Author's Note: Play the song while reading. :) Pero wag nyo po ako sisisihin pag sumobra yung feels ah. :)
____________________________________
"Tahan na... tahan na, anak."
Walang tigil ang pag-iyak ni Maine pagkatapos niyang mabasa ang sulat ni Alden na pinaabot niya kay Paolo noong araw na umalis siya ng boarding house. Nasa kotse na sila noon ng Daddy niya pero nasa parking area pa rin sila.
"Gusto ko ring humingi ng pasensya sa iyo dahil hindi ko sinabi agad sayo ang tungkol sa araw na iyon. Kinausap ko si Alden noon dahil nalaman ko ang tungkol sa inyo mula sa Lola mo. Pinagsabihan ko sya na bata pa kayo at marami pa kayong pwedeng gawin lalo ka na. Sinabi ko na dadating ang tamang panahon para sa inyo kung kayo talaga ang para sa isa't isa. Pinaalis ko sya ng boarding house, sinabi ko na maghanap na siya ng ibang matutuluyan dahil hindi makakatulong sa inyo na lagi kayong magkikita. Pinilit ko din siya na wag kang guluhin."
"Daddy, wag po kayong magsorry. Ginawa nyo lang naman po yun dahil mahal nyo ako. Kung ako man po ang magulang baka ganun din ang gawin ko."
Wala pa ring tigil si Maine sa kakaiyak sa kanyang natuklasan sa sulat ay hindi sya makapaniwala na nagduda siya sa pag-ibig ni Alden. Akala niya ay wala na ito. Kung nag-intay lamang siya ng kaunti pang panahon ay baka nagkita na sila noon ni Alden.
Maya-maya ay biglang napatigil si Maine sa pagiyak pero naroon pa rin ang mga hikbi dahil sa tagal na niyang umiiyak. Biglang naalala ni Maine ang kahon na binigay ni Alden bago siya umuwi dito sa kanila.
"Dad, uwi na po tayo. May naalala po ako."
"O sige. O tahan na ha..."
Sa sinabi ng ama ay muling napaiyak si Maine. Hindi siya makapaniwala na naghintay ng napakatagal si Alden para lamang sa kanya. Bakit ba hindi niya narealize ang mga bagay na ito noon?
Pagdating sa bahay ay nagmamadaling bumaba ng kotse at tumakbo papasok ng bahay si Maine. Dumiretso sya sa kwarto niya na kwarto na ngayon ni Sari. Ganoon pa rin naman ang ayos nito kaya pamilyar na pamilyar pa rin ito sa knya. Ni-lock ni Maine ang pinto, binuksan ang aircon saka kinuha ang kanyang backpack. Natataranta na naman siya habang binubuksan iyon. Nasa bukana lamang ang box na binigay ni Alden kaya naman nailabas nya din agad yun mula sa backpack. Ang totoo wala naman talagang ideya ang dalaga kung ano ang laman nito.
Mabilis na natanggal ni Maine ang pagkakatali ng ribbon sa box. Ang card ay inilagay muna niya sa isang tabi. Huminga muna ng malalim at pinunasan ng isang kamay ang mga mata na bakas ng luha noon bago dahan dahang binuksan ng dalaga ang box. Tumambad ang napakaraming iba't ibang klase ng papel.Iba iba rin ang kulay at laki ng mga iyon. Ang iba ay ordinaryong papel lamang o pilas ng notebook. Mga sulat. Napakaraming sulat.
Dahil sa nakita ay lalong bumalong ang luha sa mga mata ni Maine. Nagsimula niyang basahin ang isa sa mga sulat na nasa unahan ng pagkakaayos ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...