Note: Sulitin ko muna ang pag-update. Paki-Share naman po sa iba ooh? Para madami na tayong nagbabasa. Dumadami na din po ang readers.
Kim's POV
Mag-almusal ka muna. - pigil ko pa kay Xian bago tuluyang lumabas ng bahay.
Hindi na, sa hotel na lang. - sagot niya.
Xian... - tawag ko pa ulit ng pangalan niya. Magpapa alam ako para makipagkita kay Zhepanie at Aaron.
Bakit? - sagot niya.
Ah. Magpapa alam sana ako sayo. - paunang sabi ko.
Bakit may lakad ka? - tanong ko pa.
Oo, makikipagkita ako kina Aaron at Zhepanie. Sandali lang naman. - ako.
Hindi pwede. Akala ko ba ikaw susundo kay Xiarmay sa eskwela? - sagot naman niya.
Oo pero mamaya pa naman yun eh. Ako paren naman ang susundo eh. Sasaglit lang ako para makita si Zhepanie. - sabi ko pa.
Hindi pwede. Ano ba meron doon kay Aaron at hindi mo makuhang tumanggi na makita siya ha? - medyo may tono niyang sabi.
Wala. Sige kung ayaw mo. Hindi na lang. Sige na baka malate ka pa sa trabaho. - sabi ko pa. Wala akong magawa sa ayaw eh.
Walang imik siyang umalis. Bumalik naman ako sa loob ng bahay saka nag-ayos.
Susunduin ko pa anak ko sa eskwela.
Pagbaba na ako ng nakita ko si Chairman.
Yumuko ako ng bahagya.
May lakad ka? - tanong niya.
Opo, susunduin ko si Xiarmay. - sabi ko pa.
Hindi na kailangan. Dahil ako na ang susundo. Ipapasyal ko siya university. - sambit pa ni Chairman.
Ganun po ba? Sige po, babalik na lang ako sa itaas. - paalam ko pa. Wala na pala akong gagawin eh.
Pagkasabi ko ay umalis na din siya. Umakyat na ren ako at nagpalit ng pangbahay.
Wala na naman akong gagawin eh.
Parang lahat na ng pwede kong gawin ay ginawa na nila.
At least nagkakalapit na ang mag-lola. Sapat na yun. Masaya na ako doon.
Wala akong pwedeng gawin dito sa bahay. Nakaka tamad.
Ang laki ng bahay nila tapos ang daming katulong. Araw-araw malinis na ang bahay kaya wala akong nagagawa dito kundi maupo at tumunganga.
Nanunuod ako ng may natanggap akong tawag mula kina mother superior.
Pinapupunta ako sa ampunan. Agad ako nagbihis ulit at tumungo sa kanila. Hindi na ako nakapagpaalam pa.
Kasi wala namang tao sa bahay, nakalimutan ko ren kasi magdala ng cellphone ayun sa pagmamadali naiwan ko sa may side table ng kama namin.
Nagtaxi lang ako, wala naman akong sariling kotse dito. Meron akong kotse pero naiwan doon sa Cagayan.
May service silang iniwan dito yung van nila pero ayaw ko na abalahin pa si mamong para ipag-drive ako.
Nagbless ako kay mother at kina sister Jonah at iba pang mga sisters.
Mabuti at nakarating ka, ija. - sabi pa ni mother superior. Ngumiti na lang ako.
Bakit po mother? May nangyari po ba dito? Kamusta kayo dito? - ako.
Maayos naman kami dito. Pinapupunta kita kasi bumalik yung sinasabi kong detective na naghahanap sayo. - sabi pa ni mother.
Bakit parang tumalon ang puso ko pagkarinig?
Dahil ba sa tuwa?
O
Dahil sa galit ko sa kanila at sama ng loob.
Tayo na sa loob. Naghihintay siya sa aking tanggapan. - sabi pa ni mother superior.
Sumunod na lang ako. Kahit na hindi ko alam sa sarili ko kung matutuwa ba ako na sa loob ng ilang taon ay hahanapin pa ako ng magulang ko. Kung totoo ba talaga yun na ako ang hinahanap nila.
Siya po ba ang tinutukoy niyo? - sabi nung lalaki.
Oo, siya si Kimberly. Sige ija maupo ka. - sabi pa ni mother.
Ako si Justin, detective ng Yap family. - pakilala pa ng lalaki. Yap? As in yung may ari ng sikat na brand ng damit? Yung sikat na designer?
Nginitian ko lang yung Justin.
Ito ang picture na hawak ko, ganito ren ba ang hawak mo? - sabay pakita sa akin ng litrato na parehas ng sa akin.
Nanginginig ang kamay ko ng abutin ko ang litrato na yun. Malapit ko na ba matagpuan ang tunay kong magulang?
Bakit kaya nila ako iniwan at iniwan sa ampunan.
Narito ang suot ni Kim ng matagpuan namin siya. - sabi pa ni mother sabay pakita ng nasa maliit na kahon.
Nakita ko ang maliit na damit na nakaburda ang pangalang Kimberly. Pero walang apelyedo. Kaya pala wala akong apelyedo kasi wala naman nakalagay doon.
Hintayin po natin si madam. Papunta na po siya reto para kompermahin ang mga bagay na yan at para makaharap niya ren si ms. Kimberly at siya na ang kumilatis. Malaki ang maitutulong ng lukso ng dugo. - sabi pa ni Justine.
Talaga pupunta si Ms. Yap? Lagi ko nakikita siya sa Magazine. Kahit nasa 40s na siya maganda pa rin siya. At parang bata tignan.
Actually, may ilang magazine ako na siya ang cover at ang mga obra niya. Mga damit na siya ang nagdesign. Pero mga dalawa lang yata yun.
Marami doon ko nakikita sa resort. Pinababasa namin sa mga customers namin doon. Sikat talaga siya. Sana mabait siya tulad ng nababasa ko.
Xian's POV
Nasa bahay na ako pero wala si Kim. Si mama ay nakatulog na sila ni Xiarmay. Nakakatuwa gustong gusto ni mama si Xiarmay.
Saan kaya nagpunta si Kim? Nakipagkita ba kay Aaron?
Kaya nga ako umuwi ng maaga dahil gusto ko kausapin siya sa isang bagay na mahalaga.
Pero since wala siya, heto hihintayin ko na bumalik siya sa bahay.
Hindi naman naglayas yun diba?

BINABASA MO ANG
"Unforgettable Love" - Kimxi #Wattys2015 #TNTPanalo
Fanfiction"Prologue" Kim and Xian was really in-love with each other, hanggang sa di inaasahan nagkahiwalay at muling nagkita. Ang tanong ganun paren ba ang kanilang nararamdaman sa isa't isa? Nawala ba ang kanilang pagmamahal sa isa't isa? Gayung h...