Chapter 3: Si Den

3.4K 136 30
                                    

Paroo't parito si Den sa harapan ng boarding house, kanina pa tinatantya ang tyempo kung tutuloy ba ito o hindi. Bibili lang naman sya ng yelo pero parang tubig na galing sa ref ang pawis nya.


"Huy Den!" Pagulat na sabi ni Pao, "Kanina ka pa diyan ah! Nasan na yung yelo?"


"Oo nga! Eto na!"


Wala ng nagawa ang binata kaya tinahak na nito ang maiksing pagitan mula sa kinaroroonan hanggang sa bahay nina Meng.


Huminga muna ng malalim bago tumikhim ang kinakabahang si Den sabay,


"Pabili po ng yelo!" Muntik na syang pumiyok sa kaexcited-an.


Alam nyang kakauwi lang ni Meng galing sa school. Ang totoo kanina pa nya itong iniintay. Kabisado nito ang schedule ng dalaga mula paggising hanggang pagtulog. Lagi itong nakaantabay sa 2nd floor ng boarding house at palihim na sinisilip ang gate at ang bahay nina Meng. Hindi sila masyadong nagkakaroon ng pagkakataon na makapagusap ni Meng dahil sa mejo nakakaintimidate ang Lola Nida nito at bukod pa roon ay malaki ang katawan ni Mang Carlo, ang tatay ni Meng. Naiintindihan naman nya dahil napakabata pa ni Meng, 15 lang ito at sya naman ay 18.


Pero kahit pa sabihing bata pa si Meng ay nakita na ni Alden ang pagiging mature nito. Dala na siguro ng pagiging panganay ng dalaga sa magkakapatid. Makulit at likas na masayahin si Meng para sa kanya. Kung alam mo lang na napakaganda mo, Meng. Lagi nyang nasasabi sa sarili sa tuwing makakanakaw sya ng sulyap mula sa mga palihim nyang pagtanaw dito. Pero hindi dahil dun kaya nagustuhan ni Den si Meng. Bukod sa mabait naman talaga, maalaga at masayahin, walang kahit anong arte si Meng sa katawan. Madalas pa nga ay naririnig ni Den ang malakas na tawa ni Meng sa tuwing nakikipagkulitan ito sa kanyang mga kapatid. Wala rin itong arte sa pagaayos ng sarili. Hindi naman basta na lang pumorma si Meng, ang totoo'y cute itong pumorma. Nga lamang ay mukhang hindi alam ng dalaga na maganda sya kahit anong suot pa nya.


Haayy Meng...


"Ilan?"


Parang nagulat pa si Den ng may sumagot sa tawag nya. Bumilis ang kabog ng dibdib nya. Muntik na syang ma-off balance ng bumukas ang pinto at tumambad ang maaliwalas na mukha ni Meng.


Wag kang pipiyok, Alden!



"Dalawa. Uy, Meng! Bakit ka andito? Di ba may pasok ka?" Kunwari ay nagulat sya na makita ang dalaga pero ang totoo mamamatay na sya sa sobrang saya.


"Meron nga. Pero umuuwi naman ako talaga pag tanghali eh." Alam ko, sabi ng isip ni Den.


"Ah ok. Ahm. Kumain ka na?"


"Hindi pa, may ginawa lang ako sa taas. Kakain na rin ako."


"Ah. Sige. Kain lang ako. Anong oras ka papasok?" Ano ba Den? Kinakabahan ka ba? Nagpaalam ka pang kakain? Huwaaw!

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon