Chapter 10

1.8K 78 3
                                    

11:05pm.


Puyat ka na naman, Meng. May PE ka pa bukas.


Ilang araw na ang lumipas ng sumugod sila ni Alden sa ulan. Nagkaroon sya ng sipon at bawal na bawal na sa kanya ang magpuyat.


Nasa kwarto na si Maine at nakahiga na ito sa kanyang banig na may foam. Hindi kasya ang karaniwang kama sa kwarto nya dahil nga sa attic style ito. OK lang naman sa kanya na matulog sa banig, gusto naman nya ang style ng kwarto nya.


Kanina pa syang alas-nuwebe nagsimulang humiga. Bukas ang radio sa tabi ng kanyang hinihigaan at nakikinig sa LS 97.1. Hindi sya datirati nakikinig ng radio, nababaduyan sya sa mga kanta lalo na sa love songs. Pero simula ng makilala nya si Alden ay parang naadik naman sya sa pakikinig. 


Pikit na si Maine at nagsimula na syang makatulog ng may naririnig syang sumisitsit. 


Panaginip lang. panaginip lang.


"Meng...."


Kinilabutan si Meng sa narinig na pabulong na tawag sa pangalan niya. Tahimik na ang buong compound maliban sa ingay ng pailan ilang sasakyan na dumadaan.


"Meng...."


Kahit nakapikit ay pinapakiramdaman nya kung ano o sino ang tumatawag sa kanya. Hindi sya naniniwala sa multo kaya iniisip nyang mabuti na may eksplanasyon ang naririnig nya ngayon. Dahan
dahang umikot padapa si Maine sa kanyang higaan. Unti unti nyang binuksan ang wooden jalousie window niya. Madilim na sa kwarto nya pero pumasok ang liwanag mula sa labas ng bahay dahil bilog ang buwan ngayon. Kitang kita nya kung anuman ang nangyayari sa labas.


"Hala!"


Nakita nyang nasa bubong ng garahe ng kabilang bahay si Alden na katapat ng kwarto ni Maine. Nakaharap ito sa kanya. Lumaki ang ngiti ng binata sabay kaway sa kanya ng makita nitong nagbukas na sya ng bintana. 


"Anong ginagawa mo diyan?!"


Ang sabi niya pero mahina niyang bigkas para maintindihan ni Alden ang sinasabi nya. Pero mukhang malabo dahil mga dalawa o tatlong dipa pa rin ang pagitan nila. 


Inasahan na ni Alden na mangyayari ito at dahil hindi rin naman sya magkaroon ng maraming pagkakataon na makasama si Maine, sa ganitong paraan na lang nya muna kakausapin ang dalaga.


Ikinagulat ni Maine ng may kinuha sa likod niya ang binata. Isang clipboard na may maraming bond paper at isang permanent marker. Nagsulat sandali si Alden at pinakita sa dalaga ito.



HI MENG!



Napangiti si Maine sa ginawa ni Alden. Dahil doon ay dali-daling tumayo si Maine at kumuha ng maraming bond paper mula sa printer ng computer nila sa kabilang kwarto. Hinanap nya rin ang permanent marker na ginagamit nya para sa pagsusulat ng mga report niya. Pagkatapos noon ay bumalik si Maine sa pagkakadapa sa kanyang higaan at nagsimulang magsulat.



HI! ANONG GINAGAWA MO DIYAN?

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon