Chapter 43

350 25 13
                                    

Author: Sorry, super short lang ito. Finals na namin this week at maraming nakatenggang paper works like, research paper, marketing plan and so on.


Bawi ako sa next update.









Kim's POV



Aaaah! - sigaw ko saka lumapit patakbo sa anak ko.

Duguan siya at nakahandusay siya sa kalsada kasama si Xian.

Sinubukan kasi niya sagipin si Xiarmay pero hindi siya nagtagumpay sa halip isa ren siya sa nasaktan at nakahandusay sa kalsada.


Oh, my god. Paano to? Whooooa! Haaaaah! Tulungan niyo kami.... TITA-ALORA-PAMU. - sigaw ko pa. Na hit and run pa kami. Buwesit na sasakyan yun.

Agad ko kinuha ang anak ko at kinandong, duguan pero may hininga pa naman.


Diyos ko, anak. Anak ko.... wag ka bibitaw wag moko iiwan. Dadalhin kita sa hospital. - umiiyak at nanginginig ko pang sabi.


Bago tumayo tinignan ko muna si Xian. Wala na ren malay pero may hininga pa. Pasensya na hindi ko kayo kayang ipagsabay.


Ohh... anong nangyari dito. Diyos ko, apo ko. Anong nangyari.... Pamu ang kotse bilisan mo. - sigaw ni tita ng makalapit sa amin.


Ilang sandali pa ay dumating ang kotse ni tita pokwang. Dahil malayo ang bayan walang ambulansya ang agad na makakarating dito.

Pagkapasok ko kay Xiarmay sa kotse ay pinagtulungan namin buhatin si Xian kasama ng ilang kalalakihan sa aming lugar namin.




----

Lahat kami ay nananalangin para sa mag-ama ko.

Lahat umiiyak sa panginoon para bantayan at wag pabayaan ang mag-ama ko.

Si tita may hawak ng rosaryo at si Pamu naman ay taimtim na nananalangin sa sulok kasabay ng mga luhang pumapatak.

Ako nakasandal sa pader at lutang. Until now hindi ako makapaniwala na nangyayari ito sa aming pamilya, sa mag-ama ko pa.

Si Alora nasa loob ng emergency room. Tutulungan niya ang mga doktor at babantayan din kong tama ang ginagawa nila para mailigtas ang mag-ama ko.


Pagkaraan ng ilang oras ay lumabas si Alora.




Anak, kamusta ang apo ko? Kamusta si Xiarmay? - umiiyak na mga tanong ni tita.





Mommy, Kim at Pamu wag na kayo mag-alala. Okay na sila, napigilan na ang bleeding, at good news hindi nagdugo sa internal. Maghintay hintay muna tayo ililipat na sila sa private room. - sabi pa ni Alora. Thank god.


Napakabuti paren ng diyos sa atin. Maraming salamat po. - napahinga na ng maluwang si tita.


---

Pagkapasok ko sa private room ni Xiarmay ay tumambad sa akin ang anak ko na nakabenda ang ulo niya at ilang braso at paa.


Kawawang bata. Magbabayad ang gumawa sakanya nito. Makikita niya hindi man lang niya hinarap ang nagawa niya. Napakaduwag niya.


Dahan-dahan akong lumapit. Ang daming nakakabit sa kanya. Ang anak ko, kawawa naman siya sana ako na lang ang nakakarandam ng sakit na nararamdaman niya ngayon.


Parang sinasaksak ng paulit-ulit ulit ang puso ko habang pinagmamasdan ko ang kalagayan niya.


Pagkaraan ng ilang minuto, unti-unti dumilat ang mga mata ng anak ko.

Ma-mama. - twag sa akin ng anak. Agad ko hinawakan ang mga kamay niya saka pinudpod ng halik.

Oo anak, nandito lang si mama. Anong masakit sayo baby ko? Sabihin mo kay mama. - sabi ko kasabay ng mga luhang pumapatak sa mga mata ko.


Mama, wag po kayong umiyak. Si papa po? - sabi ng anak ko. Ang anak ko mana sa akin matapang.


Si papa... nasa labas lang baby may binili. Mamaya yan pupunta dito para dalawin ka. - sabi ko. Ayaw ko sumama pa ang loob niya pag nalaman niya ang kalagayan ng anak ko.




Mama, masakit po ang ulo ko. - sumbong ng anak ko. How I wish ako na lang ang nasasaktan. Wag ang anak ko.



Anak, tiisin mo lang muna. Mawawala rin yan ha? baby... - sabi ko saka hinalikan ang noo niya.




Nahihirapan na ang anak ko. Nararamdaman niya yata ang sakit.



Mama, masakit po ta-tala-ga. Ma-ma gusto ko na-po matulog. - nanghihina pang sabi ni Xiarmay.


Anak.... wag. Wag ka matutulog h-hindi mo tutulugan si mama diba? Manatili ka lang gising baby. - umiiyak kong sabi. Pakiramdam ko iiwanan na ako ng anak ko. Wag naman sana. Diyos ko bigyan niyo po siya ng lakas ng loob para malagpasan ang sakit na iniinda niya.



Ma-ma, ma-mahal na ma-ha-l kita. Sorry kung naging pas-pasaway akong bata. - untag pa niya. Ayaw ko yung feeling na ganito ayaw ko ang usapang ganito.


Anak, ano yang pinagsasabi mo. Pinakakaba mo si mama. Hindi ka salbahi, napakabuti mong bata at anak sa amin. Wag mo sinasabi yan. - umiiling iling kong sabi.


Ma-ma mahal ko kayo ni pa-pa. - pagkasabi niya nun ay parang lumundag ang puso ko. Ayaw ko yung idea na iiwan ako ng anak ko. Hindi ang anak nauuna kundi ang ina. Ang sakit-sakit.



Baby no.... wag. Bumalik ka. Wag mo iiwan si mama. NO! - sigaw ko pa habang sinusubukan siyang gisingin at padilatin ulit.


Niyakap ko siya ng mahigpit at humagulgol. Without thinking na maraming tao o nakakarinig sa akin.


Nagsilapitan na din sina tita, pamu at Alora sa anak ko at lahat ay nagsiiyakan.


Hindi ko matanggap. Ayaw ko. Hindi ko kaya to.



Dumating din sina ate Roma at Aaroon. Kaya lang huli na ang lahat hindi nila nadatnang buhay ang anak ko.



Ahaaaaaa! - sigaw ko saka nagblackout na ang buong paligid ko.






----

to be continued.


VOTE AND COMMENT

"Unforgettable Love" - Kimxi  #Wattys2015 #TNTPanaloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon