Malayo ang isip na nakatingin si Maine sa kanyang ring finger. Kuminang ang bato ng singsing na nakasuot doon.
Totoo kaya ito? Hindi kaya pwet ng baso lang ito?
Hindi sya makapaniwala na darating sa buhay nya ang ganong pangyayari. Pero ang totoo, parang kulang pa rin.
Bakit ganon? Masaya naman ako pero parang hindi kumpleto.Paulit-ulit na nagrereplay yun sa isip nya na daig pa ang Repeat Mode ng Music Player ng cellphone nya. Alas-tres na ng madaling araw pero hindi pa rin sya dalawin ng antok. Kanina pa sya nagpaalam kay Frankie sa text na matutulog na sya pero hanggang ngayon ay dilat na dilat pa rin sya.
"Mukha na naman akong panda nito bukas sa trabaho!"Pilit na ipinikit ni Maine ang mga mata para sana makatulog na pero may pamilyar na mukha na laging lumalabas sa tuwing gagawin nya iyon. Sa tuwing makikita nya ang mukhang yun ay parang owl ang mga mata nyang imumulat ulit at sabay sapak sa sarili.
"Ano ba Maine! Hayskul ka pa non! Wala yon! Puppy love o crush lang yon!"
Yan ang laging paalala nya sa kanyang sarili sa tuwing makikita ni Maine ang gwapong mukha ni Alden na laging nakangiti sa kanya kahit sa isip nya lang. Pero hindi na rin nakayanan ni Maine ang sobrang pangungulila at hinayaan na lamang ang sarili na sariwain ang mga pangyayaring magandang alaala na lamang para sa kanya...
------
"Pabili po ng yelo!"
Nagmamadaling tumakbo si Meng mula sa kanyang kwarto pababa ng hagdan hanggang marating nya ang pinto ng bahay nila. Halos magkandarapa sya sa tarik ng hagdan, buti na lang nakakapit sya bago tuluyang madapa. Baka maunahan pa sya kasi.
"Ilan?" Pilit niyang itinago ang kilig sa kanyang boses nang masiguradong si Den ang nasa labas ng pinto.
"Dalawa. Uy, Meng! Bakit ka andito? Di ba may pasok ka?" Nagulat man ay buong tamis na ngumiti si Den kay Meng.
"Meron nga. Pero umuuwi naman ako talaga pag tanghali eh."
"Ah ok. Ahm. Kumain ka na?"
"Hindi pa, may ginawa lang ako sa taas. Kakain na rin ako."
"Ah. Sige. Kain lang ako. Anong oras ka papasok?"
"Ala-una. One thirty pa naman kasi yung time namen sa school. Bakit Kuya Alden?" Ayaw nyang tawaging Kuya ito pero baka mahalata sya.
"Aray ko naman! Bakit may Kuya pa?"
"Eh mas matanda naman kayo lahat saken eh. Lahat kaya sa boarding house eh kuya tawag ko diba?"
"Sabi ko nga eh."
"Bakit mo nga tinatanong kung anong oras ang pasok ko?"
"Meng, sino yan?" Mula sa sala ay lumabas sa kusina kung san naroon ang pinto si Lola Nida (Lola Nidora).
"Ay, La. Si Kuya Alden po. Bumili lang ng yelo."
"Kamusta totoy? Lakad na dun Meng, kumain ka na."
"Opo."saad ni Meng.
"Mabuti naman po ako Lola, kayo po?", walang choice na sagot ni Alden.
Iniwan na ni Meng ang dalawa at tuluyan nang naputol ang kwentuhan nila ni Alden.
Si Lola talaga KJ.
Nakasimangot na kumain itong magisa. Ang mga kapatid nya ay nasa eskwela at ang kanyang mga magulang ay nasa trabaho. Bukod tanging sya lang ang umuuwi ng tanghali dahil nagaalala sya sa Lola Nida niya na magisa sa bahay ng ganung oras. Mabuti na lang at Eat Bulaga ang palabas sa TV, kahit paano ay naaaliw sya sa mga patawa nina Tito, Vic at Joey.
Natapos na syang kumain at muli syang naghanda para pumasok sa school, nakaharap sya sa salamin habang inaayos ang buhok sa isang ponytail. Yun lang ang alam nyang ayos ng buhok. Ayaw kasi ng dalaga pag napupunta sa mukha nya ang buhok. Ayaw nya rin na mapawisan ang batok kaya laging nakataas iyon. Sinuyod nyang muli ang uniform, sapatos at ang mukha bago umikot muli at tuluyang lumabas ng kwarto para pumasok na. Para kay Meng, alam nya na hindi sya sobrang maganda. Tanging Lola lamang nya ang nagsabing maganda ito na parang artista pero hindi sya naniniwala dito. Simple lang sya, ni hindi sya nagpulbos sa mukha. Samantalang ang mga kaklase nya ay halos mag-full make up na kahit nasa High School pa lamang sila.
"Alis na po ako Lola!" Hindi sumagot si Lola Nida. Malamang nakatulog na yun sa sofa, naisip nya.
Eksaktong ala-una na noon. Nakasakbit sa isang balikat na dinala ni Meng ang backpack palabas ng bahay. Paglabas nya ay may naglalakad din galing sa likuran nya. Hindi naman bago yun dahil nga madami namang boarders ang Tito nya. Ngunit iba ang kaba ni Meng. Nagpatuloy lamang sya sa paglalakad ng walang lingon lingon. Nakasunod pa rin ang nasa likuran nya dahil iisa lang naman ang gate sa compound na yun. Pagdating sa gate ay pilit inabot ni Meng ang lock na nakasabit sa itaas na bahagi ng gate.
"Ako na." Mabilis na salo ng lalakeng nasa likuran sa ginagawa ni Meng.
Hindi agad nakagalaw si Meng at bago pa nya masino kung sino ang nagsalita ay nasa tabi na nya ito.
Napuno ang paligid ng amoy ng pabango ni Alden. Mabuti na lang at naisara agad ng dalaga ang bibig kundi mahuhuli sya ni Alden na nakanganga. Malapit na malapit lamang ito sa kanya.
"Pasok ka na, Meng?" Nakangiting sambit ni Alden, bagay na nagpalabas sa malalim nitong dimple.
"Ha?" Nalilito pa rin si Meng.
"Sabi ko kung papasok ka na?" Tuluyan ng nabuksan ni Alden ang gate at pareho na silang nakalabas ng compound.
"Ah. Oo." Sabi niya na may kasamang matipid na ngiti.
"Sabay na tayo."Bakit ba ganyan ka makatingin? Nasa isip pa rin ni Meng.
"Ha?!" Napalakas na sambit ng dalaga, "Ang ibig kong sabihin, baket? Eh out of the way naman yung school ko sa school mo", medyo nagpanic sya sa ideyang makakatabi nya ito sa tricycle.
"Ok lang yun. Doblehin ko na lang ang bayad sa tricycle para walang reklamo si Manong driver."
"Ah eh..."
"Oh eto na yung tricycle, sakay ka na."
Wala sa sariling napasunod na lang si Meng sa binata. Parang titigil ang kanyang paghinga ng hawakan sya nito sa siko para alalayan ng pagsakay sa tricycle. Buti na lang wala syang asthma kundi kanina pa sya inatake. Ni hindi sya makatingin kay Alden. Samantalang ang binata naman ay parang nakapako ang ngiti na sa wakas ay nagkaron sya ng pagkakataon na masolo si Meng kahit saglit lang.
BINABASA MO ANG
Akin Ka Na Lang *ALDUB Fan Fiction*
FanfictionSi Alden ang High School sweetheart ni Maine. Si Maine ang Forever ni Alden. Will love find its way kung nagbago na ang panahon at iba na ang takbo ng mga buhay nila? Mapipigil ba nila ang sigaw ng kanilang mga damdamin kung maraming hadlang sa ka...