Hindi mapakali si Alden sa nararamdaman. Excited sya, oo, pero may halong pag-aalala din dahil matapos ang ilang taon ay makikita nyang muli si Maine. Matagal na nya itong hinahanap. Ang totoo ay handang handa na sya para makaharap si Meng kung hindi lamang sa nalaman nya kahapon.
Iniliko ni Alden sa kanan papasok ng compound ng Techno Hub ang kanyang itim na Hyundai Sta. Fe. Madilim dilim pa kaya kakaunti pa lamang ang mga nakapark na sasakyan. Pinili nyang iparada iyon sa may lilim ng puno malapit sa daan kung saan madali nyang makikita ang mga magsisilabas sa kalapit na building doon.
Pasado alas singko pa lamang noon at hindi sya sigurado kung anong oras lalabas si Maine. Halos wala pa nga siyang tulog dahil sa kahapon pa syang nagbibiyahe mula sa hometown ni Maine. Sa kapatid ng dalaga niya nalaman ang tungkol sa trabaho nito nga lamang ay di sigurado ang schedule ng dalaga. Kaya naman minabuti na lamang nya na agahan para magbakasali na andun nga si Maine.
Meng, andito na ako.
Pinangako ko sa sarili ko na babalikan kita.
Sorry kung natagalan ako.
Kailangan kong maghanda para may maipagmamalaki ako sayo pag nagkita na tayo.
Pero narealize ko na ikaw lang ang kelangan ko.
Maraming taon na ang sinayang ko.
Wala naman akong gaanong maipagmamalaki sayo pero handang handa na akong maging iyo.
Sana naman hindi pa huli ang lahat.
Please, wag ka munang magpakasal sa iba.
Bandang alas siyete na ng umaga ng lumabas ang pangalawang batch ng mga empleyado sa building na pinagtatrabahuhan ni Maine. Binantayang maigi ni Alden ang bawat dumadaan, ayaw nyang palampasin ang pagkakataon na makitang muli si Maine. Halos mawalan na sya ng pag-asa ng dumaan sa harapan mismo ng kotse nya ang dalaga.
Nag slow motion na naman ang paligid. Laging ganun ang epekto ni Maine sa kanya. Pakiramdam nya parang tumitigil ang mundo nya. Kitang kita ni Alden ang dahan-dahan na mga hakbang ng dalaga na parang dinadala ng ulap ang mga paa. Bahagyang umihip ang hangin at nahawi ang kakaunting buhok na nasa mukha ng dalaga. Tumambad ang magandang mukha nito. Lalong gumanda si Maine sa tingin ni Alden. Hindi na sya yung teenager na kilala nya noon pero nakikita nyang si Maine pa rin talaga ang nakikita nyang pinapalampas nya lamang. Biglang nangilid ang luha ni Alden.
Maine...
Sinasabi ng isip nya na bumaba na ng kotse, habulin si Maine at yakapin ito ng mahigpit. Ngunit hindi nya mawari kung ano ang nasa isip nito. Parang malungkot si Maine o kaya ay pwedeng pagod lang.
Nakalampas na si Maine pero tanging hatid ng kanyang paningin na lamang ang nagawa ni Alden. Hindi na nakayanan ng binata ang bigat na nararamdaman sa kanyang dibdib. Mahigpit syang napakapit sa manibela ng sasakyan habang nagngangalit ang kanyang mga bagang. Hinampas nya ang manibela at impit na nagpakawala ng mahinang sigaw. Nagagalit sya sa kanyang sarili.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...