Chapter 32: The Moon

2.1K 103 15
                                    


Simula nang pinayagan na silang makita si Maine sa private room nito ay hindi pa umuuwi si Alden sa kanila. Nagleave na rin sya sa trabaho para personal na mabantayan ang kalagayan ng kanyang pinakamamahal. Ang mga magulang naman ni Maine ay naroon din pero inalok ng Daddy ni Alden na magpahinga kahit kaunting oras sa kanilang bahay na sinangayunan naman nila. Pagod din kasi sa byahe at sa pag-aalala sa kanilang panganay na dalaga. Si Alden ang nagboluntaryong maiwan para tingnan si Maine.


Kumuha lamang ng couch na naroon si Alden at itinabi sa hospital bed ni Maine. Simula ng maupo sya doon ng bandang alas diyes ng umaga ay hindi pa sya umaalis maliban kung kelangan nyang magbanyo. Nagpadeliver na lang din sya ng pagkain. Doon na sya natulog habang hawak hawak ang kamay ni Maine na may dextrose.


Bandang alas nuwebe ng gabi nang bumalik sa ospital ang daddy ni Alden para sunduin ang mga magulang ni Maine.


"Iho, maraming salamat sa tulong nyong mag-ama sa amin ha. Mabait ka talagang bata kahit noon pa."


"Walang anuman po yun, Tito. Si Daddy na po ang bahala sa inyo sa bahay. Pinaayos ko na rin po yung kwarto ko, dun na po kayo magpahinga."


"Bunso, ikaw muna ang bahala sa Menggay namen ha. Kahit anong mangyari, tatawagan mo kami ha."


"Wag po kayong mag-alala Tita. Aalagan ko pong mabuti si Meng."


"Oh sya sige...marami namang pagkain diyan, wag kang papakagutom."


"Salamat po Tita, ingat po kayo."


"Dad, thank you po."


"To naman! Parang others! Dramarama pa. Sige na balik ka na kay Meng. Baboosh!"


Nangiti lang si Alden sa tinuran ng kanyang ama. Ganoon lang talaga trip ng tatay niya, nahihilig kasi sa twitter at kung ano ano ang natutunan na twitter at beki language.


Bumalik na sa kanyang pwesto sa couch sa tabi ng kama ni Maine si Alden. Napatingin sya sa may bintana at naaninag niya ang buwan sa labas. Full moon noon kaya naman napakagandang pagmasdan nito. Tipid na ngiti ang reaksyon ni Alden dito, may naalala siya.

Katulad ng dati, hinawakan niya ang kamay ng dalaga habang hinahanap ang pinaka komportable niyang posisyon sa couch. Nang mahanap ang kanyang posisyon ay pumikit ang binata at hinanap ng kanyang isip kung aling parte ng katawan niya ang pagod na. Ngunit hindi sa pagod at ngalay siya dinala ng kanyang imahinasyon. Sa halip, dinala siya ng kanyang isip sa isang eksena sa nakaraan na hinding-hindi niya makakalimutan.


___________________


"Wala ba kayong balak pumasok sa loob ng gym?" Si Beng.


"Andami pa kasing tao sa entrance eh." Si Jay.


"Tara pasok na tayo! Yung crush ko nakita ko nang pumasok eh."


"May crush ka na pala? Sino?"

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon