Chapter 12

1.9K 73 17
                                    

"Siya yon! Isang Alden Ricardo lang naman ang kilala ko sa tanang buhay ko!" 


"Eh, so what naman?" 


"Bakit siya bumalik pa?! Sinusundan ba nya ako? Bakit dito sya magwowork?"


Ngayon lang naikonekta ni Maine ang mga natanggap nya nitong mga nakaraang linggo sa pagbabalik ni Alden. Nakatanggap sya ng mga paborito niyang pagkain, isaw na lang ang kulang. Pero hindi na nya yun binanggit pa kay Nats. 


"Hoy girl. Teka. Kumalma ka muna. Pano mo naman nasabi na sinusundan ka, aber? Baka naman talagang dito sya nagapply na hindi nya alam na andito ka. Hhhmm. Mukhang meant to be nga kayo."


"Nats naman eh! Hindi ka nakakatulong! Anong gagawin ko?


Aba! Eh di wala!"


"Ha! Eh kung magresign na lang kaya ako? Magleave kaya? Pwede mo ba ko payagan magleave ng isang buwan?" 


"Teka nga! Wag mo abusuhin ang posisyon ko ha. Atsaka, bakit mo naman icocompromise ang career mo sa past mo? Umupo ka nga diyan! May tanong ako sayo. Malaki bang threat si Alden sa relasyon mo ngayon na bumalik sya?"


"Hi-hindi." Ewan.


"Matitibag ba ni Alden ang relasyon nyo ni Frankie?"


"Hi-hindi rin." Hindi ako sure.


"Sobrang affected ka ba talaga na nakita mo ulit sya?"


"Hi-hindi naman." Mukhang oo. Waaaaahhh!


"Oh anong problema mo?" 


"Wala. Wala dapat. Oo nga ano?"


"Yan! Yan ang sinasabi ko sayo! Wala kang dapat gawin. Deadma lang. Ipapakita mo ba dun sa first love mo na affected ka pa rin? Ipakita mo na wala na syang effect sayo. Na hindi ka affected ng presensya nya!"


"Oo nga naman. May point ka dun. Wala na sya sa buhay ko. Matagal na. Kung makita ko sya, keribels lang. "


"Oh ano may problema ka pa?" 


"Wala na. Thank you Nats ha." 


Sa loob loob ni Maine iniisip nya na sana nga makaya nya. Pero kakayanin nya. Engaged na sya. Hindi na sya dapat affected ng ibang tao dahil ipinangako na nya ang sarili kay Frankie. 


Ipinapangako ko sa sarili ko na magiging matapang ako. Wala ng puwang si Denden sa puso ko. Matagal na syang nawala sa buhay ko. Lord, help po ah.



--------------------------------



May training at orientation si Alden ng dalawang linggo. Hindi pa nya inaasahang makikita si Maine habang nasa trabaho. Sa unang araw pa lang nya ay napasabak na agad sya sa napakaraming bagay tungkol sa kanyang trabaho. Nang dumating ang breaktime nya ay halos takbuhin nya ang cafeteria ng kumpanya na nasa iisang gusali lang naman. Ramdam na ramdam nya ang kalam ng sikmura dahil hindi pa sya naghahapunan ng nagdaang gabi. 



Papunta na si Alden sa counter ng cafeteria ng mamukhaan niya ang isang babaeng kumakain sa isa sa mga table doon. Tandang tanda ni Alden kung ano ang suot ni Maine at hindi sya pwedeng magkamali na ang dalaga nga ang nakaupo doon. Napahawak si Alden sa kanyang dibdib dahil biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. 

Akin Ka Na Lang   *ALDUB Fan Fiction*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon