Chapert 38

342 26 7
                                    

Xian's POV

Bumaba ako at nagkape na lang, total wala naman ako mapapala sa taas. Badtrip lang kasi ano.... Tsk.

Alam ko naman na hindi ako ang mahal niya pero diba asawa ko naman siya? I really try to be good and faithful husband pero bakit siya?

Ang gulo lang.

I aslo need that, lalaki ako. She should know that, after all.

Dinala ko ang iniinom kong kape sa may pool area at nilapag sa glass center table malapit sa swimming pool. I take off my tshirt, at lumangoy na lang.

Pambawas badtrip. Baka makagawa na naman kasi ako ng ikakasira ng pamilya namin.

Pabalik-balik lang ako sa paglangoy, hanggang mapagod ako.

Binalikan ko yung kape ko, hindi na siya ganun ka init pero ininom ko paren. Pinulot ko ang tshirt ko at pumasok na sa loob, wala akong dalang towel. Ang lamig lamig tuloy.

Sa likuran na lang ako dadaan. Mahirap na baka mabasa ko ang buong bahay e si Kim lang naman ang naglilinis kawawa naman siya.

Pag-akyat ko sa comfort room na ako dumiretso at nagpalit. Ang lamig lamig kaya, tapos malakas pa ang aircondition kaya mas nilalamig ako.

Nang makapag palit ako, agadako nahiga sa kama at nagtalukbong ng comforter.Bahala ng may magising sa nilalamig ako eh. Tignan niyo na hindi lang ako pinagbigyan tinulugan pa niya ako.

Tinignan ko na lang si Kim, ang maamo niyang mukha. Ang kyot lang niya matulog. Ang kanyang labi napaka kissable, buti na lang at hindi ako masyadong manyak nakakatukso kasi ang mga labi niya.

Sinubukan ko na lang maatulog at pumikit na.

May mga alaala ako na nakikita. Alaala na hindi ko matukoy. Bakit tuwing may mga alaala akong nakikita ay hindi ko nakikita ng klaro?

Sino siya? Sino ang babaeng yun? Bakit napaka lakas ng impact niya? Bakit pakiramdam ko gustong-gusto ko makilala kung sino siya? Bakit ba hindi ko siya naaalala?

Pinilit kong kalimutan muna ang mga biglaang pumasok sa alaala ko. Pumikit na lang ako at hindi na nag-isip ng kung ano ano.

Papatulog na ako ng bigla kong narinig na napasigaw si Kim. Agad ako bumalikwas ng upo at tinignan siya. Nananaginip yata?

Kim? - gising ko pa sa kanya. Baka bangungutin pa.

Uhm.. - sabi pa niya. Ayaw pagising ha.

Hey, wake up. Nananaginip ka. Gising... kim? - gising ko pa ulit sa kanya.

AAAH! - sigaw niya saka napa-upo ng wala sa oras dahilan para mauntog siya sa ulo ko.

Xian anong ginagawa mo? - tanong niya. Saka hinipo ang noo niya.

I'm just trying to wake you up, kasi nananaginip ka yata. Bigla bigla ka naman ba kasi bumangon. - kuwento ko pa. Aray masakit din kaya ang pagkasangga sa noo ko. Tigas ng ulo niya.


Ikukuha kita ng tubig ng mahimasmasan ka. - presnta ko pa saka tayo sa kama. Hindi ko na inantay na sumagot siya.

Deretso ako sa baba at kumuha ng tubig na maiinom ni kim. Binilas ko naman ang lakad at ilang sandali pa ay nakarating na ako sa kuwarto namin.

Here. - sabi saka abot ng tubig.

Uminom muna saka sinabing "Salamat"

Ano ba napanaginipan mo at sigaw ka ng sigaw? - I asked.

Wala. Wala naman, hindi na mahalaga. - sagot niya saka abot sa akin ng baso.

Inabot ko naman at ipinatong muna sa side cabinet.

Nakayakap naman si Kim sa dalawang tuhod niya. Halata naman na masama ang napanaginipan niya, ayaw lang niya i-share.

Lumapit ako sakanya saka sinabing.

Okay lang yan, matulog na lang tayo ulit. - sabi ko pa saka hiniga siya, sumunod naman siya pero bakas paren sa mukha niya ang sama ng panaginip niya. Wala siyang ka reak-reasksyon. Alam niyo yung tulala lang?

Nahiga na ren ako, nakarap ako sa kanya at pinagmamasdan ang likran niya. Ramdam ko kahit hindi ko siya nakikita ramdam ko ang lungkot at takot niya.

Ilang sandali pa nakikita ko na gumagalaw galaw ang balikat niya at halata na nagpipigil siya ng iyak. Halata naman kasi malalalim ang paghinga niya.

Lumapit ako saka niyakap. Baka nga siguro masama ang naging panaginip niya.

Nang maramdaman niya ang pagyakap ko, mas napalakas pa ang pag-iyak niya. Hindi na din niya tinanggal ang pagyakap ko tulad kanina.

Umiiyak siya habang yakap yakap ko, hinarap ko naman siya sa akin at tinanong ulit kung bakit pero ayaw paren.

Masamang panaginip? Ang dinig ko minsan kabaliktaran daw yun ang nangyayari. - ako na lang nagsalita ayaw naman niya magkuwnto eh. Nakayakap pa ako sa kanya at halos magkadikit na mga mukha namin, ramdam ko ang init ng kanyang paghinga sa dibdib ko.

Tinignan lang niya ako at wala pareng salitang sinasabi.

Alam mo ano man yang panaginip. Hindi yan magkakatotoo. Malay mo kabaliktaran nga ang mangyari? Kaya wag mo na isipin. - sabi ko pa saka hinagod ang likuran niya.

Yumakap naman siya sa akin at siniksik ang mukha niya sa dibdib ko.

Matulog ka na ulit. - bulong ko pa sa kanya.

Ilang sandali pa ay nakatulog nga siya. Hindi ko magalaw ang katawan ko ayaw ko na baka magising ko pa siya. Kahit nagmanhid na ang kanang braso ko dahil ginawa niyang unan hindi ko na ginalaw.

Sige ganyan nga matulog ka lang. Sabi ko pa sa isipan ko at pumikit na ren ako.



---

to be continued

Note: My last update, sinulit ko lang unli ko. HAHA Pa expired na ako. Salamat sa support guys. Who want's dedication? Comment lang po niyo user name niyo o baka may gusto kayong ipabati o kahit ano comment lang guys.

Thanks

VOTE AND COMMENT

"Unforgettable Love" - Kimxi  #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon