Chapter 4

2.8K 97 9
                                    

"MAINE? MAINE?"


Akala ni Maine ay nanaginip lang siya pero totoong may kumakalampag ng pinto ng kwarto.


"MAINE? OK ka lang ba diyan?"


Naghikab pa muna at nag-inat ng mga limang segundo si Maine bago ito sumagot sa nag-aalalang nasa labas ng pinto.


"Opo, Ate Vi! OK lang po ako!"


"Aaahh...OK! Maghapon ka kasing di lumalabas ng kwarto mo eh! Kala ko naman kung napano ka na."


Si Ate Vi yun, ang may-ari ng bahay na tinitirhan nya, umuupa si Maine ng isang kwarto doon. Kaya naman na nyang umupa ng sariling maliit na kwarto o apartment pero pinili pa rin niyang tumira kayna Ate Vi. Matagal na kasi sya dito at parang pamilya na ang turing nila sa isa't isa. Kahit may kaliitan ang bahay, hindi naman yon naging problema sa kanya kasi halos katulad lang din ng kinalakhan nya sa probinsya. 


Nahigang muli si Maine sabay hagip ng kanyang cellphone sa bedside table. Sasariwain sana nya ang kanyang napanaginipan pero muntik na nyang mabitawan ang cellphone ng saktong magvibrate iyon. Dali dali nyang sinagot ang tumatawag.


"Hello?" Alam nya kung sino ang nasa kabilang linya.


"Hello Honeymylabs! Kanina pa ako tumatawag ah? Ang dami ko na ding text sayo, hindi ka nagrereply. Ano bang nangyari sayo?" Si Frankie yun na halatang nagalala. 


"Sorry naman. Kagigising ko lang eh. Madaling araw na ata kasi ako nakatulog, hindi ko namalayan na maghapon na pala akong tulog." Alas kwatro na pala ng hapon, sabi sa orasan sa ulunan ng kanyang kama.


"Nag-alala tuloy ako. Pano? Gusto mo ba puntahan kita? Siguradong hindi ka pa kumakain. San mo gusto kumain? Gusto mo pumunta ng Antipolo? O sa Nuvali? Saan gusto ng Mahal ko?"


Maine rolled her eyes. Mabait si Frankie pero minsan talaga saksakan ng yabang ang boyfriend niya. Galing ito sa mayamang pamilya na nagmamay-ari ng ilang farm sa Batangas. Naging kaklase nya ito nung 3rd yeard college na sya sa isang sikat na state university sa Laguna. Hindi nito alam na mayaman si Frankie dahil hindi naman halata. Akala pa nga nya nung una ay puro pekeng brands ang pinagsususuot nito. Narealize na lang nya na mayaman nga pala ang binata ng mapansin niya na hindi naman talaga marunong kumain ito ng isaw at kinakabahan pag sumasakay ng jeep.

"Tse! Anong Antipolo?! Nuvali ka pa diyan! May work nga ako mamaya di ba? Tapos gagala na naman tayo? Ikaw nga Francisco ay magtipid ng konti! Kakain lang sa Nuvali pa...eh nasa Quezon City ako!"

"Nagagalit naman agad ang honeymylabs ko. Sorry na. Wag ka na magalit. Kaka-engage pa lang naten inaaway mo na ako. Lalo na siguro pag mag-asawa na tayo."

Kunwa'y nagtatampong sagot ng binata sa dalaga.

"Eh kakagising ko lang kasi. Hindi pa nga ako nakakamulat ng maayos eh kung ano ano na yang sinasabi mo. Sorry din. Hindi naman ako galit."

"Ayan! O sha punta na ko diyan?"

"Wag ka na muna pumunta! Ang layo din ng Batangas ha."

"Dala ko naman kotse ko eh."

"Wag na nga! Ang kulet! May pasok na din kasi ako mamya, konting oras lang tayo magkakasama, sayang lang punta mo."

Nanghihinayang man ay pumayag na rin si Frankie. Hintayin mong maging akin ka na, Maine. Nakakatakot mang pakinggan, Frankie meant it to be endearing.

______________________________

Kinse minutos bago mag-alas-diyes ay nasa building na ng pinapasukang trabaho si Maine. Isang sikat na call center company sa UP Techno HUB ang kanyang araw araw na ruta pero hindi naman siya nagrereklamo. Isang tricycle lang naman kasi ang kelangan nyang sakyan at pagdating sa Philcoa ay meron na silang shuttle na maghahatid sa mga empleyado sa opisina.

Habang naglalakad papunta sa kanyang locker ay nakasabay ni Maine si Bojie, ang beki sa team nila.

"Huy girl! Nice hair ha! Ngayon lang kita nakitang nagpacolor ng hair. Pero infairness, pak na pak!"

"Thanks Boj! Maiba lang. Para naman hindi ako laging inuulit na manang sa team naten."

"Eh kasi naman girl, ang manang mo naman talaga eh! Sabi ko sayo imemake over kita, ako na bahala sa gastos! Sayang yang fez mo oh! Kalevel-an mo si Maja Salvador kaso nakatago ang ganda mo. Buti nga nagpasalon ka ngayon. Kala ko talaga inosente ka sa mga ganyan."

"Naku Boj! Tigilan mo ako ha! Kung yung boyfriend ko nga hindi ako mapilit na gastusan nya pagsasalon ko, make over mo pa kaya! Sayang lang pera mo sa ganyan! Bigay mo na lang saken at ibibigay ko sa mga nangangailangan!"

"Ay hindi na lang! Sa boylet ko na lang gagastusin. Hihihi!"

"Isa pa yan! Tigilan mo na din yang kabobooking mo ha! Mapapahamak ka jan! Ang guwapo mo kaya, bakit hindi girlfriend hanapin mo?"

"Eeewwww!"

Sa kanilang pagkukulitan ay natapos na nilang ilagay mga gamit sa locker nila at narating na rin nila ang work station. Andun na rin ang iba nilang ka-team na nagkekwentuhan habang iniintay ang pag log-in sa system ng trabaho.

"Blooming ka ngayon ah!" Si Basha, Bash for short. Isa sa mga pinakaclose ni Maine sa team.

"Hindi naman masyadow!"

Makulit na sagot ni Maine sabay taas ng kaliwang kamay at kunwari ay hinawakan ang kilay.

"Huwaaaattt?!?"

Halos parehong napasigaw si Bojie at Bash.

"Kaya ka naman pala nagpakulay ng buhok, bruha ka!" Irap ni Bojie.

"Kelan pa? Pano nangyari? Magkwento ka dali!"

Sunod sunod na tanong ni Bash.

Kuminang muli sa paningin ni Maine ang singsing na suot. Yun ang nakita ng mga kaibigan na nagpagulat sa kanila. Hindi naman lingid sa kanila na apat na taon na silang magkasintahan ni Frankie. Once pa lang nila ito nakikita pero kilala naman nila ito ayon sa mga kwento ni Maine.

"Bonggacious ba ang proposal? Naku knowing Frankie, malamang noh?"

"Hindi ah! Alam nya na ayaw ko ng mga bonggahang mga ganun. Dinala nya lang ako sa zoo."

"Nyek!" Nagkasabay na naman ang dalawang kaibigan sa reaksyon sa sinabi ni Maine.

"Hayaan nyo na! Ang importante nagpropose!"

Sabay na sabay nagtawanan ang magkakaibigan na agad ding naputol ng dumating si Boss Nats, ang kanilang Team Leader.


__________________________________________

I dedicate this Chapter to my former colleagues. V and B. :) 

S, if you are reading this, sa next chapter yung sayo. :) 


Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon