Chapter 14: Si Meng

1.7K 74 6
                                    

"Hello? Honeymylabs? Nasan ka ngayon?"

...

"Ahh...

2 weeks ka ng di lumuluwas ah, dati everyday naman. Mukhang puro business ka na lang....

Alam ko naman, pero...

hindi naman yan ang ibig kong sabihin...

Ang sa akin lang, simula nung ma engaged tayo mas madalang mo na akong puntahan. Baka naman pwedeng dalawin mo ako, kelangan kita ngayon eh.

Ahhh...

Ok...sige...

Pasensya ka na rin...

Sige...

Hindi...

OK lang.

Ok...

Bye.

Labyu."


Kung kelan naman sya kelangan, tsaka wala! Puro negosyo! Parang ayoko naman ata ng ganun pag mag-asawa na kami. Bahala ka nga sa buhay mo! Panget!


Naghihimutok at parang kinakausap ni Maine ang sarili. Papasok na sya noon sa opisina at hindi niya maiwasan na malungkot sa mga nangyayari sa kanila ni Frankie. Lalo na ngayon na bumalik si Alden. Hindi nya masabing bumalik si Alden sa buhay nya dahil desidido si Maine na hindi na kasama ang binata sa sistema nya. Isa na lamang kakilala ang turing nya kay Alden. 


Ng makarating si Maine sa kanyang work station ay meron na namang isang stem ng red rose doon. Umikot ang mata ni Maine dahil alam na nya kung kanino ito galing. 


Si mokong na naman nagpadala nito. Bahala kang mapagod! Pero in fairness, maganda ang mga napipili nyang bulaklak. Hindi lantutay.


Hindi namalayan ni Maine na sinusuri na pala nya ang bulaklak. Ilalapit na sana nya ito sa kanyang mukha para sana amuyin ng marealize niya kung ano ang kanyang ginagawa.


Buset! Kahit makaisang dosena ka na sa paisa is among rose, hindi na tayo babalik sa dati!


Sabay itsa ng bulaklak sa malapit na basurahan.


"Oy! Wag mo naman ganyanin yung bulaklak! Walang kamalay malay eh inaano mo." Si Bash. 


"Tse!"


"Galing ulit to kay Dimples, ano?"


"Sino pa nga ba. Ang kulet eh! Susugurin ko na yan."


"Go! Nang makapag-usap na kayo."


"Eh hindi na lang pala."


"Bakit kasi galit na galit ka dun sa tao? Mukha namang mabait at sincere ah. Kausapin mo na kasi."


"Girl, hindi mo alam kung anong ginawa nya..."



-----------------------------------



Isang hapon na papasok si Maine ay masaya siyang lumabas ng bahay. Alam niyang nagaabang si Alden sa labas. Inagahan niya ang alis para mas mahaba sana niyang makakasama ang binata. Pagkalabas niya ng gate ay nagtaka sya na wala pa ang binata doon. Lingid sa kanyang kaalaman ay nasa likod lamang ng compound ang binata kasama ang kanyang ama.

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon