Kahit papaano'y napawi ang luha ni Alden nang maalala niya ang tagpong yun. Buhay na buhay sa kanya ang bawat sandaling nakasama nya si Maine noon. Kahit nakikita na lang nya sa kanyang isipan si Maine ay parang abot kamay nya lang ito. Pero ngayon, napagtanto nya na It's now or never.
Hindi na ako makukuntento sa pictures mo lang, Meng. Hindi na ako papayag na sa panaginip gabi-gabi ko na lang ikaw makikita. Gusto ko ikaw ang nakikita kong nakangiti sa akin pagmulat pa lang ng aking mga mata. Gusto ko ikaw ang yumayakap sa akin pag ako'y matutulog na. Gusto ko kasabay kitang kumain. Gusto ko sana kasama kita araw-araw...
Sa mga realisasyon na yon ay nabuhayan ng loob si Alden. Binuhay nya na rin ang makina ng sasakyan, hahabulin nya si Maine. Malamang ay hindi pa naman yun nakakalayo dahil naglalakad lamang ito.
Hindi pa sya nakakalayo ay natanaw na ni Alden si Maine na malapit na sa foot bridge sa Philcoa. Malapit na sya ng may biglang nag-cut na pulang Ford F150 pickup truck at tumigil mismo sa tapat ni Maine. Kitang kita ni Alden na nagulat si Maine pero kaunti lang naman. Tumigil ito at hinintay na makababa ang nagmamaneho ng sasakyan. Itinabi muna ni Alden ang sasakyan mga ilang yardang layo sa tagpong yon. Nakita nyang ngumiti naman si Maine sa bumaba mula sa pickup truck.
Ito yata si Kulaspiro. Mukhang mayaman. Paano nagustuhan to ni Meng? Mukhang mayabang!
Parang sinuntok sa dibib si Alden ng makita nyang hinalikan sa pisngi si Meng ng lalaki.
"GGGRRRRR! Wag mong hawakan si Meng ko!"
Naibulalas ni Alden ang nasa isip nya. Thinking out loud kumbaga. At napansin nyang ang loud nga pala ng pagkakasabi nya noon. Mabuti na lamang at malayo siya at nakasara naman ang buong kotse. Pigil na pigil si Alden sa kanyang sarili. Gustong gusto na nyang bumaba ng kotse para magpakita kay Maine.
Maya maya lamang ay nakita na nyang inalalayan ng lalaki si Maine papasok ng pickup truck bago ito pumunta sa driver's seat.
Wala akong tiwala sa mokong na to! Susundan kita, baka kung mapano si Meng.
Kahit alam ni Alden na delikado at ikapapahamak nya ay sinundan nya pa rin ang pick up truck. Dumistansya sya ng kaunti sa sinasakyan para hindi sya mahalata.
Binagtas ng sinasakyan ni Maine ang natitirang daan ng Commonwealth Avenue patungo sa Elliptical Road ng QC pero hindi na ito dumiretso. Nag U-turn ang sasakyan pabalik ng Commonwealth at dumiretso papunta sa loob ng UP Diliman. Ang akala ni Alden ay didiretso ito ng campus. Wala syang ideya kung saan patungo ang sasakyan kaya naman maingat nyang inoobserbahan ito. Nakita nyang kumanan ito sa may C. P. Garcia, malayo man ay mataman pa rin syang nakamasid sa sasakyan.
"San ba kayo pupunta?! Papunta ng Katipunan yan ah! Ang trapik kaya dun!"
Makalampas lamang ang Mini Park sa may island ng daan ay inilikong pakanan muli ng driver ng F150 ang sasakyan. Isang simpleng barangay yoon sa gilid ng UP Diliman. Sanay man sa ganoong komunidad si Alden ay iniisip nya kung ang drayber ba ay sanay dun. Nanliit kasi ang daan para sa malaking sasakyan ng karibal.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...