Chapter 34

2.1K 87 10
                                    

Makaraan ang 4 na araw ay unti unti nang nakabawi ng lakas si Maine habang nasa ospital. Ipinaalam na rin sa kanya ang tunay na nangyari kay Frankie at dahil doon ay hindi nya naitago ang pag-aalala sa dating kasintahan. Hindi sya mapatahan sa pag-iyak sa nangyari sa kanyang dating nobyo kaya naman tinurukan na rin siya ng gamot na pampakalma dahil hindi makakatulong sa kanyang paggaling iyon. Dahil sa nangyari ay siniguro ng mga magulang ni Frankie kay Maine na wala itong kasalanan sa kahit ano pang nangyari sa kanilang dalawa ng dating kasintahan. Ipinaalam na rin nila Kay Maine na ililipat na rin nila si Frankie sa mga susunod na araw sa mas malaking ospital sa Maynila upang mas matingnan ang kalagayan nito.

"Maine, anak..."

Pasimula ng aristokrata ngunit mabait na nanay ni Frankie na si Señora Victoria o Mama Vicky para kay Maine.

"Wag na wag mong sisisihin ang sarili mo sa mga nangyari. Bilang isang babae, naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Pagdating sa pag-ibig, kelangan nating gamitin pati an gating isip, hindi lang ang puso. Matalino kang bata. Kung maaari lang talaga ay ikaw na ang para kay Frankie, pero kung iba ang plano ng tadhana, sino naman ako para baguhin iyon?"

Nangingilid ang luha ni Maine habang naririnig ang mga iyon mula sa Señora.

"Ang tanging magagawa mo para kay Frankie ngayon ay ang ipagdasal siya. Ipagdasal mo na malampasan niya ang pagsubok na ito sa kanyang buhay. At nawa sa susunod ninyong pagkikita ay hindi hinanakit ang inyong makita kundi magagandang mga pangyayari na habambuhay aalalahanin niyo sa inyong mga puso."

Tuluyang tumulo na ang mga luha ni Maine.

"Salamat po, Mama Vicky, sa pang-unawa. Ipagdadasal kop o si Frankie n asana ay makita ko pa sya at makausap."

"Oo anak...Oh sya...magpapa-aalam muna kami. Ayaw kong malayo ng matagal kay Frankie ngayon eh. Mag-iingat kang palagi ha. Andito pa rin ako para sa iyo, tumawag ka lang kung kelangan mo ako ha."

"Mag-iingat din po kayo lagi. Maraming marami pong salamat."

Kinabukasan na ang labas ni Maine sa ospital kaya naman sinamantala iyon ng nanay ni Frankie para makausap siya. Ang mga magulang ni Maine ay doon na matutulog sa ospital para makapaghanda na rin ng paglabas niya. Sa kanilang probinsya na muna kasi tuluyang magpapagaling si Maine. Pinayagan siya ng kanilang manager ng indefinite leave na ikinalungkot ng bahagya ng kanyang mga kateam pero masaya sila dahil makakapahinga naman ito ng husto.

Ang pinakamalungkot ay si Alden. Limang oras ang byahe mula Maynila hanggang sa probinsya nina Maine. Pag naipit ka pa sa traffic ay dagdag pa ito sa oras. Iniisip pa lamang niya na hindi niya makikita araw araw si Maine ay para itong mababaliw.

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon