5:00 am na.
Maagang nagising si Maine ng araw na iyon. Ang totoo hindi niya alam kung nakatulog ba sya ng maayos. Maya't-maya ang gising niya at sa tuwing gigising siya ay umiikot sya sa higaan na parang may hinahanap. Pati kama ay sinasalat nya, akala nya kasi ay nasa buhanginan pa siya.
Nang magising si Maine ng alas singko ng umaga, alam na nya na wala na sya sa buhanginan. Pero sariwa pa rin sa kanya ang halik na iyon. Napahawak si Maine sa kanyang mga labi, waring hinahanap ang bakas ng mga labi ni Alden. Lumabas ang maliit na ngiti sa mga labi niya hanggang umabot na ito sa tenga at pagkunot ng kanyang ilong. Bakit nga ba hindi sya kikiligin eh FIRST TIME nyang mahalikan sa labi.
Oo. First time nga. Kahit na apat na taon na sila ni Frankie ay hindi nya kaya na magpahalik sa labi. Hindi nya alam kung bakit, ang tanging dahilan nya ay gusto niyang sa tamang panahon mangyari iyon. Hindi nya alam kung anong meron at pumayag sya na halikan sya ni Alden.
"HOY! ANG AGA PA! ANG LIKOT MO MAINE!"
Pinalo ng unan ni Bash si Maine. Pano ba naman eh nagkikikisay at nagpapapadyak ang dalaga sa kama dahil sa sobrang kilig.
"Ahehe. Sorry Bash. Sige sleep ka na ulit. Pag may naghanap saken, nasa beach lang ako ha."
Nagpalit ng damit panligo si Maine. Floral bandeau bikini top at itim na bikini bottom ang isinuot nya na pang-swimming na pinang-ibabawan niya ng dilaw na sundress. Ang balak lang naman niya ay maglakad lakad sa tabing dagat, maexperience ang preskong hangin at madampian ang kanyang balat ng hamog ng dagat sa umaga.
"Wow. Timing! Pasikat na ang araw."
Pagdating sa dalampasigan ay umupo muna sa buhanginan si Maine. Tinanaw ang lugar kung saan nagsalo sila ni Alden sa isang matamis na halik. Sumungaw muli ang ngiti sa kanyang mga labi ng maalala ang tagpong iyon.
"Maine... mahal na mahal kita. Wala akong minahal na ibang babae kundi ikaw lang."
Halos ibulong lang ni Alden ang mga iyon kay Maine, bahagyang humihingal nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
"Alam kong ako pa rin diyan sa puso mo, nararamdaman ko. Maine..."
Kinapos din sa hininga si Maine sa halik na iyon ni Alden. Hindi niya akalain na ganoon ang pakiramdam ng hinahalikan. Parang hinihigop ang lakas at ang hininga mo pero alam mong mas mamamatay ka kung ititigil mo ito. Ibang sensasyon ang ibinigay niyon kay Maine. Parang ayaw niyang matapos ang halik na iyon.
"Pwede bang tayo na ulit?"
Dahil sa sinabing iyon ni Alden ay nagising si Maine. Bumalik siya sa kasalukuyan. Bumalik siya sa katotohanan. At dahil sa oras na iyon ay gulong gulong siya ay hindi niya nasagot ang tanong ni Alden, bagkus ay dahan dahan niyang inilayo ang mukha sa binata at tumayo.
"Tara na, malamig na ang hangin. Baka magkasakit pa tayo dito."Napangiti si Maine habang inaalala niya ang mga nangyari ng nagdaang gabi. Nakaramdam din siya ng kirot dahil alam naman niya na hanggang doon lang iyon at hindi na pwedeng ipagpatuloy. Meron na syang nobyo at nakatakda na silang ikasal.
At least nalaman ko kung ano ang nangayari sa kanya. Pero siguro hanggang dun na lamang iyon.
Pinanood ni Maine ang pagsikat ng araw sabay ng pagpapasalamat sa Taas sa mga tanong niya na nasagot na. Marami pang kulang pero sa ngayon ay sapat na muna iyon.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...