Chapter 26

1.6K 93 14
                                    



Hindi mapakaniwala si Maine na sya pala ang bumitaw sa napakagandang pagmamahal na binigay sa kanya ni Alden. Ang buong akala nya ay kinalimutan na sya nito. Katulad ng napakaraming sulat na nabasa nya ay ganoon kadami niya gustong humingi ng tawad kay Alden. Ganoon din kadami niya gustong itama ang kanyang mga mali.


Sa kanyang nalaman ay malinaw sa isip niya ang desisyon na dapat niyang gawin. Ang pagmamahal ni Alden para sa kanya ay matatawag na one in a million at hindi dapat pinalalampas. Baka maging miserable lamang ang buhay niya kung magpapatuloy siyang magpakasal kay Frankie at sa kalaunan ay kanyang mapagtatanto na si Alden ang para sa kanya.


Kinabukasan, nagkaroon ng family day ang pamilya ni Maine gaya ng napagusapan. Sama-sama silang nagsimba, kumain sa labas at nagmall pagkatapos. Kasama si Frankie pero kapansin pansin na mas sumasama si Maine sa kanyang mga kapatid at magulang. Inintindi naman iyon ni Frankie dahil alam niyang sabik ang kasintahan na makasama ang kanyang pamilya.


Pagkatapos nito ay nagpaalam na rin ang magkasintahan para bumalik na ng Maynila.


"Kelan ka babalik, anak?" Ang Mommy ni Maine.


"Hindi ko pa po alam Ma, eh. Pero pipilitin ko po, yung mas matagal na bakasyon."


"Oh sige ha. Aasahan ko yan. Ipagluluto kita ng sinigang araw-araw."


"Anak, magingat ka ha." Ang Daddy ni Maine naman ang nagpaalala sa kanya.


"Yes, Dad."


"Kung ano man ang maging desisyon mo, susuportahan kita anak. Ang gusto ko lang ay maging masaya ka. Walang mas masaya pa kundi ako pag makita kitang masaya anak. Pag-isipan mong mabuti ang mga bagay-bagay."


"Yes, Dad."


"O bakit parang nagkakadramahan kayo jan ah."


"Wala naman ito, Mommy. Mamimiss ko lang ulit ang panganay naten."


"Thank you, Dad and Ma. Tuloy na din po kami. Baka gabihin kami sa daan eh."


"Mag-ingat kayo ha! Pagpalain kayo nawa."


Tumalikod na si Maine at dumiretso na sa sasakyan ni Frankie. Ang binata ay nasa driver's seat na at kumaway na lamang sa pamilya ni Maine bilang pagpapaalam sa kanila.


Sa byahe ay tahimik lamang si Maine at malalim ang iniisip. Sumasagot lamang siya kapag tinatanong ni Frankie. Napapansin ito ni Frankie at hindi niya alam ang dahilan. Datirati naman ay makwento at maingay si Maine lalo na kapag sila na lamang sa kotse. Gayunpaman ay hindi na niya tinanong si Maine tungkol dito.


Wala mang nasabi si Maine habang nasa byahe ay alam niyang hindi sya dapat manahimik ng matagal na panahon. Hindi nya kayang lokohin si Frankie lalo't higit ang kanyang sarili. Minahal naman niya ang kasintahan ngunit sa simula pa lang ay alam niyang hindi makukumpleto ang pagmamahal na maibibigay nito dahil okupado na ito ng isang tao noon pa man.

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon