Katulad ng mga nakaraang araw, nagising si Maine sa mga boses ng mga kalalakihan na galing sa labas ng bahay. Dalawang linggo nang ganon ang routine nya simula ng magbukas ang klase sa kalapit na college sa kanilang bayan. Habang nakapikit pa rin ay kinapakapa niya ang alarm clock sa gilid ng hinihigaan. Maliit lamang ang kwarto nya sa ikalawang palapag ng bahay, attic style ito na kamukha ng mga low-cost housing sa isang subdivision. Nga lamang ay nasa compound ang bahay nila, compound ng pamilya ng Papa niya.
5:46am.
Ang aga pa!
Naisip niya na may bahid na inis. Biglang pinanlakihan ng mata si Maine ng maalala niyang Sabado ngayon.
Magbabasketball sila!
Bumalikwas ng mabilis at dumapa siya habang pilit na may tinatanaw sa labas. Kasya lamang ang bintana sa pagitan ng sahig at bubong ng kwarto kaya kahit nakadapa ay kumportable syang nakakapanuri sa labas. Nang maramdaman na palapit na ang mga boses na kanina pa nya naririnig, bahagya niyang isinara ang wooden jalousie window. Ayaw nyang may makakita sa ginagawa nya.
Sabihin naman, stalker ako.Isa-isa ng naglakad palabas ang mga kalalakihan mula sa katabing bahay nina Maine. Boarding house iyon na matagal ng negosyo ng kanyang Lola at Tito. Makipot ang daan at halos humaba ang leeg ni Maine kakasilip kung dumaan na siya. at BOOM! biglang dumaan sa paningin nya ang makisig na likuran ng kanina pa nyang iniintay. Kahit nakatalikod ay alam ni Maine na gwapo ito at iniisip na lang nya na nakangiti ito sa kanya.
Susko! Nakatalikod pa nga lang hindi na ako mapakali. Pano pag humarap ka pa?
Kamukat- mukat nya'y biglang lumingon sa kinaroroonan nya ang lalake at bahagyang ngumiti na nagpalabas ng dimple nito. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Maine. Hindi pa nakuntento, kumaway ng sandali ito sa kanya (pabebe wave) bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na kinaya ng ating dalaginding ang sobrang kilig at napahiga na lamang sya habang yakap yakap ang malambot niyang unan.
Papatayin mo ako sa sobrang tamis, Denden!
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...