"Hello, Alden? Alden?Nasan ka?"
"Nats, bakit? Nasa bahay."
"San yan? I went to your office kasi and your staff told me you didn't report for work."
"Yes, I didn't. I was trying to monitor where Maine is. I was able to talk to Maine's parents but they couldn't reach Maine and Frankie. Andito ako sa Sta. Rosa, my family lives here."
"How convenient! Received a call from Sta. Rosa Doctors' Community Hospital, Maine and Frankie are there right now. Naaksidente sila. The doctor said they are in critical condition. Oh God please! Don't let anything happen to them!"
"WHAT?!?"
"They called me kasi Maine put my name as her contact person in case of emergency, she said I'd know what to do. She got that wrong but please go to her now! Ako na ang bahalang magsabi sa parents nya at sa landlady nya. Hurry! Susunod na lang ako."
Parang gulay na napasalampak si Alden sa sahig sa tabi ng kanyang kama. Nabitawan na rin niya ang kanyang cellphone ng hindi na niya marinig si Nats sa kabilang linya. Mga ilang minuto syang natulala at hindi alam ang gagawin, tanging ang itsura ni Maine na nakangiti ang nakikita niya saan mang dako siya lumingon.
Di kalaunan ay tumayo na rin at mabilis pa sa alas-kuwatro na nagbihis si Alden. Nagdala na rin siya ng backpack, naglagay ng ilang pirasong damit at personal na gamit at toiletries. Binuksan rin niya ang kanyang safe box at kinuha ang kanyang passbook doon. Nang makatapos ay lumabas na siya ng kuwarto. Tumingin pa siya sa malaking orasan na nakasabit sa may dingding sa sala.
3:30 na ng umaga.
Nang palabas na siya ay siya namang labas mula sa kuwarto niya ang kanyang Daddy.
"Anak, san ka pupunta? Maaga pa ah. Kakarating mo lang, aalis ka na ulit?"
"Dad, naaksidente si Maine! Nasa Sta. Rosa Doctors' siya ngayon!"
"Ha?! Ay teka! Magbibihis lang ako! Sasama ako!"
"Bilisan mo Dad! Baka hindi ko abutan si Maine..."
At dahil doon ay napaiyak na ng tuluyan si Alden.
--------------------------------------
Limang oras na ang nakakalipas at walang minuto na hindi nananalangin si Alden para sa pinakamamahal.
Diyos ko! Iligtas nyo po si Maine! Nagmamakaawa po ako sa inyo. Kung ibinalik nyo man po sya sa akin noon, bakit nyo naman po hinayaang mangyari ito? Wag nyo muna pong kunin si Maine. Kahit po hindi na sya mapunta sa akin, basta po iligtas mo lang sya!
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...