Note: Guys, guys good news. Nasa rank #183 na po tayo sa fanfiction category. Congrats sa ating lahat, thanks for the support. Continue supporting guys. Thanks less than three <3 Mmuwa
Enjoy reading...
Kim's POV
Here I go, nagpadala na naman ako sa kanya. And this is the very very last time na magpapakatanga ako dahil sa kanya. Promise, swear to God.
After all he did promised na magpapakatino na siya.
He said that he'll try his best na maging mabuting asawa sa akin. Who am I not to give him another chance. But this will be the last, if ever he'll hurt me once again makikita niya ang new version of me.
Matapang naman ako siya lang kahinaan ko, pero kung sasaktan ulit niya ako hindi na ako magtatanga tangahan ulit.
Umalis na naman na ako ng bahay. Sinuyo niya ako sa bahay ni miss Yap at sumama naman kami pauwi sa kanya. Nakita ko kasi kung gaano niya kamahal si Xiarmay naaawa ako sa kanila mag-ama.
Xian's POV
How to be a good husband?
Now that she give me another chance.
Ayaw ko matulad sa akin si Xiarmay na hindi buo ang pamilya.
Dahil doon nagpapakatino na ako. Umiiwas na ako sa mga babae, will lagi lagi nagpupunta sa opisina ko si Amanda. She said na mahal daw niya daw ako, pero natatawa na lang ako.
Walang laman ang puso ko kundi ang pagmamahal ko sa anak ko. Siya ngayon ang pinaka malapit sa puso ko. Si Kim? Pag-aaralan kong mahalin siya wag lang niya ilayo ang anak namin.
About kay Rachel wala na ren kami, hindi na ako nagba-bar dahil umiiwas ako sa gulo. Maaga na ren ako umuuwi ng bahay kung saan naghihintay ang mag-ina ko.
Dude, sama ka? - bigla naman nagsalita si Yexel na ang akala ko ay sersyoso sa pagre-review ng blueprint na ipepresent niya sa board mamaya.
Hindi ako pwede. Kayo kayo nalang, ang aga mo naman magcelebrate? - sagot ko pa.
Whoa! Dude? Ikaw ba yan? - gulat na sabi saka inangat ang dalawang palad saka aktong nag-vow. Loko talaga to.
Tsssh. I need to go home early. - sagot ko pa saka pinaglaruan ang ballpen na hawak ko.
Seriously? - nagtataka pang sabi ni Yexel.
Oo nga, baka nagluto si Kim. Sama sama kami magdi-dinner, kaya hindi ako makakasama. Isa pa, I'm trying to be good husband and a good father. - sabi ko pa saka aktong tumayo.
Okay! Okay! Sabi mo. Ikaw na dude. Ikaw na talaga, welcome back Xian Lim. - mapang-asar na tono niya saka kinamayan ako. Loko talaga tong si Yexel.
Tsssh. Pwede ba. - inis kong sabi saka naglakad palabas sa opisina. May meeting kami ngayon kasama ang board of director.
Umiling iling pa si Yexel saka nakipag-unahan sa akin habang naglalakad papasok ng conference room. Loko talaga ang lalaking ito.
Pagkapasok namin ay kunti pa lang ang tao sa conference room. Kaya inasikaso na ni Yexel angpresentation niya. Magtatayo kasi kami ng bagong branch ng hotel at siya ang nakuha na arkeytekto. Will ang kompanya talaga ang pinagkatiwalaan namin upang gumawa ng new improve hotel and restaurant namin.
Since walang dudang magaling talaga si Yexel. Siya na ang kinuha at ngayon ipapakita at ipapaliwanag lang niya sa board kong ano ang plans niya sa itatayong hotel.

BINABASA MO ANG
"Unforgettable Love" - Kimxi #Wattys2015 #TNTPanalo
Fanfiction"Prologue" Kim and Xian was really in-love with each other, hanggang sa di inaasahan nagkahiwalay at muling nagkita. Ang tanong ganun paren ba ang kanilang nararamdaman sa isa't isa? Nawala ba ang kanilang pagmamahal sa isa't isa? Gayung h...