Short Update!!!
----
Kim's POV
Really? He is back? Di ako makapaniwala. Siya ba ang kaharap ko ngayon? Siya ba talaga ang lalaking minahal ko at nagmahal sa akin?
Sssh. Don't cry, bu. - sabi niya habang hinagod ang likuran ko. I've never been comfortable like this, when I layed on his chest.
Since when pa bumalik ang alaala mo? Bakit ngayon mo lang sinabi? - tanong ko.
3 years ago, after ko lumabas ng hospital. Hindi ko sinabi agad kasi naguguilty ako sa mga nangyari. Hindi ko naligtas ang anak natin pakiramdam ko wala akong kwentang ama. Kaya naisip ko bilang parusa hindi ko din ipapa alam na bumalik na mga alaala ko. Para saan pa? - paliwanag niya. Bumitaw ako sa yakap at naupo ulit para makapag-usap ng masinsinan.
Ang daya mo naman. Sana sinabi mo agad, hindi naman kita sinisisi sa nangyari. Walang bumabato sayo ng sisi, sinubukan mo naman siya iligtas eh. - sabi ko pa, sa pagkakataong ito hindi ako iiyak.
Wala nga. Pero sana I should try more para hindi siya masaktan. Sana mas nagmadali ako. Sana hindi siya nasaktan at nawala sa atin. - kwento niya. Ramdam ko ang sakit at ang panghihinayang sa boses niya.
Wala na tayong magagawa doon. Nangyari na ang nangyari, siguro panahon na ren para patawarin natin ang mga sarili natin sa mga nangyari noon. Tatlong taon naren ang nakalipas. - sabi ko pa. Maybe its now time para pakawalan ang mga kimkim na sakit at pagsisisi. Patawarin ang dapat patawarin.
-----
After ng pag-uusap namin sa harap ng puntod ng anak namin. Nagdesisyon kaming magsama ulit at pilit na ayusin ang aming buhay.
Wala man ang aming anak alang-ala man lang sa kanya bubuuin paren namin ang pamilya na sinimulan naming dalawa.
Nagpatawaran kami at pagkatapos nawala lahat ng kinikimkim sa loob ng bawat isa. Ganun pala yun?
Parang nawalan ng tinik ang dibdib ko at nakakahinga na ulit ako ng maluwang-luwang.
Bu, pwede doon muna tayo sa apartment ko? Hindi pa ako ready makita ang bahay natin. Tingin ko hindi ko pa kakayanin tumira ulit sa bahay nayun. - sabi ko pa kay Xian. Siya ang nagmamaniho, will kotse niya naman kasi ito. Yung akin si Alora na ang nag-uwi.
Ikaw, kahit saan mo gusto. Its all fine with me basta kasama kita. Kahit saan pa yan. - sagot niya. I'm not ready yet para tirhan ang bahay namin lalo na nandoon lahat ng alaala ng anak ko. Ang sakit lang kasi alaala lang ang nandoon. Tanging alaala lang.
Magkaholding hands kami ngayon. Naka red light pa naman eh.
Hindi ko inakala na magkakaganito pa kami. Na magkakasama ulit kami. Akala ko wala na ren ang lahat ng sa amin pagkawala ng anak namin pero hindi, may pag-asa pa ang relasyon namin.
Bu, daan tayo kila miss Yap. Matagal ko ng hindi siya nakikita. - sabi ko pa. Malaki na ang pagkukulang ko sa kanya.
Ganun ba, sige. Pero mauna muna tayo kay mama mas malapit kasi dito ang opisina niya. I'm sure matutuwa yan sa atin. - masayang sabi niya. Sana nga matuwa siya. Hopefully hindi siya nagbago about sa akin.
Sige. - sagot ko na lang.
=============
Xian's POV
3 days after ay nagsama ulit kami. Sa apartment niya, maliit pero basta kasama ko siya parang isang palasyo na ito para sa akin.
Hindi ko na siya pinilit na umuwi sa bahay namin or kahit sa hotel kasi ayaw ko pasamain ang loob niya.
Alam kong maaalala lang niya doon ang anak namin, masasaktan siya at hindi pa handa balikan ang mga lugar kung saan namalagi ang buo naming pamilya. Iiyak lang siya pag ganun.
Wala ng sasaya pa sa akin ngayon, kasama ko na ulit siya. I'll do everything to make her feel better.
Makakalimutan din niya lahat ng sakit at buong matatanggap ang pagkawala ng anak namin. Kahit alam ko imposible makalimutan pero at least learn to move on and be happy again.
Buhay ko, nanjan ka na pala. Sandali lang ihahanda ko ang mesa ng makakain na. - sabi pa niya.
Tulungan na kita, pagod ka ren galing work. - sabi ko pa saka nilapag ang briefcase ko at agad na nagtungo sa kusina.
Hindi na maupo ka na lang doon. Kaya ko na'to. - sabi pa niya saka kuha ang dala kong pitsel.
Sumunod na lang ako. Madali kasi akong kausap.
---
After kumain at malinis ang kinainan ay nanuod muna kami ng movie.
Namiss ko ito, dati magboyfriend girlfriend pa lang kami hilig namin mag movie marathon. Pagkatapos tutugtugan ko siya ng piano.
How I missed those days.
Nakaupo kami sa maliit niyang sofa. Nakasandal siya sa dibdib ko at ako nakaakbay sa kanya.
Bu, kung buhay lang ang anak natin. Sigurado akong maingay ang paligid natin. - bigla na lang sabi niya. Namimiss na naman niya ang anak namin. Naalala na naman niya.
Bu, tama na yan. Wag mo na isipin yan. Masasaktan ka lang kaka alala sa kanya. Ang gusto ng anak natin, makita kang masaya hindi ganyan malungkot ka na naman. - sabi ko pa saka niyakap na lang siya.
Umiiyak na naman siya. Maalala lang ang anak namin ay naiiyak na siya. Kaya siguro nangangayat ng sobra.
H-hindi ko maiwasan hindi siya maisip at maalala. Alam kong gusto niya ako maging masaya pero .... ang hirap. Ang hirap hirap. - umiiyak pa niyang sagot.
Hinarap ko siya at saka tinignan sa mata.
Malulungkot ang anak natin kung palagi ka na lang iiyak. Alam mong ikaw ren ang kahinaan niya. Hindi niya gusto makita kang umiiyak, alam mo yan. Kaya tama na yan, ang ganda ng palabas oh? Comedy yan kaya ba't ka umiiyak. - pagbibiro ko pa. Baka sakali na mapangiti ko man lang.
Tulog na lang tayo. Wala akong gana manuod. - sabi pa niya.
Pinatay ko ang TV saka nagpunta sa kwarto.
Ang lungkot naman ng wallpaper ng kwarto. Ngayon ko lang napansin na kahit ang kulay ng buong apartment ay dark.
Halata sa unang tingin sa paligid ang kawalan ng gana. Ang lungkot ng paligid. Walang ka kulay kulay, walang kagamit gamit. Plain lahat.
Bakit? - tanong niya.
W-wala naman. Ang lungkot ng buong paligid. - sagot ko saka nahiga sa tabi niya.
Kung ayaw mo sa kulay, pwede nating ibahin. - sabi pa niya.
Sige.... - sagot ko saka pumikit na. Ready to sleep napagod ako sa trabaho eh.
Nakatagilid siya ako nakaharap sa kanya at nakayakap. Namiss ko siya katabi. Matagal na din ng huli kaming nagkasama sa iisang kama. Nakakapanibago pero syempre masaya na ulit.
---
to be continued
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
"Unforgettable Love" - Kimxi #Wattys2015 #TNTPanalo
Fanfic"Prologue" Kim and Xian was really in-love with each other, hanggang sa di inaasahan nagkahiwalay at muling nagkita. Ang tanong ganun paren ba ang kanilang nararamdaman sa isa't isa? Nawala ba ang kanilang pagmamahal sa isa't isa? Gayung h...