Chapter 28: The Abduction

1.7K 97 9
                                    




Mabilis na nabaybay ni Frankie ang C-5. Malapit na sila sa Bicutan Exit. Kung hindi nagkakamali si Maine ay tatahakin din ni Frankie ang SLEX. Mayroon na syang hinala kung saan sya dadalhin ni Frankie pero hindi sya sigurado kung aling bahay.


Sa Batangas ata ako dadalhin nito. Saan dun? Napakaraming properties ng mga ito sa buong Batangas!


"Frankie, san ba tayo pupunta? Ano bang binabalak mo? Ahhmm...nagugutom na ako, hindi pa ako nagbebreakfast eh. Baka naman pwedeng mag stop over muna tayo."


"Hmph! Ano ako, baliw?! Hindi ka pwedeng bumaba ng sasakyan! Alam ko kung anong iniisip mo. Atsaka, alam kong magugutom ka kaya bumili ako ng makakain mo. Paborito mo pa mga binili ko. Ang bopols ko din ano? Galit na galit na ako pero ang kapakanan mo pa rin ang iniisip ko! Pag minsan iniisip ko kung anong pinakain mo sa akin eh para mahalin kita ng ganito. Kumain ka na! Ubusin mo ha!"


Magkahalong takot at awa at pagmamahal ang naramdaman ni Maine para kay Frankie ng mga oras na iyon.

"Frankie, hindi ko sinasadyang gawin sa'yo to. Pag-usapan natin to. Itigil mo muna itong sasakyan, baka mabangga tayo eh."


"Pag-usapan?! Baket? Babalik ka ba sa akin pag pinag-usapan naten?! Ha?!"


At dahil dun ay mas lalong pinaharurot ni Frankie ang sasakyan. Si Maine ay walang nagawa kundi ang umiyak ng tahimik habang nananalangin na sana'y walang mangyaring masama sa kanila.


Samantala, si Alden ay nakasunod pa rin kayna Frankie at Maine. Nakalampas na sila ng Bicutan Exit at kasalukuyang binabagtas ang SLEX. Nang magkaroon ng kaunting pagbagal ay mabilis na kinuha ni Alden ang kaniyang telepono at Bluetooth earpiece. Dali dali niyang hinanap ang numero ng telepono ni Nats. Mabuti na lamang at nahingi niya ito nung nasa Subic pa sila kasama ng numero ni Maine. Nang magring sa kabilang linya ay nilapag na lamang niya ang cellphone sa dashboard ng sasakyan at saka isinuot ang Bluetooth earpiece.


"Hello?" Sabi ni Nats sa kabilang linya.


"Hello Nats! Nats! Si Maine!"


"Alden? Bakit? Anong nangyari? Kasama mob a si Maine?"


"Hindi. Isinakay siya kanina ni Frankie sa sasakyan niya. Nag-uusap kami kanina ni Maine tapos dumating si Frankie tapos pinilit nya itong sumakay sa sasakyan."


"Oh. Baka naman maguusap lang o kaya ihahatid ni Frankie si Maine sa kanila?"


"Yan din ang inisip ko pero kinutuban talaga ako eh. Kaya sinundan ko sila. Andito na ko sa SLEX! Ang bilis ng takbo ni Frankie! Nakita ko pang parang nagmamakaawa si Maine kanina kay Frankie. Diyos ko, hindi ko nga alam kung maaabutan ko sila eh."


"Naku naman! Naloko na! Ser, sige sundan mo na lang muna. Balitaan mo ako. Magmomonitor din ako, tatawagan ko si Maine. Hindi na muna ako tatawag sa mga magulang niya ha."

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon