Chapter 30: The __________

1.8K 87 25
                                    

"Ms. Maine, pwede na daw po kayong bumaba sa garahe. Nakahanda na po ang sasakyan. Andun na rin po si Sir Frankie, iniintay po kayo. Yung bag nyo po ay andun na rin, hindi naman po iyon ibinaba ni Sir ng sasakyan."


Marahang tumango si Maine sa pag-ayon sa kasambahay na pumasok ng kwarto. Lumabas na rin ito pero iniwang bukas ang pinto. Dahan-dahang tumayo si Maine sa pagkakaupo sa kama at saka iginala ni Maine ang paningin sa paligid ng kwarto. Ngayon nya lamang napagtanto na bagong bago ang itsura nito.


Bagong renovate siguro.


Nang makalabas siya ng kwarto ay parang napasinghap siya sa itsura ng bahay na bumungad sa kanya. Halos kapareho nito ang interior ng bahay na ipinakita ni Frankie sa kanya sa probinsya nila. She had to ask.


"Ate! Ate! Matagal ka na bang nagtatrabaho dito?"


"Kayna sir po? Opo. Pero ngayon lang po ako nakarating ditto sa bahay. Kakapagawa lang po kasi niya ito eh. Pinapunta nya lang po kami dito nung isang araw para mag-ayos ng mga gamit."


"Ahh. Sige salamat po."


"Tara na Ma'am. Kanina pa po si Sir Frankie dun eh. Baka makatulog na yun sa sasakyan nya."


Dumiretso sila sa garahe na kasya ang ilang sasakyan pero dadalawa lang ang sasakyang naroon. Ang pulang F150 na pick up truck at isang BMW Sedan kung saan nakasakay si Frankie.


Tinungo ni Maine ang kotse at marahang kumatok sa bintana nito dahil si Frankie ay nakatingin sa kabilang dako na parang malalim ang iniisip. Naputol ang pagmumuni muni ng binata at sinilip si Maine saka tipid na ngumiti. Binuksan ni Frankie mula sa loob ang pinto ng kotse sa gawi ni Maine at sumakay na ang dalaga.


"I know how much you hate the pick up truck that's why we're taking this one."


Matipid na tango lamang ang isinagot ni Maine kay Frankie. Hindi nya na alam kung pano pakikitunguhan si Frankie pagkatapos ng mga nangyari.


"I really am sorry, Maine. I know my words are not enough sa paghingi ng tawad sa mga ginawa ko. I just want you to know that I am really sorry."


Niyakap ni Maine si Frankie ng mahigpit tanda ng kanyang sinseridad. Ilang segundo ding tumagal yun bago kumalas si Frankie sa pagkakayakap kay Maine.


"Tama na yan, baka hindi na kita pauwiin nyan eh. Joke lang. Tara na."


Naging magaan na ang loob ni Maine pagkatapos ng kanilang pagkakaayos ni Frankie. Alam niyang hindi pa rin magiging madali para kay Frankie ang mga pagbabagong ito pero mabuti na iyong makakapagsimula sila ng maayos pareho.


Inistart na ni Frankie ang makina ng sasakyan at mabilis siyang nakalabas ng compound ng bahay. Hindi narin natiis ni Maine na hindi magtanong tungkol doon.


"Frankie..ahhmm..may itatanong sana ako..ahhmm.. yung bahay kasi..."


"Ahh. Kung pinagawa ko din yung bahay for us? Yes. Actually it was built 5 months ago pa, before I proposed. Nung isang araw ko lang napaayos at nakumpleto ang mga gamit."


"Ahh..."


"Don't feel bad about it. I'll be fine. I'll just have it remodeled para naman hindi ako maging emotional everytime I visit here."


"Nasan nga pala tayo?"


"We are approaching Sta. Rosa. Yung house naman ay nasa Silang, Cavite near the boundary of Tagaytay. Kaya malamig na rin ang klima doon."


Ngumiti lang si Maine. Alam naman niyang kaya ni Frankie na gawin nito ang gusto sa bahay pero hindi pa rin maalis sa isip niya na malaking parte ng pagkatao ng binata ang ginugol nito para doon. Ang tanging hiling niya ay sana maka- move on ng mabilis si Frankie.


Nangiti rin si Maine sa ideyang makakapag-usap na sila ni Alden ng maayos at malaya. Hindi naman niya planong makipagmabutihan kaagad kay Alden dahil alam pa rin niyang matagal na panahon silang nagkalayo. Kung anuman, mas gusto niyang magkakilanlan ulit sila. Magsimula sa simula.


Masyadong naaliw si Maine sa kanyang mga naiisip na pwedeng mangyari na hindi na nya napapansin si Frankie na tahimik na umiiyak habang nagmamaneho. Hindi niya akalain na darating ang kinakatakutan niya. Ang mawala si Maine sa kanya. Noon pa man ay alam niyang pwede itong mangyari kaya naman todo ang kanyang effort para makuha ng buo ang puso ng dalaga. Lahat ng hilingin ni Maine ay binigay niya. Hindi naman materialistic si Maine kaya hindi naging mahirap para sa kanya ang bagay na iyon. Nahirapan lamang sya ng konti sa parteng kelangan niyang ibaba ng bahagya ang kanyang antas ng pamumuhay pag kasama niya si Maine. Ginawa namang masaya at madali ito ni Maine para sa kanya.


Hilam ng luha ay hindi napapansin ni Frankie na napapabilis ang takbo niya. At ng makarating sa isang crossing ay huli na ang kanyang pagtapak sa break ng makita niyang red light pala. Nag slow-mo ang paligid at kitang kita niyang may paparating na mixer truck na tinutumbok ang kaniyang sasakyan. Tiningnan niya si Maine at halos magkasabay silang lumingon sa isa't isa. Bakas sa mukha ni Maine ang takot na nagpaalala kay Frankie sa lahat ng kanilang pinagdaanan bilang magkasintahan. Muli niyang binalingan ang trak na ngayon ay parang dambuhalang kakain sa kanila. Mabilis na tinanggal ni Frankie ang kanyang seatbelt sabay yakap sa dalagang minahal niya ng higit pa sa kanyang buhay.


"MAAAAAAAAAAIIIIINNNNNEEEEE!!!"


_______________________


HUHUHU! Ano nang mangyayari kay Maine at Frankie? Jusko, hindi ko alam! 


Wala pa pong title ang Chapter na ito.  Suggest po kayo sa comment with your reaction to this chapter...I'll choose yung pinaka da best. thank you! 



Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon