"San ba kasi tayo pupunta?", tanong ni Maine na halatang excited at naiinip na.
"Basta!" may amusement sa ngiti ni Frankie habang pinasasabik ang kasintahan sa kanyang surpresa.
Maya't maya ang hawi ng dalaga sa kanyang lampas-balikat na buhok. Napansin ito ni Frankie kaya't sinara niya ang bintana sa tapat ng kinauupuan nila sa bus. Ang totoo ay kinakabahan ito. Nanginginig ang kamay ng binata ng hawakan nito ang kamay ni Maine nang sya ay maupong muli. Buong suyong pinagmasdan ni Frankie ang maamo at magandang mukha ni Maine."Ang ganda talaga ng mahal ko."
"Matagal na!" Pabirong ismid naman ng dalaga.
Apat na taon na silang magkasintahan. Walang masyadong naging problema ang dalawa sa kanilang relasyon dahil likas naman na mabait si Frankie at talaga namang madaling mahalin si Maine. Si Maine ang tipo ng babae na walang arte. Mas marami pa nga yata ang kaibigan nyang lalake kasi hindi nya masakyan ang kaartehan ng mga kaklase nyang babae.
Isaw ang paborito nyang food trip tuwing hapon, kasama nya si Ken, ang best friend nyang lalake nung High School, na bumibili kay Manong sa gilid ng school nila. Hindi alam ni Maine kung gaanong kaasiwa ang ganda nya sa ginagawa nya pero keber ba nya. "Weirdo yang si Maine!" yan ang madalas nyang marinig sa mga kaklase nya. "Weirdo na kung weirdo, mas maganda naman ako sa inyo!" Malakas na loob nyang laging sinasabi sa sarili dahil tiwala syang sya lang ang nakakarinig noon.
"Tama ka naman eh."
Nagulat si Maine nang isang hapon may sumagot sa sinabi nyang iyon. Napalakas ata ang boses ko.Nasa kolehiyo na siya pero ganun pa rin kantyaw ng mga kaklase nya.
"Hi!" Sambit ni Frankie sabay lahad ng kanyang palad para makipagkamay.
"I'm Frankie. Bagong transfer lang ako dito sa school. Nakita na kita kanina sa klase. Paborito mo pala ang isaw?" Sunod sunod na kwento nito."Aahh..hi. Maine po. Yes. Paborito ko to. Si Manong ang pinaka da best magluto ng isaw dito. Aahhmm, sige alis na ko", sambit nya sabay talikod at nagmamadaling naglakad papunta sa sakayan ng tricycle.
Nagsimula sa isaw ang lahat, at ngayon dumating na si Frankie sa araw na pinakahihintay nya."Andito na tayo!", ang sabi ng binata sabay tayo.
"Manong, para na ho!"
Hinawakan nito ang kamay ni Maine at parang batang hinila nito pababa ng bus ang dalaga. Tumambad kay Maine ang malaking ulo ng tigre sa harap nya.
"Nasan tayo? Zoo ba yan?"
"OO! Ang laki kaya ng signage oh! Mini Zoo!"
"Bakit dito? Akala ko mag-a-anniversary date tayo?"Takang tanong ni Maine sabay hibi na kunwari'y iiyak na. Habang si Frankie ay hindi maitago ang ngiti sa reaksyon niya.
"Oo nga! Eto na nga diba? Date na nga to diba? Ayaw mo?! Ayaw mo!?"
"Wala akong sinabi ha. Tara dun na tayo sa mga lion nang mapakagat na kita!"
Parang batang tuwang tuwa si Maine na namamasyal sa Zoo. Kinausap nya ng kinausap ang mga parrots at tinuruan ng kung ano anong kalokohan."Boring yung lion! Ayaw naman gumalaw honeymylabs eh! Pagalawin mo nga!"
"Ayoko nga! Kagatin pa ko nyan!"
"Hmph!"
Umirap si Maine at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating sya sa kulungan ng mga unggoy. Parang nawala sa katinuan ang makulit na dalaga ng makipagusap sa mga monkeys gamit ang kanyang facial expressions. Sa isang pagkakataon ay parang tinatawanan si Maine ng mga ito. Aliw na aliw ang dalaga at hindi nito napansin na nakalayo na si Frankie sa kanya. Paglingon nya ay nasa ilalim na ito ng estatwa ng napakalaking gorilla.
Lumapit si Maine kay Frankie, napansin nya na parang nag mellow down ang ekspresyon ng kanyang mukha. Buong pag-alala nyang hinawakan ang mukha nito. Alam nyang hindi naman kagwapuhan si Frankie pero minahal sya ng buong tapat nito at talaga namang hindi tumigil sa panunuyo sa kanya."Honeymylabs, bakit parang malungkot ka?" Nagaalalang tanong nya.
"Hindi ah. Ang saya ko nga eh. Wala namang araw na hindi ako masaya basta kasama kita. Alam mo namang ikaw ang buhay ko diba?"
"Sus! Nagdadrama ka lang pala eh! Tara na!" sabay tayo ni Maine ngunit agad syang napigilan ni Frankie.Pagharap ni Maine sa binata ay nakaluhod na ito.
"Maine, gusto ko lang malaman mo na sa unang araw pa lang na makita kita, alam kong ikaw na ang gusto kong makasama sa habang buhay. Ikaw lang nakakapagpangiti sa akin ng ganito. Ni hindi ko makuhang magalit sayo kahit pasaway at makulit ka minsan. Para akong magkakasakit pag hindi kita nakikita."
Naluluha at mabilis ang tahip ng dibdib ni Maine. Nanlalabo na ang kanyang paningin sa mga luhang bumabaha sa kanyang mata. Alam nyang ito na ang araw na sa panaginip nya lang nakikita.
"Maine, hindi na ako makapaghintay na makasama ka sa habang buhay. Masisira ang ulo ko kung mawala ka pa sa akin. Maine, will you marry me?"-------
waaahh! comment po your feedback. :D may future ba tong kwento? itutuloy ko ba?:D
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...