Chapter39

352 29 5
                                    

Note: This chapter is dedicated to @Darlingkikay at sa mama Karen niya. Salamat sa pagbabasa at sa supporta po. Enjoy reading po.



Love, love love. :*)



Kim's POV

Bakit ba kailangan pag almost perfect na ang bagay bagay saka naman nagkakaroon ng problema?

Bakit kung saka maayos na ang lahat saka gumugulo?

Bakit ba ang kailangan ko pang masaktan ulit at pagdaanan ulit ang masasakit na naranasan ko? Hindi pa ba sapat ang naranasan kong sakit noon para balik-balikan ako ng sakit na nararamdaman ko ngayon?

Hindi naman ako naghahangad ng perfect, kahit na almost perfect na sana ang relasyon namin mag-asawa. All I want is peace of mind and assurance. All I want is to keep Xian next to me, coz he's my hapiness. But why faith put us in this way?

I know everything happens for a reason. But what reasons again for this time? I'm not blaming god for all of this, but I can't help it but to ask why? There're lot of why's inside my head that could possible killed me inside.

He lied.

He lied to me.

Sabi niya iniiwasan niya si Amanda, sabi niya tumigil na siya sa pakikipagkita? Sabi niya pananatilihin daw niyang buo ang pamilya namin. Sabi niya.... putik na sabi niya!!

I must accept now na kasabay ng pagpapasurgery niya ang pagkamatay ng mabuti at mapagmahal na Xian. Yung tipong badboy siya pero ang sarap niya magmahal. Yung tipong kahit gaano katigas ang ulo niya napapalambot ng pagmamahal ko?

Yung tipong lahat ng ginagawa niya kaya niyang itigil para lang sa akin?

Asaan na ang dating kilala kong Xian. Ang akala ko mas naging mabuti na siya na hindi na maglilihim o magsisinungaling. Pero iba na siya ngayon. Iba na.

PUTIK... ayaw ko na. - sigaw ko na lang. Gusto ko magmura pero hindi maari. Ayaw ko. Hindi ako yun, pero dahil sa mga nangyayari ngayon hindi ko mapigil ang sarili ko.

Mabuti na lang at wala si Xiarmay dito sa bahay, baka makita na anman ang eksena namin ng papa niya.

Ayaw mo kasi makinig. Yung nakita mo wala yun. Wala lang yun, wala akong alam sa pangyayaring yun. - paliwanag pa niya.

Ah! Wala lang pala yung magkatabi kayo sa kama na parehas kayo nakahubad? WALA LANG pala yun sayo? - sigaw ko, kasabay bumagsak ng maiinit na luha mula sa aking mga mata.

Hindi ko alam. HINDI KO ALAM PAANO NANGYARI na magkatabi kami ni Amanda. - pasigaw na paliwanag niya habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa buhok niya.

At gusto mo paniwalaan ko yan? Alam mo hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin sayo! Hindi na kita kilala. Hindi na ikaw yan. Asan na ang pangako mo? Ha? Asan na ang mga PUTEK mong mga pangako. Asan na ha? - galit na galit ako parang sasabog ang utak ko. Pinaghahampas ko siya. Gusto ko magwala at lahat ng makita ko ay ipagtatapon ko sa sobrang galit na nararamdama ko.

Paulit-ulit ko sinasabi sayo, hindi ko ginusto yun. Nagpaalam naman ako ng maayos sayo na lalabas kami nila Yexel, at at nasa bar kami noon. Then I woke up nasa condo na ako ni Amanda. Hindi ko alam, basta nagising ako nandoon na kami at nandoon ka din. Can't you see sinet-up tayo ni Amanda? - pagpupumilit niyang pagpaniwalain ako. Pero big no. Kitang kita ng dalawang mata ko, nakayakap pa siya kay Amanda.

LINTIK..... do you want me to believe you? Anong hindi mo alam? - galit kong sabi saka binasag ang vase sa center table.

H-hin-hindi ko alam kung bakit pa ako nagpapaliwanag sayo. Ang kitid ng utak mo. Ayaw mo makinig, ayaw mo ako pagkatiwalaan. - pagkarinig ko ng salitang tiwala doon na ako bumigay. At sa kanya pa nanggaling ang salitang tiwala?

"Unforgettable Love" - Kimxi  #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon