Umupo si Maine sa kanyang swivel chair at humarap na sa kanyang desktop computer. Ang itinapon niyang bulaklak ay nasa di kalayuan sa kanyang mesa dahil kinuha ito ni Bash mula sa basurahan. Sayang daw ang grasya, wag daw itapon.
Maaga siyang pumasok kaya naman may oras pa siyang natitira bago siya magsimulang magtrabaho. Nag check muna siya ng email na nakakonekta sa trabaho nya. At dahil yun ay company wide system, connected din siya sa lahat ng empleyado ng kumpanya.
Maya maya lamang ay nagblink ang MAIL ICON na nagdidiktang may dumating siyang bagong instant message.
ALDEN: HI!ALDEN: Nareceive mo ba yung rose?
ALDEN: and the other roses I sent you the past few days?
MAINE: OO.
MAINE: last mo na yung kanina. Don't bother sending another one. I'm fine without them.
ALDEN: Rose lang naman yun. Let it be my way of saying Hi lang. sige na.:)
MAINE: Mag Hi ka na lang, wag na flowers.
ALDEN: Really? Will you say Hi back?
MAINE: Hindi.
ALDEN: Yun na nga eh. Kaya I send you flowers na lang.:)
MAINE: Kelan ka titigil?
ALDEN: Never. Until you have forgiven me.
MAINE: For what?
ALDEN: For leaving you without a word. For not coming back to explain what happened.
ALDEN: Meng, please. I just want to explain myself. Nothing more, nothing less. Please meet with me. I have so much explaining to do. PLEASE?
MAINE: It's Maine. Not Meng. There's nothing to explain. Don't flatter yourself na kala mo naman affected much ako sa pag-alis mo. I was fine without you.ALDEN: Eh bakit ka galit?
MAINE: Hindi ako galit.
ALDEN: Sabi mo yan ha.
MAINE: Whatever.
ALDEN: Galit ka nga. Please Maine. I just want to live peacefully. I can't go on with my life na hindi nagsosorry sayo at hindi ko nakukuha ang forgiveness from you. Yun lang naman.
Pero hindi na sumagot ang dalaga sa huling tinuring ni Alden.
Akala ni Maine ay tapos na ang chat nila ni Alden nang...
ALDEN: By the way, I'll see you in Subic. J
Subic??? Anong meron sa Subic?
"Bash! Anong meron sa Subic?"
"Nakalimutan mo bang company outing naten sa Saturday?"
"Nye! Sa Sautrday na yun? Hindi pala ako makakasama."
Pagdadahilan ni Maine.
"Ano ka! Hindi pwede noh! Lagot ka kay Nats!"
"What is it this time?"Si Nats.
"Tell her about Subic, boss."
"Yeah. What about it? You already know, right Maine?"
"Yes, but I'm afraid I can't go."
"Oh. but NO is not an option here. We won't get our team fund if one of the team members is absent. So, whatever you have planned on Saturday will just have to wait."
Ang totoo, matagal nang iniintay ni Maine ang company outing dahil yun na lang ata ang time na makakapunta sya ng beach ng taon nay un. Sa sobrang busy niya sa trabaho ay matagal na ang huli niyang punta sa beach. Ngunit ngayon na alam niyang pupunta din si Alden ay parang nagdadalawang-sip na si Maine. Pero dahil nga sa sinabi ni Nats mukha wala siyang choice kung hindi ang sumama.
Bahala na. Cool ka lang Menggay.
__________________________________
Bago dumating ang Sabado ay nagkaroon ng bisita si Maine sa bahay ni Ate Vi.
"Ma! Daddy!"
Tumakbo papalapit sa kanyang mga magulang si Maine.
"Kamusta ka na, anak?"
Ang Daddy Carlo nya.
"Ok naman po ako. Bakit di nyo man lang sinabi na dadating kayo? Bakit po kayo napaluwas?"
"Pupunta kasi kami ng Mama mo sa Pampanga, mag-aanak kami sa kasal. Dumaan lang kami dito kasi miss na miss ka na namin eh. Nagalmusal ka na ba? Kumain muna tayo sa labas."
"Sige po, gutom na rin nga po ako."
Naging masaya ang umaga ni Maine. Nakalimutan niyang sandali ang pangungulila kay Frankie at sa problema niya kay Alden. Namiss niya ang mga magulang dahil isang taon na rin siyang hindi nakakauwi. Napuno ng tawanan at kwentuhan ang kanilang almusal sa isang sikat na breakfast place sa Maginhawa St. Masayang masaya si Maine na makasama niyang muli ang mga magulang.
"Oh siya, anak, didiretso na rin kami ng Daddy mo ha. Baka kasi matraffic kami sa daan. Lagi kang mag-iingat pagpasok sa trabaho. Saka ang vitamins mo ha, ang payat mo pa rin!"
Sunod sunod na bilin ng Mommy ni Maine. Sanay na siya sa ganung pag-aalala ng Mommy niya.
"Yes Ma, don't worry."
"Teka, punta muna ako sa CR." Sabi ng Mommy niya sabay talikod papunta sa CR.
"Oh ikaw, inaalagaan mo bang mabuti ang sarili mo?"
"Opo naman Dad. Don't worry."
"May pumunta nga pala sa bahay, yung dating boarder sa compound naten. Si Alden, eh tinanong kung nasan ka. Kinausap naman ako ng maayos nung bata. Kailangan ka lang daw nya makausap. Kaya sabi ko kay Ian ibigay yung address mo saka yung trabaho mo. Ok lang ba yun, anak? Hindi ka ba niya ginugulo?"
"Ok lang naman Dad. Wala naman pong problema."
Parating na ang Mama niya ng mag-abot ng pera ang Daddy niya.
"Oh ito pangdagdag mo sa allowance mo ha."
"Dad naman, may work naman po ako."
"Oh bakit? Hindi ba kita pwedeng bigyan ngallowance eh anak naman kita. Baby girl naman kita. Sige na, ipangshopping mo."
"Ano po itong kasamang papel?"
"Ay mamaya mo na buksan. Ihatid mo muna kami sa kotse at aalis na kami ng Mommymo."
Inilagay ni Maine ang pera at papel sa loob ng kanyang wallet at pagkataposnoon ay nalimutan na niya ang tungkol dito.
"Sige po Ma! Dad! Ingat kayo! Love you both!"
Humalik at muling yumakap si Maine sa kanyang mga magulang bago sila sumakay ngkotse. Nang nakalayo na sila saka lamang pumara ng taxi para umuwi ang dalaga.Ang hindi niya alam ay nasa kanya na ang sagot sa napakarami niyang tanong noonpa man.
____________________________
Once again, thank you po for reading my story.:) Wait lang po kayo jan, will update the next chapter in a few minutes. ;)
Don't forget to vote each chapter and please introduce this story to your friends sa FB, twitter at kung saan pa.:)
Thank you! God bless everyone!
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...