Ang nagdaang gabi ay naging napakahirap para kay Maine. Wala syang ginawa kundi ang umiyak dahil sa bigat ng ginawa nya kay Frankie sa pagputol niya ng kanilang engagement at ang pakikipaghiwalay niya. Alam niyang hindi pa yun tatanim sa isip ng binata kaya inaasahan na rin ni Maine na darating si Frankie isang araw at maghahanap ng paliwanag sa kanya. Alam ni Maine na lubhang napakasakit ng ginawa nya at alam niyang maaaring hindi ito matatanggap ni Frankie kaagad. Bahagya pa nga siyang nagpasalamat dahil hindi gumawa ng eksena ang dating kasintahan ng sabihin na niya ang pakikipaghiwalay dito. Gayunpaman, ipinapanalangin niya na walang gawing masama ang binata sa sarili nito at sana ay maging maayos ang sunod nilang pagkikita at pag-uusap.
Kahit na alam niyang naging napakasakit ito para kay Frankie, alam ni Maine na iyon ang tamang gawin para sa kanya. Hindi buo ang pagmamahal na naibigay niya kay Frankie, ngayon nya lamang inamin sa sarili nya ito. Ang buong akala nito ay sapat na ang naibigay niyang pagmamahal kay Frankie. Akala niya ay sapat na mas mahal siya ni Frankie. Ngunit hindi pala talaga ganun ang tunay na pagmamahal.
Patawarin mo ako, Frankie. Hindi ko sinasadyang umabot tayo sa ganito.
Kinabukasan ay kailangan na ulit na pumasok ni Maine khit masama ng bahagya ang kanyang pakiramdam. Parang ayaw niyang bumangon. Napapagod siyang harapin ang bagong araw na may dalang mabibigat na problema na kailangan niyang bigyan ng solusyon. Dahil sa gabi pa naman ang kanyang trabaho, minabuti ni Maine na bumangon ng tanghali na. Bandang ala-una ng lumabas siya ng kwarto para maligo. Pinagpasyahan niya na aaliwin muna niya ang sarili para mabawasan kahit kaunti ang kanyang pinapasan sa buhay ngayon.
Nagpunta sa isang Spa si Maine. Nagpamasahe, nagpafoot spa, nagpa mani-pedi, nagpafacial ang dalaga. Ito na yata ang pinakamalaking gastos niya sa Spa sa tanang buhay niya. Narelax man ang kanyang katawan ay stressed na stressed pa rin ang kanyang utak.
Kailangan kong maayos na ito with Frankie.
Sa trabaho ay kapansin pansin ang matamlay na si Maine. Pansin na pansin ito ng boss niya at bestfriend na si Nats.
"Maine, take a break. Coaching muna tayo."
Blangko ang tingin ni Maine kay Nats pero sumunod pa rin ito.
Malamya na nagpunta si Maine sa work station ni Nats kung saan may nakahanda nang upuan para sa kanya.
"Sit down."
Sumunod naman agad ang dalaga.
"What's happening to you, Maine? You are not your usual self today. Is everything ok?"
Pinigilan ni Maine ang mapaiyak, pero dumungaw pa rin ang luha sa kanyang mga mata.
"I did it. I broke off the engagement. Nakipaghiwalay na ako kay Frankie."
Hindi man nagulat, buong pag-aalala naman ang ipinakita ni Nats sa kaibigang si Maine. Luka-luka si Maine pero kasiyahan pa rin ang lagi niyang hangad para rito. Ang totoo, masaya si Nats sa naging desisyon ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...