Preview of Chapter 26

1.5K 75 7
                                    

Wala mang nasabi si Maine habang nasa byahe ay alam niyang hindi sya dapat manahimik ng matagal na panahon. Hindi nya kayang lokohin si Frankie lalo't higit ang kanyang sarili. Minahal naman niya ang kasintahan ngunit sa simula pa lang ay alam niyang hindi makukumpleto ang pagmamahal na maibibigay nito dahil okupado na ito ng isang tao noon pa man.

Mali na umoo sya noon sa proposal ng kasintahan na hindi buo ang kanyang pagmamahal. Ngunit mas mali para sa kanya kung ipagpapatuloy pa nya ito.

Mas mabuti na ngayon habang mas maaga pa. Patawarin mo ako, Frankie.

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon