Chapter 18

1.7K 96 9
                                    

Sa haba ng byahe ay nakatulog na din si Alden na yakap-yakap si Maine. Komportableng komportable ang dalawa na parang swak na swak ang mga yakap nila sa isa't isa. Ni hindi nagising si Maine sa byahe sa himbing ng tulog nya. Kahit si Alden ay tinamaan na din at nakatulog ng nakahilig na rin sa ulo ni Maine. 


Nang dumaan ang bus sa medyo mabatong daan ay nagising na si Maine. Pakiramdam nya ay nasarapan sya sa pagtulog na nalimutan na nya kung sino ang katabi nya. Gulat na gulat pa sya ng malaman kung anong pwesto nya pagkagising.


HUWAAT?! Anyare? Bakit yakap ko tong mokong na to? Ako ba una yumakap? Ganun ako kaantok? Pati subconscious mind ko gumaganern?


Sinilip muna nya si Alden kung tulog pa saka dahan-dahang kumawala si Maine sa pagkakayakap ng binata sa kanya. Pero di nagtagal at kumilos din si Alden at yumakap na muli sa kanya. Isiniksik pa ng binata ang kanyang mukha sa may leeg ni Maine.


SI Maine ay hindi mawari kung kikiligin o maiinis o matatawa. Hindi na maipinta ang kanyang mukha sa mga emosyong nararamdaman niya. 


Ang hindi niya alam ay kanina pa nagising si Alden, kasabay niya ng tinangka niyang kumawala sa pagkakayakap sa binata. Nakangisi ng patago si Alden ng hindi makagalaw si Maine sa pagkakayakap niya. Ang hindi niya inasahan ay nang tapik-tapikin siya ni Maine sa braso na para siyang batang pinapatulog. 


Biglang nagbrake ang bus at natigil ang mga pagmumuni muni ng dalawa. Nagkauntugan pa sila.


"Aray!" 

Sabay pa sila sa pagsapo, si Maine sa baba at si Alden sa noo. 


"Sorry."  


Sabay nilang sabi at nagkasabay din sila sa paghawak kung saan nasaktan ang isa't isa. Si Maine hinawi ang buhok ni Alden saka hinaplos ang noo nito. Si Alden naman ay sa baba ni Maine pero hindi nito napigilan ang kanyang mga kamay at umabot ang kanyang mga daliri sa mga labi ni Maine. 


Tumigil ang mundo ni Maine sa ginawa ni Alden. Mabilis niyang binawi ang tingin sa binata at kunwari ay inaayos ang kanyang mga gamit. Tumigil na kasi ang bus at nagsimula ng bumaba ang ilang sakay nito.


"We're here na! Boys! Wait for me!"


"Hoy Boj! Behave! Baka matakot sa'yo ang mga nuno sa punso dito!"


"Ahhmm..baba na tayo." Si Maine.


"Ako na ang magdadala niyan." Si Alden.


"Ah hindi na. Ako na, kaya ko na to."


"Ok lang Maine. Gasino lang naman to, hindi naman mabigat. Ako na." 


Hindi na nakapagprotesta si Maine dahil nakuha na ni Alden ang mga gamit niya at nauna na itong maglkad pababa ng bus. Nakakahiya naman kung gumawa pa siya ng eskandalo. Hindi namamalayan ni Maine na lumalambot na ang puso niya sa pakikitungo niya kay Alden. 


Bahala na. Magenjoy ka na lang sa outing na to, Menggay.


Sumunod si Maine sa mga ka-team para puntahan ang villa nila na magiging tirahan nila ng isang buong araw at magdamag. Habang naglalakad ay naramdaman ni Maine ang preskong hangin na tumatama sa kanyang mukha. Parang commercial na lumilipad pa ang kanyang nakalugay na buhok. Sininghot ni Maine ang sariwang hangin habang napapikit pa ito.


Napatingin si Alden sa dalaga dahil alam ng binata kung gaano kamahal ni Maine ang ganitong lugar. Hindi sya nagkamali dahil nahuli niya itong huminga ng malalim habang nakangiti at nakapikit. Napangiti na rin si Alden.

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon