Chapter 21

1.7K 108 18
                                    

Maagang dumating si Frankie sa resort kung saan ginanap ang company outing nina Maine. Alas dose pa lang ng tanghali ay andoon na ang binata kahit ala-una pa ang usapan nila. Gusto kasi niyang sorpresahin ang dalaga. Nito kasing mga nakaraang linggo ay talaga namang napakabusy niya kaya hindi niya nadadalaw ang kasintahan.


Hindi na muna nagtext Si Frankie kay Maine bilang parte ng kanyang sorpresa.



Napangiti at talaga namang excitement ang naramdaman ni Frankie nang sa wakas ay nakita na nyang palapit sa parking area si Maine.



Namiss ko ang honeymylabs ko ah!



Naisip niya na wag munang bumaba ng F150 nya hangga't hindi pa nakakalapit si Maine. Pero biglang napalis ang mga ngiti ni Frankie nang may lumapit na lalake kay Maine. Maskulado, gwapo, may dimple at mukhang may gusto kay Maine. Yan agad ang pumasok sa isip ni Frankie. Hindi niya alam ang tungkol kay Alden, hindi sinabi ni Maine iyon sa binata sa paniniwalang hindi naman na kailangan.


Nakita ni Frankie na kinuha ng lalake ang mga gamit ni Maine atsaka sumabay sa paglalakad. Mukhang maganda ang pinaguusapan dahil nakangiti silang pareho. Tumigil sila sa isang kubo at doon nagpatuloy ng usapan.


Hindi nakapagpigil si Frankie. Bumaba ito ng sasakyan at mabilis na tinahak ang lugar na kinaroroonan nina Maine at Alden. Parang hangin na bumilis ang hakbang ni Frankie nang malapit na ito sa dalawa. Kay Alden sya dumiretso at binigwasan niya ng isang malakas na suntok ang binata.



"LOKO KA AH! WAG KANG MAKALAPIT-LAPIT SA GIRLFRIEND KO!"



Natumba sa damuhan si Alden sa lakas ng suntok ni Frankie sa kanya. Mabilis din naman siyang nakabangon sabay sapo sa panga na tinamaan ng kamao ni Frankie.


"FRANKIE!"



Sunod sunod na naglapitan ang ilang kalalakihan kasama sina Nats at ang staff ni Alden. Nagtangkang umawat si Nats kay Frankie habang pinalibutan naman ng staff ni Alden ang kanilang boss.



"Nats! Sino ba yan? Bakit nilalapitan si Maine?!? Kung makatingin parang may pagnanasa kay Maine!"



Sa sinabing iyon ni Frankie ay lalong nag-init ang ulo ni Maine.


"Frankie! Ano ba yang mga pinagsasasabi mo?!?"


"Alden, pasensya ka na. Sige na lumakad na kayo. Sa opisina na lang tayo mag-usap."


Bumaling si Maine kay Alden at mabilis niyang sinabi iyon sa binata.


"Mag-ingat ka, Maine."


Buong pag-aalalang sabi ni Alden sa dalaga. Binalingan niya ng masamang tingin si Frankie bago tumalikod at lumakad papunta sa bus na sasakyan.



"Titingin ka pa! Titingin ka pa!"



Akmang susugod na naman si Frankie pero napigilan na ito ni Nats.



"Pare naman, hindi ka dapat nageeskandalo dito! Maine, iuwi mo na to sa kanila. Mag-ingat kayo sa daan ha."



Padabog na tinungo ni Maine ang sasakyan ni Frankie. Hindi na niya inintay na pagbuksan pa sya ng dambuhalang pulang sasakyan nito. Itinapon na lamang ni Maine ang mga gamit sa likod na upuan saka naupo sa passenger seat. Padabog pa rin na isinara ng dalaga ang pinto ng sasakyan. Nakasunod lamang si Frankie na halatang lukob pa rin ng sariling galit.



Pagkasakay ni Frankie ay ini-start agad nito ang sasakyan. Nagmamadaling pinaharurot ang kanyang pick up truck palayo sa resort na parang allergic na sya sa lugar.



"Hindi ko nagustuhan yung ginawa mo, Frankie."


Malumanay na panimula ni Maine para buksan ang usapan tungkol sa nangyari kanina.


"Hindi ko nagustuhan ang ginawa ng lalakeng yon!"



"Teka, ano ba ang ginawa ni Alden na ikinainit ng ulo mo?"


"Nilapitan ka nya! Kung makatingin parang aagawin ka nya saken! Tinulungan ka pang magbuhat ng gamit!"



"Whaaaatt?!? Seriously?!? Yan ang dahilan mo??? Napaka-immature naman nyan, Frankie!"



"Immature na kung immature! Pero ayoko na may ibang lalakeng lumalapit sayo!"



"Teka nga! Anong oras ka dumating?! Kung nakita mo kami, ibig sabihin kanina ka pa sa sasakyan mo. Nakita mo din siguro nung magisa pa lang ako at madami akong dala. Hindi ka man lang bumaba ng sasakyan para tulungan ako. Nung may tumulong saken magagalit ka!"



"Kilala kita Maine! Independent kang tao. Ayaw mo pa nga minsan na dinadala ko ang bag mo pag namamasyal tayo eh!"



"Iba yon! Haller! Ang dami kong bitbit! Kahit man lang nagpakitang tao ka na dadalhin mo gamit ko! Magpakagentleman ka man lang sana!"



"Basta!"



"Saka, jusko naman Frankie. Hindi mo naman kailangang mag beast mode doon, nakakahiya! Ang daming taong nakatingin kanina. Sana kinausap mo na lang ako ng maayos about doon. Nakita lang ako nung tao na maraming dala kaya tinulungan ako."



"So ako pa ngayon ang mali? Mas iniisip mo pa yung sasabihin ng iba kesa sa nararamdaman ko?!"


"Jusko! Hindi mo ba naisip na ako din ang affected? Masaya bang isipin na yung boyfriend ko eh warfreak?! Hindi mo naisip na ngayon lang tayo nagkita ulit?! Ngayon lang tayo magkakakwentuhan ng mga nagyari saten habang magkalayo?! Tapos ganito pa!"



"Maine, sa lahat ng ayoko ay yung may lumalapit na ibang lalake sayo. Hindi ka pwedeng mawala saken. Sa akin ka lang! Naiintindihan mo? Pag nabalitaan kong lumalapit ulit yan. Alam mo na ang mangyayari."



Hindi sukat akalain ni Maine na maririnig niya ang mga ito sa kanyang nobyo. Kilala niya si Frankie bilang mahinahong tao kahit medyo mayabang. Ngayon lamang niya nasaksihan ang madilim na parte ng pagkatao nito. Hindi ito gusto ni Maine, ang totoo natakot sya sa ibang Frankie na ipinakita ng binata. Makikita mo sa mga mata nito ang galit at obsesyon na hindi maipaliwanag ni Maine.


Ng mga oras na iyon ay naisip niya ang kanyang hinaharap bilang asawa ni Frankie. Hindi ata nya kakayanin na may ganung pag-uugali si Frankie na ngayon nya lamang nakita.


Napatingin si Maine sa singsing na tanda ng kanilang sumpaan na pagpapakasal sa isa't isa. Noon lamang siya nakaramdam na hindi bagay sa kanya ang singsing at parang may tumutulak na hubarin na iyon.

___________________________


Pigil na pigil lang ako sayo kanina. Kung wala doon si Maine, makakahanap ka ng katapat mo. At dahil sa ginawa mo, mas pursigido akong bawiin si Maine. Hindi ang kagaya mo ang sasamantala sa pag-ibig niya. Pinakawalan ko siya noon, oo. Pero hindi sya sayo dahil nararamdaman ko na nasa akin pa rin ang puso niya, hindi niya iyon ibinigay sayo. Maghintay ka lang, darating din ang tamang panahon.







__________________________________________________________________


Bugbugan na! Ano sa tingin nyo next na mangyayari?:)

Don't FORGET TO VOTE the CHAPTER po.:) 

CLICK SHARE NA RIN SA FB, NASA LEFT SIDE PO ng STORY.:) 



Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon