Tahimik lamang si Maine habang nasa byahe pabalik ng kanilang bahay. Nagmeryenda lamang sila ni Frankie pagkatapos nilang bisitahin ang bagong bahay na pinagawa ng binata. Hindi maatim ni Maine na tawagin itong bahay niya dahil hindi naman iyon ang kanyang pakiramdam. Hindi man niya pinapahalata sa kasintahan pero talaga namang gulong-gulo si Maine sa mga nangyayari.
Sabi ni Frankie ay ito ang bahay nila pag andito sila sa probinsya. May dalawa pa syang ipapagawa, isa sa Batangas sa hometown ni Frankie at isa sa Maynila. Alam naman ni Maine na kaya yun ni Frankie pero para sa kanya ay simpleng bahay ay ok na sa kanya. Simpleng tao lamang sya na may simpleng mga pangarap. Hindi niya pinangarap na maglinis ng napakalaking bahay.
Sabagay, malamang kumuha din ng mga katulong si Frankie. Eh anong gagawin ko?
Ang isa pa nyang punto ay alam ni Frankie na ayaw niya ng pinangungunahan siya. Kaya nga sila nagkasundo at tumagal ng apat na taon dahil napakabait ni Frankie sa kanya. Ayaw niya ng ginagastusan siya, sumunod naman si Frankie. Ayaw niya ng mga bonggang selebrasyon sa mga okasyon nila, Ok din yun kay Frankie. Marami pang bagay na nagustuhan ni Maine kay Frankie kahit mayaman siya. Ang sabi niya sa sarili ay iba si Frankie sa ibang mayayaman.
Pero ang ipinapakita ni Frankie ngayon ay ibang tao, hindi ang Frankie na nakilala niya. Natatakot si Maine na ito na ang simula ng pagkontrol ng buhay niya. Natatakot siya na gumamit ng pera si Frankie para lalo siyang mapapayag. O di kaya naman ay threatened ang pakiramdam ng binata kaya siya nagkakaganito.
Jusko, Lord! Ano na? Ano nang gagawin ko?
"Ok ka lang ba honeymylabs? Tahimik ka ah."
"Napagod lang ako..."
"Alam ko na yan. Speechless ka sa surprise ko noh? Nagustuhan mo ba? Naku halos awayin ko mga contractor, architect at designers nung bahay! Gusto ko talaga the best para sayo, honeymylabs!"
Tipid na ngiti lamang ang isinukli ni Maine. Lalo ata siyang kinakabahan sa ikinikilos ng binata.
Nang makarating sa bahay ay nagpaalam na din si Frankie.
"Honeymylabs, alam kong pagod ka. Nagbook na ako sa hotel na malapit dito, dun na ko didiretso. Ako na rin bahala sa dinner ko. Enjoy your time with your family na muna."
"Sige. Thank you for today. See you tomorrow."
Inintay muna ni Maine na makalayo ang sasakyan ng nobyo bago pumasok ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok niya ay may mga nagsigawan na ikinagulat nya.
"ATEEEEEEEE!!!!"
Ang dalawa niyang kapatid na sina Ian at Sari.
Nag-group hug ang magkakapatid na parang mga bata.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...