Chapter 9: Si Meng (continuation)

2K 79 10
                                    

"Hahaha! Ako naman! Ako naman! Alam mo ba Beng, nung sang araw nakita ko tong si Maine, bumaba ng tricycle. Nagmamadali ang lola mo! Eh nasa tricycle pa lang ako nun. Hinahabol ko na nga sya eh kasi nakapasok na sya ng gate, nasa likod nya ako mga mula doon hanggang dito ang layo ko sa kanya. Tapos nakita ko yung mga guard sa gate at yung mga estudyante nakatingin kay Maine tapos tumatawa sila. Susko! Naloka ako! Pagtingin ko kay Maine Iisa lang ang medyas! Hahaha! Natawa talaga ako! Grabe! Binilisan ko talaga yung takbo papunta sa kanya para sabihin yun! Hahaha!"


"Hahahahahaha!"


"Sabi ko 'Maine! Isa lang yung medyas mo!' Tapos ang ginawa ba naman tumigil lang saglit tapos nagpunta sa gilid tapos sabay sabi nya 'Kaya pala sikip yung isa kong sapatos! Nasa loob pa yung isang medyas!'"


"Hahahahaha!"


Walang humpay na tawanan talaga pag kasama ni Maine ang dalawang kaibigan na si Jay at Beng. Palabas na sila noon ng campus papunta ng isang bookstore para bumili ng materials para sa project nila. Halos mabulunan si Maine dahil habang nakikipagtawanan ay kumakain ito ng banana cue. Sa tatlo ay sya pa ang pinakamalakas tumawa.


Nakipagsabayan sila sa napakaraming estudyanteng pauwi na rin ng mga oras na iyon. Ang kanilang hayskul kasi ang pinakamalaki sa kanilang lalawigan. Isa itong National High School at kabilang sila sa Science Class. Wala silang pakialam kung halos mabangga na sila sa karamihan ng mga high school students ng mga oras na yon. 


Tuluyan na silang nakalabas ng gate at hindi pa sila nakakalayo ay naramdaman ni Maine na may bahagyang tumapik sa balikat niya. Hindi na lang nya pinansin dahil alam nyang maraming estudyante at baka pinagtitripan lang sya. Tinapik ulit sya nito sa pangalawang pagkakataon pero si Jay ang lumingon at ng mapagsino ang nasa likod ay dali daling siniko si Meng habang nakatingin ito kay Alden. 


"Meng! Meng! May gwapo sa likod mo! Ano ba! Lumingon ka nga!"


Sus! Gwapo daw. Kung makapang-trip talaga tong si Jay.


Yun ang sumagi sa isip nya pero nilingon na rin nya ang gawi ng tinutukoy ni Jay. Nang makilala kung sino ang nasa likod ay naramdaman ni Maine na umakyat lahat ng dugo nya sa mukha nya. Palihim niyang kinurot ang sarili kung totoo nga ba ito. Pakiramdam nya ay pulang pula ang mukha nya sa mga oras na iyon. Hindi maikakaila na gulat na gulat sya sa kung sinong nasa likod nya.


Ngumiti din agad si Maine para lang maitago ang pagkabigla sa kanyang mukha. Kung kanina ay masaya sya kakatawa sa kanyang dalawang kaibigan, ibang saya ang nararamdaman nya ngayon nang makita ang tanging lalake na may ganung epekto sa kanya.


"Kuya Alden! Ba't andito ka? Wala kang klase?"


"Ah napadaan lang ako! May pinuntahan kasi ako eh nakita kita kaya sinundan ko kayo. Pauwi ka na ba?"


Aaaahhh...kala ko pa naman sinadya mo akong puntahan dito. Pero ok na rin! Buti na lang ang ganda ko! Nakita mo agad ang beauty ko! 


"Ah oo! Ay hindi pa pala! May bibilhin lang kami para sa project namen diyan sa malapit na bookstore. Ikaw pauwi na?"


PLEASE! ISABAY MO NA AKO! SAGLIT LANG KAMI SA BOOKSTORE!!! 


"Sabay na tayo! Pauwi na rin naman ako eh." 


"Ah sige."


YESSSSS!!!! YAHOOOO! THANK YOU LORD!!!

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon