Chapter 33

1.8K 85 10
                                    



"T-t-tubig..."

Halos walang lumabas na boses sa katagang iyon ni Maine. Mga bandang alas singko ng madaling araw noon ng magising si Maine, isang araw matapos mangyari ang aksidente nila ni Frankie.

"Oo, Mahal...ah wait lang. tubig? Ahmm teka lang...tawagin ko muna yung nurse."

Tarantang taranta si Alden sa paggising ni Maine. Masaya sya na nagising na ang pinakamamahal, ang ibig sabihin nito ay ligtas na talaga sa kapahamakan ang dalaga.

May pinindot si Alden sa may ulunan ni Maine, mag-aalarma iyon sa nurse station na ibig sabihin ay kelangan nila ng atensyon. Mamya maya lamang ay nakangiting pumasok ang isang babaeing nurse.

"Good morning po. Uy, gising na si ma'am! Masaya na nyan si sir."

"Naku sinabi mo pa, ate! Ah gusto daw nya uminom ng tubig, ok lang naman ano?"

"Opo naman, pwedeng pwede. Hindi naman sya inoperahan so pwede na po sya kumain at uminom. Para hindi naman po sya mabigla, mag soft diet muna po sya o mga lugaw or soup muna ngayong araw. Ay dadalhan ko nga pala po sya ng pang-alalay sa paglalakad para pag kelangan ni ma'am magbanyo."

Kinuhanan na rin ng nurse ng vitals si Maine habang naroon.

"Ok naman si ma'am. May CT Scan result na rin sya, si Doc na mamaya ang mageexplain pag nagrounds na sya around nine ng umaga."

"Salamat Ate ha."

"Walang anuman po, tawagin nyo lang po ako kung may kelangan pa po kayo."

"Oh Meng, eto ang tubig oh. Nilagyan ko na rin ng straw para hindi ka mahirapan."

Tinulungan ni Alden si Maine na makabangon ng bahagya para makainom. Inalalayan nito ang likod ng dalaga habang nakahilig si Maine sa kanya. Uminom ng dahan dahan ang dalaga. Mahahalata mo pa rin na nahihirapan siya sa kanyang pagkilos. Pagkatapos uminom ay inihiga na ulit ni Alden si Maine na napapapikit nang muli.

"Matulog ka na muna ulit, Mahal ko. Nilalamig ka ba? Gusto mo itaas ko yung kumot? O hinaan ko yung aircon? O yakapin na lang kita, gusto mo?"

Nakuha pa ni Alden na magbiro na nagpangiti naman kay Maine.

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon