Chapter 41

441 26 6
                                    

Note: Guys please share my stories po, dumadami na ang readers natin. WELCOME po sa new readers. COMMENT din po kayo.






Kim's POV

Kim, pwede ba tayo mag-usap? - seryosong tanong ni Alex. First time namin mag-uusap ulit naka ilang araw na ako dito sa bahay ay madalas hindi kami magkita.

Sige, pasok ka. - ngumiti akong sumagot.

Bakit mo kailangang umalis? Pwede pa naman siguro pag-usapan kung ano man ang problema niyo, diba? - sabi pa ni Alex. Alam ko kampi siya kay Xian, lahat ng tao kampi sa kanya.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.

Alex... parang hindi ko na yata kaya. Palala na siya ng palala, day by day nag-iiba siya. - sagot ko pa saka isinara ang bag ko. Ready to go na kaya ako.

Kim, alam ko minsan nagkakamali siya at nagtutukso pero sana wag mo siya bitawan, lalo na hindi pa siya nakaka-alala. Sana bigyan mo pa siya ng isa pang pagkakataon, lumapit siya sa akin at sinabi ang lahat. Maling akala lang ang nakita mo kanina. Kim sana wag mo sayangin ang pagkakataon na muli kayo mabuo. Sana ang sacrificed ko maalala mo ren bago ka gumawa ng desisyon. - alam ko naman ang sakripisyo ni Alex at nagpapasalamat ako lahat ng ginawa niya.

Alex, wag mo sana isipin na nasayang ang sakripisyo mo. Nagpapasalamat ako dahil sa ginawa mong pagpaparaya. Hinding-hindi ko yun malilimutan pero sana hayaan mo muna ako sa gagawin ko. Siguro lalayo muna ako para makapag-isip isip at ganun din siya mag-isip isip siya habang wala kami para mapagtanto niya sa sarili niya kung gaano ba kami kahalaga sa buhay niya. - sabi ko saka tumayo na baka malate pa kami sa flight namin.



Pagkatapos ng usapan namin ni Alex ay bumaba na ako at naghihintay ang sasakyan namin. Sorry pero hindi ko pwede pagbigyan ang hiling niya.

Maybe this is the right time na maging considerate ako sa feelings ko. Maybe time na para bigyan ko naman ng pansin ang sarili ko.

Mali si chairman na hinayaan niya na mambabae si papa ni Xian. Mali na wala siyang ginawang way para pagbaguhin ito naging mahina siya kaya ang nangyari kinayan-kayanan na lang siya ng asawa nito.

Ayaw ko sapitin at pagdaanan namin yun. Ayaw ko ng magtanga-tangahan, magbulag-bulagan. Ayaw ko na. Panahon na para pakitaan siya ng katapangan ko.

If he really wanna changed, makaka paghintay siya at ipapakita niya yun kahit na malayo kami sa kanya.

Sa dami kong iniisp, hindi ko namalayan nasa airport na kami.

Mag-iingay kayo. - Huling salita na narinig ko kay miss Yap.

Kayo rin po mag-iingat kayo.

Pagkatapos noon ay pumasok na kami sa waiting area.

---

Diyos ko, Kim bakit hindi ka nagpasabi na darating ka? Ikaw talagang bata ka. - salubong ni tita pokwang.


Sorry po tita, biglaan po. Ito kasing si Xiarmay hinahanap hanap kayo. - sagot ko. Nakatulog na si Xiarmay at daladala ni yaya Bel, pinasama ni miss yap yung isa sa mga katulong niya para may kasama daw ako mag-aalaga kay Xiarmay. Hindi na ako umangal.


Naku, ito talagang apo ko. Hmmm... pakiss nga. Betty ipasok niyo ang mga gamit ni Kim. - sabi pa ni tita.



"Unforgettable Love" - Kimxi  #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon