayon? - sagot pa niya. Wow! Magandang sagot ha!




Bakit? Kasi sawang sawa na ako. Ayaw ko na. Ayaw ko na maging manhid, sawang sawa na ako sa kaka unawa sayo. Sinasabi ko sayo pag nagdala ka pa ng kirida mo dito o mambabae ka pa. Makikita mo iiwan ka namin ng anak mo. Hinding-hindi mo na siya makikita. - pagbabanta ko pa.




Bakit ka ba ganyan? Bakit ba gustong gusto mo akong sinasaktan? - umiiyak ko pang tanong.

Fine. Ayaw mo sumagot? Bahala ka. Promise isa na lang iiwanan ka na namin. - pagbabanta ko pa.

Hindi ko na siya kilala pa. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya.


---

to be continued


VOTE AND COMMENT

"Unforgettable Love" - Kimxi  #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon