Hindi maintindihan ni Maine kung bakit ganun na lamang ang pakiramdam nya. Dapat ay masaya sya dahil sa wakas ay matutupad ang pangarap nyang kasal. Hindi na rin naman sya lugi kay Frankie dahil mahal na mahal naman talaga sya nito bukod sa pagiging mayaman. Bagay naman---- Mahal na mahal talaga ni Frankie si Maine. Yun yon. Natutunan na rin naman nyang mahalin ng lubos si Frankie. Hindi biro ang apat na taon na pinagsamahan nila. Matagal pa yun kung ikukumpara sa ibang relasyon. Kung tutuusin ay wala na dapat syang ipag-alala dahil secured sya sa pagmamahal ni Frankie.
Habang naglalakad palayo mula sa opisina nila ay hindi nya maiwasang isipin ang sinabi ni Nats.
Paano kung babalik daw...eh hindi na nga nagpakita! Ang tagal tagal na!
First love ni Maine si Alden kaya siguro mahirap para sa kanya ang kalimutan ito. Simula nang magpropose si Frankie noong isang araw ay dumalas ang pagsagi sa kanyang isipan ng imahe at mga alaala ni Alden.
Haayy!
Bumuntong hininga ang dalaga sabay parang nag-stretching na naman ito. Walong oras kasi syang nakaupo at sumasakit na ang likod nya dahil dito. Nahiya din naman sya sa ginawa nya kaya lumingon lingon pa sya sa paligid kung may nakakakita ba sa kanya. Walang tao sa paligid maliban sa isang lalake na nasa loob ng kanyang itim na sasakyan. Nakasubsob sa manibela habang hawak hawak ito ng lalake. Tila umiiyak ito.
"Ay! Naku. Mukhang mas mabigat ang problema ni kuya saken. Hindi kaya suicidal ito? Lapitan ko kaya? Wag na. Uso ang rape ngayon. Baka hindi na ako sikatan ng araw bukas."
Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad palabas ng compound ng TechnoHub. Pwedeng pwede nyang lakarin mula rito hanggang sa pagtawid ng Philcoa kung saan sasakay sya ng tricycle pauwi sa bahay ni Ate Vi. Hindi naman ganun kainitan kaya ok lang na maglakad. Malapit na sya sa may foot bridge ng may pulang Ford F150 na tumigil sa tapat nya. Medyo nagulat sya pero nakampante din naman agad sya ng makita nya kung sino ang bumaba mula sa sasakyan.
"Honeymylabs! Bakit ka naglalakad? Baka kung mapaano ka dito!"
Dire-diretsong salita ni Frankie habang palapit kay Maine.
Napangiti na lamang ang dalaga sa concern na pinakita sa kanya ni Frankie. Nakalapit na sa kanya si Frankie at hinalikan sya sa pisngi.
"Eh para naman may exercise ako, di ba? Hindi na rin kasi ako naaarawan masyado eh."
Ayaw nyang sabihin ang totoo kay Frankie ngayon. Hindi pa rin naman sya sigurado sa kanyang nararamdaman.
"Sige sumakay ka na. Ihahatid na kita sa inyo bago ako pumunta sa meeting ko sa Makati. Sorry, ito ang dinala kong sasakyan ha. Hindi kasi available yung Hummer eh."
Maine rolled her eyes sa narinig.
"Ikaw talaga! Ang yabang mo! Saksakan ng yabang!"
"Anong mayabang dun? Mayabang ako kung wala akong Hummer. Eh meron naman eh. So hindi yabang yun, Honeymylabs."
Inalalayan na si Maine ng kasintahan hanggang makasakay na sya sa may kataasang sasakyan na iyon. Sa lahat ng sasakyang ginagamit ni Frankie, ito ang hindi nya talaga gusto.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...