Chapter 5

2.3K 99 14
                                    

"What's the fuss about?"


Takang tanong ni Boss Nats nang abutan nyang maingay ang team nya. 


Itinaas ni Maine ang kaliwang kamay at pinakita ang singsing habang hindi malaman kung nakangiti o nakawacky ang mukha nito.


"Oh the ring! Wait. You're engaged na?" 


"Yes!"


"Kanino?"


"Hello! Syempre kay Frankie! Kanino pa ba?"


"I dunno. Ewan ko sayo, malay ko ba. Baka may iba."


"Toh talaga." 


"Hey! EOP!" Ani Nats.


"Yes, Boss!"


"Get back to work! Ang aga-aga eh."


"EOP!" Sabay-sabay ang Team Nats sa paalala. 


Nakangiti lang si Maine na naupo sa swivel chair at nagsimula ng humarap sa kanyang desktop computer. Ganun lang talaga sila magusap ni Nats. Boss nya ito pero ito din ang tinuturing nyang bestfriend sa trabaho. Pang pormal lang o kaya ay pag nag-aasaran lang nila na tinatawag na boss ito, madalas ay Nats lang naman talaga. 


Kasabay ni Maine sina Bash, Bojie at Nats sa batch nung trainees pa lang sila. Kaya siguro sila na din ang magkakasundo hanggang ngayon sa kanilang ikatlong taon sa trabaho. Sa tatlo ay kay Nats mas naging malapit si Maine. Siguro dahil yun sa wala syang Kuya at maraming sense kausap si Nats. Nasasakyan naman nya ang humor nito. Pareho silang mahilig sa books pero mas hardcore na bookworm ang boss nya. Kahit pa man sabihin na trabaho lang ang lahat, palagay nya ay panghabang buhay na kaibigan si Nats. 


"Hi! This is Maine. I'm calling from AHBC about your Visa Account. Can you pay this today?"


__________________________________



"Team! Lunch break!"

Sabi ni Boss Nats. 


Nagstretching ata halos lahat sa team ng marinig iyon. 


Maya maya ay isa isa ng nagtayuan ang mga ka-trabaho ni Maine. Ang iba ay nagmamadali para magyosi ang iba naman ay parang naglalakad sa buwan sa bagal. Iisa lang din naman ang pupuntahan ng lahat, sa pantry. Ganun kaclose ang team nila, kahit lunch break ay magkakasama pa rin sila. 


"Anong baon mo?" Tanong ni Nats kay Maine. 


Wala eh. Bibili lang ako ng shawarma rice. Tinamad kasi akong magluto, ang haba kasi ng naitulog ko bago pumasok kanina." 


"Sige na dali bumili ka na! Magkekwento ka pa!"


Saglit lang at nasa mesa na ulit si Maine para simula ang pagkain.


"Oh ano na? Ba't suddenly you're engaged?" Banat ni Nats pagkaupong pagkaupo ni Maine.


"Ano namang nakakapagtaka dun? Ayaw mo ba nun? May makakapgtyaga pala sa ugali ko habang buhay?"


"Defensive ka. Sige nga. Anong feeling?" 


"Honestly, di ko alam. Si Liv ba, nung nagpropose ka anong feelings nya?" Isang taon pa lang kasal si Nats at Liv, honeymoon stage kumbaga. 


"Hhmm. Sabi nya, 'What took you so long?'" Nagboses babae pa sya na parang ginagaya si Liv.


"Hahaha! Loko ka. O tapos?"


"She said she couldn't contain the happiness that she felt. Para daw syang sasabog. Tapos naramdaman daw nya lalo na mahal na mahal nya ako."


Maine was looking at Nats with awe sa sinabi nito. Na-amazed sya sa bugso ng damdaming ipinakita ni Liv nung nagpropose si Nats. Bigla syang nakaramdam ng kaunting pagkainggit, napakurap sya. 


"Oh bakit? Hindi ba ganun ang naramdaman mo?" 


Ganun ba ako katransparent kay Nats?


"Ay hindi naman! Syempre naman masaya ako nung nagpropose si Frankie noh! Naiyak pa nga ako eh. Ang corny pati nung style nya pero kinilig pa rin ako." Pagdedepensa pa rin niya.


Nakatingin lang si Nats sa kanya na parang nagsasabing I know you better than that. 


"Yung totoo Maine? Sigurado ka ba when you said Yes?"


"O-Oo naman."


"Kilala kita. When you're excited daig mo pa ang bata kung maggiggle. I don't even have to ask kasi you'd definitely bombard me with stories of your adventures. Ang kulit mo kaya pag masaya ka! Eh mukhang half lang naman ang saya mo ngayon eh."


"Ganun ako kaobvious?!?"


"Sabi ko na nga ba eh. May reservation ka pa dun sa High school ek ek mo, noh?"


Humibi si Maine. "Hindi naman na sya bumalik eh."


"What if bumalik sya ngayon?" 


Napaisip si Maine, "Para saan pa saka bakit?"


Tinapik na lang muna ni Nats ang balikat ni Maine saka nagpatuloy sa pagkain.


____________________________________



Alas-siyete ng umaga. Pauwi na ang Team Nats.


"Sigurado ka bang ayaw mong sumabay hanggang Philcoa?" Tanong ni Nats kay Maine.


"Wag na, maglalakad na lang muna ako. Hindi naman mainit ngayon eh."


Hindi na nagpilit si Nats, alam nyang may pinagdadaanan si Maine ngayon.


"Magingat ka na lang ha, madali ka pa namang mabitbit sa payat mong yan." 


"Sige. See you tonight guys!"

Kumaway na sya at nagsimulang maglakad papunta sa parte ng Techno HUB kung saan maraming kainan. Lingid sa kanyang kaalaman ay may isang pares ng mata na hilom ng luha ang matamang nkatingin at nagbabantay sa kanya mula sa di kalayuan.



_________________________

Magkikita na ba sila? Sa tamang panahon. wehehehe..:) comments naman po jan! :D 

Dedicating this to Boss S. :) 

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon