Chapter 30

382 29 10
                                    

Kim's POV



Natutulog paren si Xian, tapos na ako magluto at naka hain na rin ang hapunan namin.


Xi? - tawag ko pa sa kanya. Ayaw parin gumising tinapik tapik ko na.

Now, that idea comes!

Hahaha!


Ughh.. - reklamo pa niya saka hawak ng kanyang likuran.


Sorry, nasaktan ka ba? Hindi kasi kita magising kaya ayan nilaglag na lang kita tiyak magigising ka na. - sabi ko pa saka nag peace sign at ngumiti hanggang sa tainga.



Obviously, yes. Bakit ba? Ang kulit kulit mo. Kanina pa. - reklamo neto saka padabog na tumayo mula sa pagkakalumpasay sa sahig.


Nakaluto na po ako mahal na hari. Tara na sa kusina. - hila ko pa sa kanya.


Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo, may energy ka pang natitira? - nagtatakang tanong ni Xian. Actually nakakapagod talaga ang buong araw na ito, pero masaya ako sa ginawa ko kaya kahit pagod ay hindi pa sumusuko.



Yep. - sagot ko.

Ibang klase. - umiiling-iling pa niyang sabi. Nginitian ko lang saka naglagay ng kanin sa plato niya.


Niluto mo ren lahat ng to? - tanong pa niya. Syempre, ano pa silbi ng cooking skills ko diba? I love cooking, sport ko yun not hobby. Haha :D

Tumango ako bilang sagot. Nakita ko naman na napailing siya at napangiti ng konti. Sapat na yun para mawala lahat ng pagod ko, makita na napasaya siya kahit paano. Happy na rin ako.



----

Its been 2 months ng makalipat kami dito sa new home namin.

Ang naging trabaho ko?

Housewife, and happy to serve them both. Paminsan minsan din ay lumalabas kami ni Xian. Pero para magpasama lang minsan sa grocery.

Nagba-bonding din kami mag-ina kasama si Xiarmay minsan kung walang pasok.


Si Alora dumalaw na ren sila dito, noong nagpa house warming kami. Kasama sina Tita Pokwang, Pamu, Aaron at Zephanie. Kinalimutan ko na ang paglilihim nila sa akin.

I knew inisip lang nila noon na pagsinabi nila sa akin ay masasaktan lang ako. I understand, pero nasaktan paren ako noong hindi nila sinabi.


Chairman? Pasok po kayo, may kasama po ba kayo? - nagulat ako kay chairman ng matanaw ko siya sa labas ng gate namin.


Si Xiarmay? - sambit niya pagkapasok sa loob.


Nasa taas po. - sagot ko.


Oh, sige aakyatin ko na lang. - sabi pa niya. Nakakatakot paren talaga itong si Chairman. Paano walang ka imo-emotion sa mukha pag nagsasalita.


Granny... - sigaw pa ni Xirmay habang tumatakbo pababa ng hagdan.

Dali-daling lumapit at yumakap sa lola niya. Talagang closed na sila.


Dumaan ako para ibigay ito. - sabi pa ni chairman kay Xiarmay saka taas ng paper bag na hawak niya.


Ano po yan granny? - tanong pa ni Xiarmay.



Chocolate. Your favorite, remember sabi mo hindi ka pa nakakakain ng chocolate na imported. - nakangiting sabi ni Chairman. Pero bawal kaya sa kanya ang sobrang sweet. Paano ko ba sasabihin ito kay chairman baka mapasama ko pa ang sitwasyon.

"Unforgettable Love" - Kimxi  #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon