Nang gabing iyon ay nagkaroon ng maikling program para sa mga empleyado. May mga games at naglalakihan ang prizes katulad ng gadgets, GCs, at mga out of town trips. Naging masaya para sa lahat ang gabi, pati na rin si Maine. Naisip niya...
Choice ko naman kung magmumukmok ako o maging happy ako. Kaya today, I choose to be happy na lang. Ieenjoy ko 'tong time na to with my friends na lang.
Karamihan pa rin sa mga empleyado ay mga naka swimming attire, naka short shorts, naka cover-up. Nakiisa na rin si Maine dahil balak niyang magtampisaw sa dagat mamya pag wala ng masyadong tao.
Nakaputing bandeau bikini top at asul na bikini si Maine na sinuotan niya ng maikling maong shorts. Sa pantaas ay naglagay naman siya ng manipis na cropped top na aninag pa rin ang suot na bikini top. Cute tingnan si Maine sa suot nya, akma naman dahil nasa beach naman siya. Pero may isang pares ng mga mata na hindi natutuwa sa mga lalakeng pasimpleng sinusuri si Maine.
Halos magsalubong ang kilay ni Alden sa nakikita niya. Maayos naman ang suot ni Maine dahil akma naman sa lugar.
Mahal ko naman. Hindi mo ba nakikita mga lalake sa paligid mo?!? Panay ang tingin sayo oh! From head to toe!!! Pag ako di nakapagpigil!
"Boss, ok ka lang? Para kang may kaaway ah. Sino ba diyan? Upakan na naten?"
"Hindi wala, may naalala lang ako."
Feeling ni Alden ay kailangan ni Maine magjacket, mailayo lamang ang atensyon ng mga nakakapansin sa dalaga.
Matapos ang hapunan ay free time na ulit para sa lahat. Hindi na talaga mapakali si Alden kaya tinungo niya ang villa nila para kuhanin ang sariling jacket. Ipapasuot na lang muna niya kay Maine yun, malamig na rin naman. Siya naman ay nagsuot ng shirt na may mahabang manggas panlaban sa lamig ng simoy ng hangin.
Mag-aalas nuwebe na noon. Maaga pa kaya naman marami pa ring tao sa labas ng kanilang mga villa. Nang bumalik si Alden sa lugar kung saan huli niyang nakita si Maine ay wala na ang dalaga doon. Nag palingon lingon si Alden sa paghahanap kay Maine pero wala pa rin. Pumunta s Alden sa pool area, sa billiard hall at sa bar pero wala doon si Maine. Huli niyang pinuntahan ang beach pero may mga lugar na madilim kaya hindi rin niya nakita ang dalaga. Nawalan na ng pag-asa si Alden.
Baka pumasok na sa villa nila. Sayang naman, andun na eh!
Nagdesisyon na lamang si Alden na maglakad sa dalampasigan. Masarap ang simoy ng hangin walang ganun sa Manila kaya sasamantalahin na rin niya.
Mas masarap sana kung kasama kita, Meng. Sayang naman ang pagkakataon na 'to.
Sa banda roon ay may natanaw si Alden, mejo malayo na iyon sa resort at walang ilaw kaya wala sigurong makakapansin kung walang magagawi doon. Isang babae na nakahiga sa buhanginan. Tinitigan ni Alden na mabuti ang babae.
Parang si Maine yun ah. Si Maine nga!
Tinakbo ni Alden ang kinaroroonan ni Maine sa pag-aakalang nasaktan o kung napano ang dalaga.
"Maine!"
"Ay!! Ano ba! Bakit ka naman nanggugulat?!"
Biglang napabangon si Maine sa pagkagitla sa ginawa ng binata.
"Pinakaba mo ko. Kala ko kung napaano ka na eh! Anong ginagawa mo dito?"
"Wala."
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...